embed embed2
Pagiging Obese, Paninigarilyo, Pagkaing Acidic, At Iba Pang GERD Risk Factors Na Dapat Iwasan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isang sakit sa tiyan at digestive system ang gastroesophageal reflux disease (GERD). Nangyayari ito kapag madalas ang atake ng acid reflux, kung saan ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus at pinipinsala ang lining ng gastrointestinal tract. May GERD risk factors na nagpapataas ng tyansang magkaroon ng ganitong sakit.

    GERD risk factors

    Ayon sa Misouri Medicine, ang pahayagan ng Misouri State Medical Association, kabilang sa GERD risk factors ang mga sumusunod:

    • Pagiging obese o sobra-sobrang body mass index (BMI)
    • Paninigarilyo
    • Pagtungtong ng edad 50
    • Pagkakaroon ng problema sa anxiety o depression
    • Pagkukulang sa physical activity
    • Pagkahilig sa pagkaing acidic, pati na sa pag-kain sa maling oras at paraan

    Ayon naman sa paliwanag ng Harvard Health Publishing, nagsisimula ang GERD sa nagkaproblema sa valve sa katawan na tinatawag na lower esophageal sphincter. Ang muscle na ito kasi ang responsable sa pagkakaroon ng acid reflux.

    Kontrolado ng lower esophageal sphincter ang lagusan sa pagitan ng esophagus at tiyan. Kapag hindi sumara nang husto ang lagusang iyon, bumabalik sa esophagus ang stomach acid at pagkain na papunta dapat sa tiyan. Makakaramdam ka ngayon ng pag-init mula dibdib hanggang lalamunan, at iba pang mga sintomas.

    Mga sintomas ng GERD

    Sabi ni Dr. Robert A. Tan, isang espesyalista sa internal medicine and gastroenterology, maraming clinical signs o sintomas ng acidic at symptoms of GERD.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabago sa panlasa

    Maaaring mapansin mo na parang may mapait, mapakla, o di kaya maasim sa bibig mo, lalo na kapag dumidighay ka. Minsan nagdudulot ito ng mabahong hininga.

    Pagsakit ng lalamunan

    Kapag umakyat ang stomach acid sa esophagus, tinatawag itong acid reflux, at  madadamay ang lalamunan. Magiging iritable pa ang iyong makating lalamunan at kikirot pa ito.

    Paninikip ng dibdib

    Bukod sa lalamunan, puwede ring maapektuhan ang dibdib. Kaya malamang makakaramdam ka ng chest discomfort, chest heaviness, o di kaya chest pain. Tinatawag itong heartburn, pero walang kinalaman ang puso dito.

    Paghirap sa paghinga

    Kapag apektado ang lalamunan at dibdib, ibig sabihin nahaharangan ang daluyan ng hangin (airways). Kaya puwedeng hindi ka makadighay nang maayos at madalas ang pag-ubo hanggang tuluyang makaranas ng pagkapos sa hininga (shortness of breath), lalo na kung meron ka ring hika (asthma).

    Pagkakaroon ng sinusitis

    Bukod sa airways, puwede ring mairita ang sinuses dahil sa acid reflux. Kapag namaga ang sinuses, mapupuno ang mga ito at babara. Tinatawag na sinusitis ang kondisyon iyon.

    Pananakit ng ngipin

    Bukod sa pag-iba ng panlasa sa bibig, puwede ring sumakit ang ngipin mula sa acid reflux. May kakayahan kasing puminsala ng ngipin ang asido.

    Pagkahilo at pagduduwal

    May ibang mga pasyente ang nagsabing nakakaranas sila ng madalas na nausea, na humahantong pa sa pagsusuka.

    Paano maiibsan ang mga sintomas ng GERD

    Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas, mainam na magpatingin sa doktor upang mabigyan ka ng solusyon. Malamang na resetahan ka ng mga gamot. Pero, diin ni Dr. Tan, hindi dapat umasa lang sa GERD medication. Kailangan din daw ang lifestyle changes.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, "Itong hyperacidity, GERD, multifactorial ito. Hindi lang lahat sa pagkain. Hindi naman bawal, minimize mo lang. If you have symptoms, stop ka muna. You need a lifestyle modification aside from the medicine. Hindi lang lahat sa food. It’s a combination of everything."

    Bawasan ang pag kain at pag inom ng nakakataas ng acidity

    Mga halimbawa ng GERD foods to avoid:

    • Kape
    • Gatas at iba pang produktong mula sa gatas (dairy)
    • Soft drinks
    • Maasim, tulad ng citrus fruits
    • Mataba at mamantika
    • Maanghang
    • Karne
    • Mga de lata at iba pang processed food

    Iwasan ang stress

    Nagugulo ang sistema ng tiyan kung parati kang apektado ng stress, pati na kung may problema ka sa anxiety.

    Iwasan ang pagpupuyat

    May epekto rin daw ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga sa kalusugan ng tiyan.

    Mag-exercise nang sapat

    Sabi ni Dr. Tan, "Exercise is the most important thing para gumalaw din ang bituka mo."

    Damihan at dalasan ang pag-inom ng tubig

    Paliwanag pa ni Dr. Tan na kapag sagana sa tubig ang katawan mo, "maganda ang excretion ng urine" at maganda rin ang cleansing sa tiyan. Malaking tulong ito para maibsan ang mga sintomas ng acidic.

    Iwasang matulog nang busog

    Hintayin muna ang ilang oras para matunaw ang kinain bago matulog. Taasan ang unan sa ulo nang hindi umakyat ang stomach acid pabalik sa esophagus. Gawin ito lalo na kung meron kang GERD risk factors bilang GERD prevention na rin.

    Kung ang iyong anak, kahit baby pa ito, ang may GERD, basahin dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles