embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • May Ulcer Ka Ba? Heto Ang Mga Pagkaing Dapat Kainin At Iwasan

    Alamin kung ang pananakit ng iyong tiyan ay dulot ng stomach ulcer.
    by Mary Jane Pujanes .
May Ulcer Ka Ba? Heto Ang Mga Pagkaing Dapat Kainin At Iwasan
PHOTO BY iStock
  • Kabi-kabila na naman ang kasiyahan at selebrasyon ngayong panahon ng kapaskuhan. Sunod-sunod rin ang kainan. Kaya't hindi maiiwasang makaranas ng pananakit ng tiyan.

    Bagamat hindi lahat ng pananakit ng tiyan ay nangangahulugan ng matinding karamdaman, mahalaga pa ring alamin ang sanhi nito. Isa sa karaniwang sakit ng tiyan na nararanasan natin ay ang stomach ulcer.

    Alamin kung ang pananakit ng iyong tiyan ay dulot ng stomach ulcer at ang mga pagkaing dapat kainin at iwasan kung mayroon nito.

    More from Smart Parenting

    Ano ang ulcer?

    Ang stomach ulcers, na karaniwang tinatawag na gastric ulcers, ay masakit na pamamaga sa lining ng tiyan. Ang stomach ulcers ay uri ng sakit na peptic ulcer. Ang pepctic ulcers ay anumang ulcer na nakaapekto sa tiyan at maliliit na bituka sa loob ng katawan.

    Ito ay lumalabas kapag ang makapal na layer ng mucus na nagpoprotekta sa iyong tiyan mula sa digestive juices ay nabawasan. Magdudulot ito ng sugat o butas sa lining ng iyong sikmura na siyang dahilan ng pananakit ng tiyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang ulcer ay maaaring agad na magamot, ngunit maari rin itong magdulot ng mas seryosong kondisyon kung hindi magagamot ng tama.

    More from Smart Parenting

    Ano ang sanhi ng ulcer?

    Ang ulcer ay karaniwang sanhi ng alin man sa mga sumusunod:

    • Impeksyon na may kinalaman sa Helicobacter pylori (H. Pylyori). Ito ay bacteria na tumitira sa ating digestive tract at sumisira sa stomach lining o duodenum kaya nagkakaroon ng stomach ulcer.
    • Matagal na paggamit ng  mga anti-inflammatory drugs tulad ng ibuprofen, naproxen at aspirin
    • Sobrang asido sa sikmura o hyperacidity. Ang hyperacidity ay maaaring dulot ng stress, paninigarilyo o mga pagkaing maaanghang at mamantika. Ang kondisyong ito ay maaaring ring namamana
    • Sobrang pag-inom ng alak
    • Pagpapalipas ng gutom
    • May history ang kapamilya ng ulcer

    Ano ang mga sintomas ng ulcer?

    Ang pinaka-karaniwang sintomas ng ulcer ay pananakit sa gitna ng iyong sikmura na nasa pagitan ng iyong dibdib at pusod. Kadalasang mas tumitindi ang pananakit kapag walang laman ang tiyan, na tumatagal nang ilang minuto hanggang ilang oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang iba pang sintomas ng ulcer:

    • pagkirot at pasumpong-sumpong na sakit ng tiyan
    • pangangayayat
    • kawalan ng gana sa pagkain dahil sa pananakit
    • pagkahilo o pagsusuka
    • bloating
    • pakiramdam na madaling mabusog
    • pagdighay o acid reflux
    • heartburn, o pananakit sa may bahagi ng dibdib
    • pananakit ng tiyan na maiibsan kung kumain, uminom ng tubig o umimom ng antacids

    Kumonsulta sa iyong doktor kung nagtataglay ka ng alin man sa mga sintomas na nabanggit. Bagamat ang pananakit ay bahagya lamang, maari pa ding humantong ito sa mas malalang kondisyon kung hindi maaagapan. Ang bleeding ulcer ay lubhang mapanganib at nakamamatay.

    Ano ang mga pagkaing dapat iwasan kung may ulcer?

    Ang taong may ulcer ay dapat maging mas maingat sa mga uri ng pagkaing kakainin. Dapat na iwasan ang mga inumin tulad ng cocoa, soft drinks, gatas, kape at alak. Hindi rin makakabuti para sa may ulcer ang maaanghang na pagkain at taba ng karne. Maging ang tomato sauce, maalat at matamis na pagkain ay hindi rekomendado para sa mga may ulcer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa pagkain, dapat ring iwasan ng taong may ulcer ang paninigarilyo (na nakakapag-increase ng stomach acid) at pag-inom ng alak, ayon sa MayoClinic. Dapat ring iwasan ang stress o di kaya'y humanap ng iba't ibang paraan para makayanan ito.

    More from Smart Parenting

    Ano ang mga pagkaing dapat kainin kung may ulcer?

    Ang pagkakaroon ng healthy diet ay makatutulong sa iyong intestinal tract at pangkalahatang pangkalusugan. Ang dapat maging bahagi ng diyeta ay maraming prutas, gulay, fat-free o low-fat na mga produkto, brown rice, isda, at itlog. Ang pag-inom ng anti-inflammatory drugs na kagaya ng aspirin, ibuprofen at naproxen ay sanhi ng pagkakaroon ng ulcer.

    Ang mga sumusunod na pagkain ay makakatulong upang maiwasan at maibsan ang sakit na dulot ng ulcer:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • cauliflower
    • repolyo
    • labanos
    • mansanas
    • berries
    • cherries
    • bell peppers
    • karot
    • broccoli
    • madadahon at mabeberdeng gulay
    • pagkaing mayaman sa probiotics, gaya ng yogurt, miso, at kimchi
    • olive oil at iba pang plant-based oils
    • honey
    • bawang
    • decaffeinated na tsaa
    • turmeric

    Bagamat tunay nga masarap kumain, ngunit nararapat na maging responsable at disiplinado din tayo sa ating pagkain.

    Kung sa iyong palagay ay may ulcer ka dahil sa ilang mga sintomas, huwag itonh ipagwalang bahala. Marapat na magtungo kaagad sa iyong doktor upang kumonsulta. Wala pa ding pinaka-epektibong paraan kundi ang pagiwas dito.

    Ang isa pang dahilan ng pananakit ng sikmura ay ang acid reflux o GERD. Alamin ang pagkakaiba ng dalawa sa pamamagitan ng pag-click dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles