-
6 Gamot Sa Ubo Ng Bagong Panganak At Nagpapasuso Na Puwedeng Subukan
by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Napakahalagang manatili kang malusog at walang sakit sa panahon ng iyong pagbubuntis hanggang sa maisilang mo na ang iyong baby. Kasabay ng lahat ng paghahanda ng isang bagong mommy (o kahit hindi first-born ang ipinanganak na baby), ang pagpapasuso naman ang challenge na kailangang paghahandaan.
Custom-made para sa baby ang gatas ng kanyang ina, ayon sa Kid's Health. Mayroon kasi itong antibodies na lumalaban sa impeksyon. Ang gatas ng nanay ay nakapagbibigay ng sustansya sa baby. Malaki rin ang naitutulong nito para sa immune protection at wastong paglaki ng sanggol. (Basahin dito ang iba pang benepisyo ng breastfeeding.)
Maraming nanay tuloy ang nagtatanong: Okay lang bang uminom ng mga gamot sa ubo ng bagong panganak?
Pagkakasakit habang nagpapasuso
Hindi bawal uminom ng gamot sa ubo, ayon sa mga eksperto. May mga pagkakataon kasing talagang kailangan ng medikasyon ngunit mayroong iilang gamot na dapat munang iwasan.
Pero maaapektuhan ba ang baby na pinasususo? Sinasabi kasing ang patuloy na pagpapasuso ay makatutulong sa kanya upang mapanatiling malakas ang resistensya at malayo sa iba't ibang respiratory virus. Kabilang dito ang trangkaso (flu), respiratory syncytial virus (RSV), at coronavirus (COVID-19).
Sa panayam ng SmartParenting kay Claire Santos Mogol, isang peer counselor ng L.A.T.C.H. Philipines at Arugaan, ipinaliwanag niyang maaari pa ring magpasuso ang nanay na mayroong sipon at ubo. Aniya, "The mother’s body develops antibodies that help fight off the virus and protect the baby from getting sick."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSang-ayon si Joyce Zaragoza Martinez, isang registered nurse and International Board Certified lactation consultant. Nagbigay din siya ng payo na kailangan talagang mas maging maingat: “Wear a mask and wash your hands religiously to help prevent the spread of disease."
Maaari ngang mapunta ang mga gamot sa breast milk ngunit sa kaunting kantidad lamang, ayon naman sa paliwanag ng The Royal Women's Hospital sa Victoria, Australia. Kaya hindi ito makaaapekto sa mga sanggol.
Mga gamot sa ubo
Para sa dry cough, itinuturing na ligtas ang cough suppresant tulad ng pholcodine o dextromethorpan. Kung masakit sa dibdib ang ubo, expectorant tulad ng guaifenesin o mucolytic kagaya ng bromhexine ang maaaring irekomenda ng doktor.
Para naman sa mga nanay na kapapanganak pa lamang at nagpapasuso sa kanilang baby, narito ang mga maaari nilang inuming gamot sa ubo:
1. Benzocaine (Cepacol)
Panandaliang naiibsan nito ang pananakit na nararamdaman ng pasyente mula sa itching o pangangati at sore throat. Dahil sa low oral absorption nito, sinasabing hindi ito makaaapekto sa sanggol na pinasususo ng nanay. Ang benzocaine cough drops o lozenges (may menthol man o wala) ay mabisang gamot para sa cough relief sa mga nanay na may ubo.
2. Menthol
Numbing agent din ang menthol kagaya ng benzocaine. Karaniwan itong ginagamit upang maibsan din ang pananakit mula sa sore throat at para sa topical analgesics. Kaunting menthol lamang ang naililipat sa breast milk. Kasama sa mga ito ang Halls, Ricola, Luden’s, at Vicks.
3. Guaifenesin (Robitussin, Mucinex)
Isa itong expectorant na nakapagpapaginhawa sa pakiramdam ng pasyente. Nalu-loosen kasi ang respiratory tract secretions. Sa kabila nito, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tuluyang napatitigil ng guaifenesin ang pag-ubo.
CONTINUE READING BELOWwatch now4. Dextromethorphan (DM, Benylin, Delsym, Robitussin DM)
Ito ang gamot na higit na epektibo kaysa sa honey, ayon sa nasabing pag-aaral. Antitussive drug ito na nakapagtataas o elevate sa cough threshold sa utak. Pinakaligtas din ito sa mga antitussives at hindi maililipat sa gatas ng iba.
5. Benzonatate prescription required (Tesselon Perles)
Non-narcotic ang cough suppressant na ito. Kakaunti ang pharmacokinetic data ukol sa produktong ito, at wala ring datos tungkol sa transfer sa human milk. Inaasahan ding mula low hanggang moderate lamang ang milk transfer batay sa medication size.
Paalala lang na lubos na mapanganib ito kung maiinom o kakainin ng isang bata. Dahil sa severe toxicity kahit sa kakaunting kantidad, dapat na iwasan ito bilang gamot sa ubo ng bagong panganak.
6. Codeine prescription required
Hindi na rin ito available over the counter. Ginagamit ito sa mga gamot para sa pananakit at sa ubo. Maaari itong makapagdulot ng respiratory depression. Mayroong mga kaso ng respiratory depression sa breastfeeding infants. Sinasabing ligtas pa ang moderate amounts nito (<150 mg per day) kapag nagpapasuso o breastfeeding.
Kung ang nanay ay lethaargic, kailangang maghintay muna siya bago magpasuso hanggang sa siya ay alerto na. Sinasabing mas mababa ang codeine levels sa ganitong pagkakataon. Common trade names ng combination products ang sumusunod: Cheratussin AC, Tuzistra XR, Robitussin AC, Vanacof, Tylenol #3, Tylenol #4.
7. Honey
Kung nais ng mas natural na gamot sa ubo ng bagong panganak, maaaring subukan ang honey. Tandaan lang na kailangan pa ng mas masusing pag-aaral tungkol sa epekto ng honey sa matatanda o adults. Sa isang pag-aaral noong 2014, nakitang mas epektibo ito sa mga sintomas ng ubo sa mga bata kaysa sa placebo at diphenhydramine. Kailangan lamang tandaan na hindi ito puwede sa mga sanggol.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW(Basahin dito ang mga natural remedies para sa gamot sa ubo ng bagong panganak.)
Paalala ng mga eksperto na mahalagang sumangguni sa doktor kung hindi ka sigurado sa mga gamot, over-the-counter (OTC) man o herbal. Kailangang maunawaan kung ano-ano ang mga sangkap ng gamot dahil maaaring maipasa ang mga ito sa iyong anak sa pamamagitan ng gatas o breast milk.
Maliban sa sapat na pahinga, pagkain ng masustansyang pagkain, at pag-inom ng maraming tubig, inirerekomenda rin ng mga eksperto ang pagsipsip sa ice chips, pag-inom ng maligamgam na tsaa, at pagmumog ng maligamgam na salt water. Malaking tulong din daw ang pagdaragdag ng vitamin C sa pang-araw-araw.
Kung nag-aalala kang mahahawa ang iyong anak o masyadong mahirap magpasuso, maaaring mag-pump na lamang ng breast milk at iba na lamang ang magpapainom ng gatas sa iyong anak.
Tandaan din ang sumusunod kapag mayroon kang sakit:
- Madalas na hugasan nang mabuti ang mga kamay.
- Umubo o bumahing sa tissue at itapon agad ito.
- Limitahan ang close face-to-face contact sa iyong baby.
- Magsuot ng face mask habang nagpapasuso.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Kapag may mga gamot na iniinom, obserbahan din kung may side effects kang nararamdaman kagaya ng sumusunod:
- Labis na pagkaanto (sleepiness)
- Pagkakaroon ng mga pantal, or rash
- Pagtatae o severe diarrhea
Napakasaya ng karanasan ng pagiging ina kaya’t kailangan lamang tandaang agad nang komunsulta sa doktor upang mabigyan ng wastong gamot sa ubo ng bagong panganak at magabayan nang mabuti.
Basahin dito ang tungkol naman sa pagkakaroon ng almoranas sa bagong panganak.
What other parents are reading

- Shares
- Comments