-
Mahapdi, Umiinit o Nangangasim na Sikmura? Alamin ang Dahilan at Gamot sa Pananakit
Ang iyong lifestyle ang kadalasang may sala sa pananakit ng sikmura.by Anna Patricia Rodriguez-Carranza . Published Jul 14, 2019
- Shares
- Comments

Updated as of July 31, 2023
Naranasan mo na bang mamaluktot at mapahawak sa iyong sikmura, na pakiramdam mo’y tila mahapdi, umiinit, o di kaya’y nangangasim? Ang pananakit ng sikmura ay kadalasang nangyayari tuwing sumosobra sa dami ang paggawa ng asido sa loob ng tiyan (hyperacidity). Lalo itong mas nakababalisa kapag ang asido ay lumalabas patungong lalamunan at nagdudulot ng iritasyon dito, karaniwang sintomas ng GERD o gastroesophageal reflux disease. Ngunit huwag kang mag-alala — mayroong gamot sa sinisikmura.
Mga sintomas ng pananakit ng sikmura
Ang mga taong sinisikmura ay kadalasang nakararanas din ng ibang sintomas maliban sa mahapding sikmura, gaya ng:
- labis na pagdighay na minsa’y may kasamang maasim na lasa
- masakit na tila mainit na pakiramdam sa dibdib (heartburn)
- pagkahilo
- pakiramdam na parang 'di natunawan (bloated)
- puno ng hangin ang tiyan (kabag o flatulence)
What other parents are reading
Mga sanhi ng pananakit ng sikmura
Ang sanhi ng pananakit ng sikmura ay kadalasang resulta ng pag-abuso sa ating katawan. Ilan sa mga gawain na nakapagdudulot ng sakit ng sikmura ay ang mga sumusunod:
- pagpupuyat
- pagsailalim sa sobrang stress
- sobrang pagkonsumo ng ilang klase ng pagkain at inumin
- pagkain sa maling oras
- pagkain nang sobrang kaunti o sobrang dami
- pagbibisyo
- maling pag-inom ng anti-inflammatory drugs, gaya ng aspirin at ilang klase ng pain relievers
- labis na pagsasagawa ng mabibigat o biglaang ehersisyo, gaya ng pagbubuhat at pagtakbo
Maaari rin namang kaakibat ng mga pagbabago sa katawan ang pananakit ng sikmura, gaya ng:
- labis na paglaki at pagbigat ng timbang
- sa mga kababaihan, habang buntis, lalo na kapag lumalaki na ang tiyan simula sa ikalawang trimester
- pagtigil ng buwanang dalaw ng higit sa 12 buwan (menopause)
What other parents are reading
Gamot sa sinisikmura
Ano ang maaaring gawin upang maibsan ang pananakit ng sikmura? Una, sikaping ayusin ang inyong lifestyle o pamumuhay. Maaring gawin ang mga sumusunod:
- matulog nang walong oras o higit pa at iwasang magpuyat
- magpahinga kung nararamdamang "stressed out" ka na at iwasang mag-overtime sa trabaho
- uminom ng maraming tubig at umiwas sa soft drinks, alak at kape
- bawasan ang mga pagkaing mataas sa asukal at maraming pampaanghang at pampaasim, lalo na ang mga galing sa hindi natural na sangkap
- kumain nang madalas ngunit paunti-unti lamang ang dami ng pagkain
- iwasan ang paninigarilyo
- pagsuot ng mga damit na hindi hapit sa bandang sikmura at tiyan (maaaring naiipit lamang ang inyong sikmura kung kaya’t ito ay sumasakit)
- pagkonsulta sa doktor ukol sa mga iba pang sakit o sintomas na nararanasan, pati na ang mga gamot na kasalukuyang iniinom
- pagbawas ng timbang
- paghihinay-hinay sa pagsasagawa ng mga pisikal na gawain gaya ng ehersisyo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Upang maibsan ang nararamdamang pananakit ng sikmura, maaari ninyo ring subukan ang mga sumusunod:
1. Kumain ng mga pagkain na mataas ang taglay na magnesium, fiber, at probiotics.
Karamihan ng mga gamot sa hyperacidity ay may taglay na magnesium. Makukuha ito sa mga prutas gaya ng melon at pakwan. Ang fiber naman ay upang mapalakas ang mga kalamnan ng digestive track. Makukuha ito sa mga pagkain gaya ng oatmeal at saging. May taglay ring pectin ang saging na nakatutulong sa pagpapagalaw ng laman ng digestive track.
Ang probiotics ay mabisang gamot sa sinisikmura dahil tumutulong ito na mabawasan ang bad bacteria sa tiyan. Mahahanap ito sa mga pagkain gaya ng yogurt, kimchi, at iba pang burong gulay, at sa kefir.2. Maghanap ng kapalit sa ilang mga nakasanayang pagkain.
Ang ilan sa mga nakasanayang pagkain ay nagdudulot ng pananakit ng sikmura. Kaya't mas mainam na humanap ng mga kapalit gaya ng:
- rice coffee sa halip na 3-in-1 o purong kape
- mas malalambot na karne, gaya ng isda at manok, sa halip na baka at baboy
- plant-based milk products (karaniwang halimbawa: soya, almond, rice, oat) sa halip na galing sa hayop (dairy)
- caffeine-free na tsaa gaya ng Yerba Buena at luya
CONTINUE READING BELOWwatch now3. Maayos na pagpuwesto ng katawan, lalo na habang o pagkatapos kumain.
Umupo o tumayo nang maayos habang kumakain upang makababa nang maayos ang kinakain. Huwag munang humiga pagkatapos kumain at matulog nang nakaangat ang ulo kaysa tiyan sa pamamagitan ng paglalagay ng unan sa ilalim ng ulo nang sa ganun ay hindi umakyat ang asido patugo sa lalamunan.
What other parents are reading
Mga komplikasyon dulot ng pananakit ng sikmura
Kung hindi na pangkaraniwan ang nararamdaman at hindi agad naipatingin, maaaring lumala ang simpleng pananakit ng sikmura at magdulot ng mga sugat, na kalauna’y pwedeng maging ulser. Bukod sa hyperacidity, maaaring indikasyon din ng iba pang sakit at kondisyon ang pananakit ng sikmura. Maraming lamang-loob ang bumubuo sa ating digestive tract at ang pananakit ng sikmura ay maaaring isa lang sa ma sintomas ng alinman sa mga sumusunod:
- gastritis, o pamamaga ng lining ng bituka na maaaring sanhi ng iritasyon mula sa mga iniinom na gamot o impeksyon mula sa bacteria na Helicobacter pylorio
- appendicitis, o pamamaga (at kalaunan ay maaaring pagputok din) ng appendix, isang maliit na bahagi sa dulo ng bituka, na kadalasang nangyayari kapag nababarahan ng dumi
- gastroenteritis, o impeksyon sanhi ng ilang uri ng virus (rotavirus, norovirus) o bacteria (Salmonella, E.coli) na kadalasang nanggagaling sa pagkaing hindi sumailalim sa malinis na preparasyon
- problema sa pagdumi, gaya ng constipation, LBM, at diarrhea
- food poisioning
- impeksyon sanhi ng parasitiko, gaya ng mga bulate (tapeworm, roundworm, whipworm, pinworm) at mga protozoans at flagellates na kadalasang nakukuha sa kontaminadong tubig o di kaya ay pagkain ng hilaw na karne
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung hindi naiibsan ang pananakit ng inyong sikmura sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong lifestyle at pag-inom ng niresetang gamot sa sinisikmura, komunsulta agad sa isang doktor o dalhin na sa emergency room, lalo na kung nakararanas ng isa o higit pa sa mga sumusunod:
- mataas na lagnat
- biglaan, sobra, o hindi mawala-walang pagsakit ng sikmura
- hirap sa paglunok at paghinga
- maitim at tila may dugo ang ihi o dumi
- hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- pagkalagas ng buhok
- hindi na makatayo o makaupo nang tuwid dahil sa sobrang sakit
- pagkahilo na may kasabay na pagsusuka, paninilaw ng balat, at pagdumi na tila may dugo
Sa huli, mainam pa rin na ang sariling pagsasaliksik ukol sa inyong mga nararamdaman ay sabayan ng pagkonsulta sa isang doktor.
Frequently Asked Questions tungkol sa mahapding sikmura
Mabuti na nagpapatingin sa doktor para sa mga alalahanin tungkol sa mahapdi, umiinit, o nangangasim na sikmura. Narito ang ilang mga karaniwang katanungan at kasagutan patungkol dito:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWQ: Ano ang maaaring mga sanhi ng mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura?
A: Ang mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura ay maaaring sanhi ng iba't ibang kondisyon. Maaaring kasama dito ang pagkain ng pampalasang pagkain, gastroesophageal reflux disease (GERD), ulcer, stress, pagkakaroon ng helicobacter pylori (isang uri ng bacteria), o iba pang mga bato sa apdo o pantog.
Q: Ano ang mga sintomas ng GERD?
A: Ang GERD ay isang kondisyon kung saan ang acid mula sa tiyan ay nagli-leak pabalik sa esophagus. Ang mga sintomas nito ay maaaring kasama ang mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura, pagsusuka, regurgitation o pagsusuka ng acid, pagkahilo, at pagsakit ng dibdib. Ngunit, maaring magkaroon ng iba pang mga kondisyon na nagdudulot ng mga sintomas na ito, kaya mahalaga ang tamang diagnosis ng doktor.
Q: Paano matitiyak kung may ulcer ang isang tao?
A: Ang ulcer ay isang sugat o pagkasira na bumubuo sa lining ng tiyan o dugo. Ang mga sintomas nito ay maaaring kasama ang mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura, pagsusuka ng dugo, pagkakaroon ng dugo sa dumi o ihi, at pagkasira ng tubo (perforation) na maaring magdulot ng malalang sakit sa tiyan. Ang isang doktor ang makakapagdiagnose nito nang tama at mabibigyan ka ng tamang gamutan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWQ: Ano ang mga dapat gawin kung mayroon akong mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura?
A: Kung ikaw ay may nararamdaman ng mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura, mahalagang kumonsulta sa isang doktor. Ang doktor ang makakapagbibigay ng maayos na pagsusuri at maaring magrekomenda ng mga gamot o pagbabago sa diet at lifestyle para mapagaan ang mga sintomas. Mahalaga rin na iwasan ang pagkain ng pampalasang pagkain, paninigarilyo, at pag-inom ng alkohol.
Mahalaga ang tamang diagnosi at gamutan ng mahapdi, umiinit o nangangasim na sikmura. Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa isang propesyonal na doktor para sa tamang gabay at payo.
What other parents are reading

- Shares
- Comments