Tagalog,con-00062,greener,affiliate,gamot sa sugat na may nana,updated,r08-judy,Gamot Sa Sugat Na May Nana | Smart Parenting,gamot sa sugat na may nana, open wound, infected wound, sugat na may impeksyon, sugat,Ano ang first aid o gamot sa sugat na may nana? Maaaring gumamit ng warm compress para ma-drain ang abscess.
HealthYour Health

Nakakatulong Ang Compress Kung May Nana Ang Sugat, Pero Warm O Cold?

Mas makirot at masakit ang sugat kapag may nana.
PHOTO BYShutterstock

Updated on December 28, 2023

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Totoong hindi kanais-nais ang hitsura ng sugat na may nana. Madalas nga nandidiri pa tayo kapag lumalabas na ito sa sugat. Minsan may kasama ring hindi kaaya-ayang amoy ang nana. Kaya mahalaga na alamin ang gamot sa sugat na may nana.

Isang malapot na likido ang nana na kadalasan ay kulay puti, dilaw, berde o brown na nabubuo sa bahagi ng balat na may sugat. Karaniwang senyales ito na may impeksyon ang sugat. Kung may sugat ka at napabayaan ito, posibleng pasukin ito ng bakterya na magdudulot ng impeksyon.

Palatandaan na infected na ang sugat kapag may nana

Kapag pumasok sa katawan ang impeksyon, nagsisimulang labanan ito ng immune system ng ating katawan. Nagdadala ito ng mensahe sa white blood cells sa bahaging apektado na labanan ang bakterya. Kaya nga pag may nana ang sugat, nakakaranas din tayo ng pamamaga ng kulani kung saan malapit ang sugat. 

Maaaring lumala rin ang sitwasyon ng sugat pag napabayaan at hindi ito agad na ginamot. Maaaring makasagabal din ang nana sa mas madaling paggaling ng sugat at tumindi rin ang sakit na maidudulot nito. Mas makirot at masakit kasi ang sugat na may nana. Pero kapag natanggal naman ang nana, labis tayong nagiginhawaan.

Sa kabilang banda, ang pagnana ng sugat ay isang natural na bahagi rin ng paghilom ng sugat. Bagaman kadalasang senyales ito na may impeksyon ang sugat, nagpapahiwatig din ito na sinusubukang labanan ng ating katawan ang impeksyon at para sa tuluyang paghilom ng sugat.

Gamot sa sugat na may nana

Kapag may nana ang sugat, mapapansin ang pamamaga nito, may pag-umbok sa sugat, at magiging mamula-mula rin ito. Minsan mainit din kapag hinawakan. Gawin ang sumusunod na paraan kapag nagkaroon ng nana ang sugat:

  • Maaaring lapatan ng warm compress ang sugat na may nana para maibsan ang kirot na nararamdaman.
  • Huwag pipisain o puputukin ang sugat na may nana dahil baka lalong lumala at kumalat ang impeksyon. Maaaring lumaki pa ang sugat. Hayaang kusang pumutok ito.
  • Alisin ang nana na lumalabas sa sugat gamit ang malinis na bulak. Maaaring itulak o palabasin ito paunti-unti.
  • Gumamit ng antiseptic sa paglilinis ng sugat. Huwag kalimutang maghugas ng kamay pagkatapos linisin ang sugat.
  • Takpan ang sugat ng gasa para hindi ito dapuan ng langaw o mapuntahan ng anumang mikrobyo.
watch now

Mga natural remedy sa paggamot ng sugat

Kung minor lamang ang sugat, maaaring subukin mo ang mga natural remedy na ito bago ang paggamit ng ointment o pag-inom ng gamot sa sugat. Sabi ng mga eksperto may taglay na antioxidant, anti-inflammatory, at antimicrobial property na posibleng makapagpagaling ng sugat at maiwasan pa ang matinding impeksyon.

Aloe vera

Karaniwan na ginagamit ang aloe vera sa paso, pero puwede rin itong panggamot sa sugat. Nagagawa ng laman o taglay na gel nito na mapabilis ang paggaling ng balat. Nababawasan din nito ang kirot o sakit ng sugat. Puwede itong i-aplay sa sugat sa buong maghapon kung kinakailangan.

Honey

Karaniwan ginagamit ang honey na panggamot sa sugat at minsan pa nga pamalit sa mga bandage para sa sugat. Nakatutulong itong mapaghilom ang mga minor na sugat at maiwasan ang impeksyon.

Subukan: Martina's 100% Pure Honey, Php 189.00 for 250ml, Lazada

Lavender at tea tree oil

Ang pag-aaplay nito essential oil gaya ng lavendertea tree sa sugat ay nakatutulong sa mas mabilis na paggaling ng sugat. Nagdudulot din ito ng antimicrobial at antibacterial sa sugat. Itinuruing na natural antiseptic din ang tea tree oil na nakagagamot sa anumang sugat. Maaaring maglagay nito ng dalawang beses sa sugat kada araw.

Subukan: Human Nature Lavender Essential Oil, Php 275.00 for 10ml, Lazada; Human Nature Tea Tree Wellness Essential Oil, Php 295.00 for 30ml, Lazada

Turmeric paste

Taglay nito ang component na curcumin na likas na anti-inflamatory at antimicrobial. Kapag inilagay sa sugat ay makatutulong sa paggaling nito at posibleng makaiwas din sa pagkakaroon ng impeksyon.

Subukan: Turmeric powder, P30.00 for 100g, Lazada

Topical vitamin E

Ang coconut oil ay isang uri ng vitamin E na maaaring ipanggamot sa sugat. Kilala ang vitamin E na antioxidant at nagtataglay rin ito ng anti-inflammatory na nakatutulong sa mabilis na paghilom ng sugat at maiwasan ang higit pang pagkasira ng tissue ng balat.

Subukan: Nutrifinds Organic Premium Virgin Coconut Oil, Php 92.00 for 100ml, Lazada

Pero kung hindi ka panatag sa mga nabanggit na natural gamot sa sugat na may nana o wala, kumonsulta sa doktor para mabigyan ka ng tamang gamot. Kung makakaranasan din ng iba pang sintomas gaya ng lagnat at panginginig dahil sa matinding impeksyon sa sugat, agad na kumonsulta sa doktor. Lalo na kapag mas lumalaki ang sugat at tumitindi rin ang kirot o sakit na naidudulot nito.

Tandaan na anumang uri ng sugat kahit na simple at mababaw lamang ay mahalagang lapatan ng agarang lunas at tamang atensyon para maiwasan na magkaimpeksyon. Magagawa ring maiwasan na magkaroon ng nana ang sugat kung:

  • Tamang nalilinis ang sugat
  • Napapanatiling tuyo ang sugat
  • Hindi paggalaw rito o pagkutkot ng sugat

Frequently asked questions ukol sa sugat

1. Pwedeng ba gamitin ang mga ointment na mabibili sa botika para sa impeksyon sa sugat?

A: Bagamat maaaring makatulong ang ilang over-the-counter ointments para sa mga simpleng sugat, mahalagang kumonsulta sa isang doktor lalo na kung malubha ang impeksyon.

Ipinapayo ng ilang eksperto na gamitin ang mga ointment na naglalaman ng antimicrobial properties para mapanatili ang malinis at ligtas na kalagayan ng sugat. Subalit, may mga kaso kung saan ang impeksyon ay maaaring magkaroon ng pangangailangan ng mas malalim na medikal na atensyon, kaya't mahalaga ang payo ng isang propesyunal na doktor.

2. Gaano katagal bago gumaling ang sugat na may nana nang natural?

Ang oras ng paghilom ay nag-iiba depende sa kondisyon ng sugat at sa mabilisang pangangalaga nito. Maaring mapabilis ang paggaling sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga at paggamot. Ngunit, mahalaga ang personal na payo ng isang propesyonal na pangangalaga sa kalusugan o doktor para sa masusing impormasyon.

3. May mga pagkain bang makakatulong sa mas mabilis na paghilom ng sugat?

Oo, may ilang pagkain na maaaring magtaglay ng sustansiyang makakatulong sa natural na paghilom ng sugat. Ang isang balanseng diyeta na mayaman sa bitamina at mineral ay nagbibigay ng suporta sa natural na proseso ng paghilom ng katawan. Ilan sa mga mabubuting pagkain ay ang mga prutas, gulay, at mga pagkain na mataas sa protina.

4. Kailangan bang ipag-alala ko ang pagkakaroon ng peklat pagkatapos gumaling ng sugat na may nana?

Ang pagkakaroon ng peklat ay bahagi ng natural na proseso ng paghilom ng sugat. Ang tamang pangangalaga ng sugat ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng intensity ng peklat. Ngunit, para sa masusing pangangalaga sa peklat, mas mainam na kumonsulta sa isang dermatologist.

5. Pwedeng ba akong mag-ehersisyo kahit may impeksyon sa sugat?

Maaring magsagawa ng maingat na ehersisyo, ngunit mahalaga na iwasan ang mga aktibidad na maaaring magdulot ng tensyon o pagbuka muli ng sugat. Mainam na kumonsulta sa isang propesyunal na pangangalaga sa kalusugan para sa tamang gabay.


Sources
: Healthline, Medical News Today, Prevention

Additional note: Products recommended on our websites are independently selected by editors. If you buy something through our links, Summit may earn an affiliate commission at no extra cost to you. Product links are updated regularly and as much as possible, but note that products can run out of stock, discounts can expire, and listed prices can change without prior notice.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close