;
embed embed2
8 Dapat At Hindi Dapat Gawin Para Maibsan Ang Hapdi Ng Singaw Sa Bibig
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang hirap kumain, ang hirap ding magsalita. Iyan ang madalas na nararanasan ng mga taong nagkakaroon ng singaw. Isa na yata ang singaw sa sakit na talagang malaki ang perwisyo na maidudulot sa tao kapag nagkaroon ka nito. Kaya marami ang nagtatanong kung anong puwedeng gawin bilang gamot sa singaw.

    Mas mahirap pa sa bata dahil hindi nila masabi o maipaliwanag ang nararamdaman. Sa matatanda, nakakayanan pang tiisin ang pagkakaroon ng singaw ngunit sa mga bata talagang challenging ang pagma-manage nito lalo kung may kailangang ipahid na ointment sa kanilang singaw.

    Bakit ba nagkakasingaw?

    Tumutubo ang singaw sa loob ng bibig, pisngi, at labi, pati na bilang sugat sa gilagid at sugat sa dila. Kadalasang nabubuo ang singaw nang paisa-isa lang o kung minsan ay kumpol o marami. Ang singaw ay pabilog, kulay puti o dilaw at mapula ang palibot nito. Karaniwang maliit lamang ito pero maaaring lumaki rin.

    Ayon sa KidsHealth, ang singaw o canker sores ay kusang nawawala at hindi naman nakahahawa. Sobrang masakit at mahapdi ito kapag natatamaan o nagagalaw lalo na kapag kumakain ng matitigas, maalat, at maaasim na pagkain.

    Ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng singaw batay sa paliwanag ng mga eskperto: 

    • Pagkakaroon ng injury o sugat gaya halimbawa ng nakagat ang dila o natusok ang gilagid
    • Karaniwan ito kapag madiin ang pagsesepilyo at sa may braces dahil sa pagsabit ng labi dito
    • Batay sa mga pag-aaral, puwede ring kulang sa vitamin B at sa Zinc
    • Sa mga matatanda, posibleng dahilan din ito ng sobrang stress o labis na pagtatrabaho
    • Biglaang pagbaba ng timbang o pagpayat
    • Paggamit ng mga toothpaste na may sodium lauryl sulfate at matigas na tooth brush 
    • Pagkakaroon ng mga sensitivity at allergy sa pagkain gaya ng maaanghang at maaasim
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gaano tumatagal ang singaw?

    Paliwanag ng mga ekesperto,  nawawala rin ang singaw pagkaraan ng mula 5 hanggang 7 araw. Kapag ang singaw ay umabot nang dalawang linggo at dumarami habang tumatagal, agad na magpakonsulta na sa doktor.

    Common din daw ang pagkakaroon nito sa mga teenager na ang edad ay nasa pagitan ng 15 hanggang 25 taong gulang. Pero kapag lampas sa edad na 55 at marami ang singaw, dapat na magpatingin sa doktor dahil posibleng may indikasyon ito ng ibang kondisyong pangkalusugan.

    Ayon pa sa mga eskperto, kapag maraming singaw posibleng may internal disease o sintomas ito ng mas malalang sakit kaya hindi dapat na ipagbawalang-bahala rin.

    Sa mga batang nasa edad na 5 taon pababa, ang pagkakaroon ng singaw o mouth ulcer ay maaaring sintomas ng ibang karamdaman gaya ng hand, foot and mouth disesase (HFMD). Madali silang kapitan nito dahil nakukuha nila ito ng mga saradong lugar kung saan sila madalas naroon gaya ng mga indoor playground at childcare centers. Isa itong sakit na nagdudulot ng lagnat, singaw, at rashes sa kamay at paa.

    Paliwanag naman ni Dr. Carmina Delos Reyes, isang pediatrian at infectious disease specialist, sa isang artikulo ng SmartParenting.com.ph, na mild viral illness lamang ang HFMD, at hindi labis na nakahahawa. Pero dapat pa ring maging mag-ingat ang mga magulang at ipatingin agad sa doktor ang kanilang mga anak upang maagapan ang anumang komplikasyon na maidudulot nito.

    Ano ba ang dapat na gamot sa singaw?

    Kung gamot sa singaw ang pag-uusapan, ang unang imumungkahing epektibong panggamot ng mga Pilipino ay tawas. Batay sa sariling karanasan ng writer na ito, nasubukan kong epektibo nga ito sa singaw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ipapahid lamang ang tawas sa apektadong bahagi. Kailangang tiisin lamang ang hapdi at sakit na idudulot nito kapag naipahid sa singaw. Ang problema, hindi ito puwedeng malunok at kailangang idura kaya hindi puwede sa mga bata.

    Bukod pa rito, maaari din daw ang virgin coconut oil (VCO) na ipahid sa singaw. Nakatutulong din ang magmumog ng tubig na may asin. Maaaring gawin ito nang tatlong beses sa isang araw. 

    Pero sa mga bata, mas makabubuti na komunsulta sa doktor para matingnang mabuti ang inyong anak at mabigyan ng tamang payo sa kung paano maiibsan ang sakit dulot ng singaw. Mahihirapan kasi silang dumede o kumain kapag may singaw.

    Kadalasan, nakabibili rin over-the-counter ng daktarin oral gel na okay lang na malunok nila ito kapag naipahid sa singaw. Ito rin ang karaniwang inirereseta ng mga doktor sa mga bata. Ngunit kung malala ang sitwasyon, nagbibigay rin sila ng iba pang gamot.

    Paano maiibasan ang sakit dulot ng singaw?

    Kapag may singaw, maaaring subuking gawin ang ganitong mga hakbang para kahit papaano ay mabawasan ang hapdi o sakit na mararamdaman.

    • Iwasan ang matitigas na pagkain. Piliin na mag-soft diet na lamang para hindi matatamaan ang singaw sa pagnguya ng pagkain.
    • Iwasan din ang maanghang, maalat, maasim na pagkain.
    • Maaaring palitan ang toothpaste na ginagamit pati na rin ang tooth brush, piliin iyong mas malambot.
    • Gawing dahan-dahan ang pagsesepilyo at huwag masyadong madiin.
    • Makatutulong din ang pagkain ng yogurt.
    • Uminom ng maraming tubig araw-araw.
    • Uminom ng multivitamins kada araw. Piliin iyong may Vitamin B at Zinc.
    • Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nasubukan naman ang ilang nabanggit na tips bilang gamot sa singaw pero walang pagbabago, mas dumarami o lumalaki pa ang singaw, at may tumutubong bago habang papagaling ang isa, agad na komunsulta sa doktor. Gayundin, kung nahihirapan na sa pagkain o pag-inom at matinding sakit na ang nararanansan lalo na kung may lagnat. Tandaan, huwag basta balewalain ang pagkakaroon ng singaw lalo na kung palagi itong nararanasan, higit pa kung sa mga bata.

    Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

    Canker Sores

    https://kidshealth.org/en/kids/canker.html

    Pwede Daw Ang Tawas At VCO Sa Singaw Sa Bibig Ng Bata?

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/gamot-sa-singaw-a00370-20210319

    Singaw and Rashes: A Quick Guide to Hand, Foot, and Mouth Disease

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/quick-guide-to-hand-foot-and-mouth-disease-a00026-20171101

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles