embed embed2
  • Madalas Na Pananakit Ng Balakang? Baka Rayuma Na ’Yan, Sabi Ng Doktor

    May ilang uri ng rayuma at mga paraan para maibsan ito.
    by Jocelyn Valle .
Madalas Na Pananakit Ng Balakang? Baka Rayuma Na ’Yan, Sabi Ng Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung dumadalas at tumitindi ang pananakit ng iyong katawan, lalo na sa bandang balakang, baka kailangan mo na itong pagtuunan ng pansin. Mainam na maagapan ang paglala ng kondisyon at mabigyan ka ng gamot sa rayuma sa balakang.

    Mga pangkaraniwang uri ng rayuma sa balakang

    Rayuma ang madalas na sanhi ng sakit sa balakang, sabi ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner. Kilala ito sa medical term na arthritis. Ito raw ang nangyayari kapag nasisira ang buto, halimbawa, sa balakang, tulad ng hip bone at hip joint.

    Pamamaga (inflammation) ng joint ang literal na ibig sabihin ng arthritis, ayon pa sa Washington University Physicians. Isa rin itong "progressive disorder," kaya karaniwang nagsisimula ito sa unti-unting pananakit ng balakang hanggang lumala sa pagdaan ng panahon. Pero depende pa rin daw sa uri ng rayuma na umaatake.

    Osteoarthritis

    Tinatawag na "wear-and-tear arthritis" ang uri ng rayuma na osteoarthritis, ayon sa American Academy of Orthopaedic Surgeons (AAOS). Ang osteoarthritis of the hip ay nagdudulot ng pananakit at paninigas ng balakang.

    Ito ang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan kang gampanan ang mga pang-araw-araw na gawin. Kabilang diyan ang simpleng pagbangon mula sa kama, pagtatali ng sintas ng sapatos, at paglalakad kahit hindi kalayuan.

    Tataas ang tyansa mo na magkaroon ng osteoarthritis kung:

    • Nasa lahi ninyo ang pagkakasakit ng rayuma
    • Nagkaranas ka ng injury sa balakang
    • Nabibilang ka sa obese population
    • Ipinanganak ka na may maling pagtubo ng hip joint

    Rheumatoid arthritis

    Isang "systematic disorder" naman ang rheumatoid arthritis, sabi ng mga eksperto. Anila, apektado nito hindi lang ang hip joint ngunit ang buong katawan. May kinalaman kasi dito ang immune system, hindi lang ang tumatandang mga buto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya raw wala sa edad ang apektado ng rheumatoid arthritis. Lahat daw, maging mga bata at mas madalas sa mga kababaihan, ang nagkakaroon nito. Bukod sa pananakit at paninigas sa magkabilang balakang, may hatid itong panghihina ng katawan at pagiging madaling mapagod.

    Anong dapat gawin

    Bilang paunang gamot sa rayuma sa balakang, payo ni Dr. Unico na subukan ang anti-inflammatory medicine at steroids. Makakatulong daw ang mga ito upang mabawasan ang kirot na nararamdaman.

    Lifestyle changes

    Paalala rin niya na magmintina ng tamang timbang at huwag hayaan ang sarili na umabot sa obesity. Iwasan din daw ang mga mabibigat na gawain para hindi mapuwersa ang katawan, partikular ang balakang.

    Makakatulong din daw kung gagamit ng tungkod o walker sa paglalakad upang mabawasan ang pressure sa balakang. Isa pa ang page-exercise, basta low impact lang, gaya ng swimming.

    Pinakamahalaga raw ang komunsulta sa doktor nang magabayan sa tamang treatment, gaya ng physical therapy, at iba pang gamot sa rayuma sa balakang habang mino-monitor ang pakiramdam.

    Kaya bagamat kilalang mainam na exercise ang yoga, paalala ng yoga teacher na si Sheila Alon na humingi muna ng pahintulot sa doktor. Baka raw kasi imbes na bumuti ang pakiramdam dahil sa yoga ay lumalala pa ang sakit at magkaroon pa ng pinsala sa katawan.

    Kapag pumayag ang doktor, sabi ni Sheila, makakatulong ang "supported yoga practice" upang maibsan ang pananakit ng balakang sa pamamagitan ng "gentle stretches, breathwork, and poses." Kung regular na ginagawa ang mga ito, maaaring mabawasan ang paninigas ng joints at gumaang ang pakiramdam.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Surgery

    Paliwanag ng mga eksperto, maraming pasyenteng may rayuma sa balakang ang nagagamot sa tulong ng surgery. Hindi lang daw kasi naiibsan nito ang kirot bagkus napapabalik ang dating abilidad sa pagganap ng mga pang-araw-araw na gawain.

    Ang total hip replacement ang kadalasang klase ng surgey na nirerekomenda ng mga doktor para sa mga kasong "severely damaged." Para sa "less severe," nariyan ang osteotomy surgery. Pero kaunti lang daw sa mga pasyente ang pumapasa para sa ganitong mas kumplikadong paraan bilang gamot sa rayuma sa balakang.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles