;
embed embed2
  • 4 Puwedeng Gawin Bilang Gamot Sa Sakit Ng Ngipin Kung Di Pa Makapunta Sa Dentista

    May mga home remedy na subok na ng karamihan.
    by Anna G. Miranda .
4 Puwedeng Gawin Bilang Gamot Sa Sakit Ng Ngipin Kung Di Pa Makapunta Sa Dentista
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Marahil narinig mo na ba ang mga kuwento tungkol sa mga tooth fairy at baka ikinuwento mo pa sa anak mo. Maraming mga nanay at tatay ang nagkuwento nito sa kanilang mga anak, sa pag-asang sisipaging magsipilyo at maging maingat sa ngipin ang mga bata nang hindi na maghanap ng gamot sa sakit ng ngipin.

    Ayon sa kuwento, kapag nabubungi ang bata at natatanggal ang kanyang baby tooth, kailangan niya itong ilagay sa ilalim ng kanyang unan bago matulog. At sa himbing ng kanyang pagtulog, hindi niya mamamalayan ang pagdating ng tooth fairy na kukuha sa kanyang ngipin at mag-iiwan ng munting regalo o pera bilang kapalit.

    Paano naman kung sa kalagitnaan ng gabi sasakit ang ngipin? Ang tooth fairy pa rin ba ang darating upang gamutin ito? Mahirap nga naman kung sa hatinggabi ka makakaramdam ng toothache. Dahil dito, mahalagang malaman kung paano mawala ang sakit ng ngipin.

    Bakit sumasakit ang ngipin?

    Para mas maintindihan ang dental problem, mainam na alamin ang mga parte nito. Mayroong tatlong layers ang ating mga ngipin:

    • Enamel--nakikita ito sa labas ng ngipin at nagsisilbing proteksyon
    • Dentin--ito ang sumusuporta sa enamel
    • Dental pulp--nasa pinakaloob at gitna ng ngipin, malambot ang bahaging ito at binubuo ng connective tissue, nerves, at blood vessel.

    Kapag ang pulp sa loob ng ngipin ay nagkakaroon ng impeksyon at pamamaga (inflammation), makakaramdam ka ng pagsakit ng ngipin o toothache (pulpitis). Maraming mga dahilan ang pagsakit ng ngipin katulad ng injury, na madalas ay mula sa cavities na sanhi ng pagbubutas sa iyong ngipin hanggang maging, halimbawa, bulok na ngipin sa bagang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ka ring makaramdam ng mga ganito pang sintomas ng toothache:

    • Madalas na pagsakit ng ngipin
    • Mas lalong sumasakit ang ngipin kapag nahahawakan o nasasagi
    • Mas nagiging sensitibo ang ngipin sa mainit o malamig na mga pagkain at inuminpamamaga ng panga sa bahagi ng ngipin
    • Lagnat
    • Pakiramdam na laging pagod at nanghihina (malaise)

    Rekomendado ng mga eksperto na ipatingin na ang sumasakit na ngipin upang mabigyan ng diagnosis ng dentista. Mahalaga ang pag-rekord ng kumpletong medical history at pagpapatingin sa dentista upang masuri nang mabuti ang kondisyon ng ngipin.

    Mayroong X-rays na makapagpapakita ng mga larawan ng internal tissues, bones, at ngipin. Gamit ang transilluminator, matutukoy rin ng dentista kung may cavities ang pasyente. Hindi ito ginagamitan ng radiation. Ang treatment o gamot sa sakit ng ngipin ay madalas ding nakasalalay sa sintomas na nararamdaman, sa edad, at sa pangkabuuang kalusugan ng pasyente.

    Gamot sa sakit ng ngipin

    Kasama sa mga gamot sa sakit ng ngipin ang sumusunod:

    • Antibiotics
    • Pain medicine
    • Warm salt water rinses o pagmumog gamit ang tubig na may asin
    • Pagtanggal sa ngiping may sira
    • Pag-drain sa impeksyon (abscess), kung kinakailangan
    • Paglalagay ng pasta o dental filling, kung kailangan
    • Surgery, upang matanggal ang inflamed pulp (root canal)

    Kung malala ang pagsakit ng ngipin, may mga pagkakataong nirereseta ng dentista ang antibiotics gamit ang IV (intravenous) line. Ilan pa sa mga sakit kaugnay ng oral health ang cavities (tooth decay), gum o periodontal disease, at oral cancer.

    Cavities ang pinakakaraniwang sanhi ng pagsakit ng ngipin. Madalas na resulta ito ng poor dental hygiene. Malaking papel din ang ginagampanan ng asukal at starch sa pagkain dahil hinahayaan ng mga ito ang  bacteria sa bibig na sirain ang ngipin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang mga bacteria sa bibig ay kumakain ng  asukal at starch at bumubuo ng acid na sumisira sa ngipin. Karaniwang nauuwi ito sa tooth decay. Buti na lang mayroong mga paraan upang kahit papano ay giginhawa ang pakiramdam.

    Kung hindi pa makapunta sa dentista, maaaring subukan muna ang mga sakit ng ngipin home remedy at mga halamang gamot sa sakit sa ngipin. Kabilang diyan ang ma sumusunod:

    Cold compress

    Ayon sa Johns Hopkins Medicine, kung mayroong pamamagang kasama ang pagsakit ng ngipin, makatutulong ang cold compress sa pisngi (ilagay ito sa loob ng 20 minuto at tanggalin sa susunod pang 20 minuto bago ibalik ulit.) Nagiging manhid ang bahaging nalalamigan, kung kaya't naiibsan ang sakit ng ngipin. Nababawasan din ang pamamaga at  inflammation.

    Kailangan ding kumunsulta sa dentista upang malaman kung mayroon kang cavity o iba pang dental problem.

    Clove oil

    Panandaliang lunas din ang clove oil. Nababawasan nito ang pagsakit ng ngipin at ang pamamaga. Mayroon itong eugenol, na isang natural anesthetic, kaya epektibo ang remedyong ito. Isawsaw lamang ang cotton ball sa clove oil at hayaang ma-absorb ng bulak ang oil. Masahiin ang bahaging sumasakit.

    Tandaan ding hindi maganda ang lasa ng clove oil kaya baka mahirapan kang gamitin ito kapag bata ang sumasakit ang ngipin.

    Salt water rinses

    Kung sumasakit ang ngipin at namamaga ang gums, makagiginhawa sa pakiramdam ang pagmumog gamit ang maligamgam na salt water.

    Maglagay lamang ng dalawang kutsarita ng asin sa isang tasa ng maligamgam na tubig at saka ito gamiting pangmumog. Nakatutulong ang maligamgam na tubig upang maiwasan ang sakit at kaya rin ng asin na bawasan ang pamamaga ng gum tissue.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tooth pain medications

    Mayroon ding over-the-counter pain medications. Siguraduhin lamang na babasahin nang mabuti ang instructions sa package o label nito.

    Tandaang hindi laging sapat ang home remedies na ito bilang gamot sa sakit ng ngipin. Inirerekomenda ng American Dental Association (ADA) na humingi ng ebalwasyon mula sa iyong dentista. Agad na mag-set ng appointment, lalo na kung mayroong mga sintomas ng  tooth abscess – kung saan may kasamang lagnat, pamamaga ng mukha, at hindi nawawalang sakit ng ngipin.

    Para naman maiwasan ang pagsakit ng ngipin, bilin ng mga eksperto na gawin ang mga sumusunod:

    • Ugaliin ang good oral habits
    • Piliin ang masustansyang mga pagkain
    • Pag-iwas sa matatamis at mga pagkaing mataas sa asukal at starch

    Kasama sa dapat gawin ang pagsisipilyo dalawang beses sa isang araw. Makatutulong din ang paggamit ng floss at mouthwash araw-araw. Mahalaga ring bumisita sa dentista para sa regular na checkups at para makasigurong mabibigyan ka ng sapat at wastong gamot sa sakit ng ngipin.

    Para sa gamot sa sakit ng ngipin pambata, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles