;
embed embed2
  • Bakit Sinasabing Nakakagaling Ng Sugat Ang Dahon Ng Bayabas At Iba Pang Halamang Gamot?

    Pero alamin muna ang sanhi ng sugat.
    by Jocelyn Valle .
 Bakit Sinasabing Nakakagaling Ng Sugat Ang Dahon Ng Bayabas At Iba Pang Halamang Gamot?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung naghahanap ng halamang gamot sa sugat sa ulo, mainam na alamin muna kung ano ang sanhi nito. Baka kasi may seryosong dahilan na mas makakatulong na komunsulta sa doktor.

    Mga posibleng dahilan ng pagsusugat sa ulo

    Bukod sa pinsala (injury) mula sa aksidente, na kailangan munang mabigyan ng medical attention, may iba pang mga sanhi ng pagsusugat sa ulo. Isa diyan ang balakubak, na maaaring sintomas din ng mas malalim na problemang pangkalusugan. Dito na posibleng pumasok ang pagsusugat ng anit.

    Seborrheic dermatitis

    Ang seborrheic dermatitis ay isang pangkaraniwang sakit sa balat (dermatitis). Ito ang dahilan ng pangangati at pamumula ng balat, lalo na kapag natural na oily ang iyong balat.

    Pero mas malaki ang papel na ginagampanan dito ng skin fungus na Malassezia, na siyang nagdudulot ng iritasyon sa sebaceous glands ng anit. Nagkakaroon tuloy ng immune response at nagdudulot ng scaly rash. Bukod sa anit, inaatake rin nito ang iba pang parte ng katawan na madalas maging oily.

    Scalp psoriasis

    Isa pang skin disease ang psoriasis na puwedeng umatake sa iba-ibang parte ng katawan. Kung sa anit ka tinamaan, makakaramdam ka ng pagkapal ng balat na kung tawagin ay scab. May kaputian ang itsura ng mga ito, pero puwede ring silver o di kaya gray.

    Atopic dermatitis

    Kung mayroon kang skin condition na eczema, sabi ng American Academy of Dermatology Association (AAD), malamang maapektuhan nito ang iyong anit. Kilala rin ito bilang atopic dermatitis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magdudulot ang atopic dermatitis ng pamumula at balakubak sa iyong anit. Dagdag pa diyan ang pangangati at pakiramdam ng nasusunog na balat, kaya kilala rin ito bilang scalp burns.

    Allergic contact dermatitis

    Isang posibleng dahilan ng pagkakaroon mo ng makakating balakubak na nagdudulot ng pagsusugat ng anit ay ang allergic contact dermatitis. Nangyayari ito kung hindi ka hiyang sa ginagamit mong shampoo o pangkulay ng buhok.

    Puwede ring dahil sa hindi masyadong nababanlawan ang buhok kaya may mga naiiwan na particles mula sa shampoo. Naiirita tuloy ang iyong anit kaya nangangati ito at nagkakaroon pa ng balakubak.

    Rashes

    Isa pang posibleng dahilan ng pagsusugat ng ulo ang rashes na dulot ng pagkakasakit mula sa tigdas (measles), tigdas hangin (German measles), bulutong tubig (chickenpox), at iba pang mga sakit. Maaari ring magdulot ng rashes ang kagat ng insekto, lalo na kapag kinamot ito nang husto.

    Mga halamang gamot sa sugat sa ulo at iba pa

    Subok na ang bisa ng maraming halamang gamot para maibsan ang iba-ibang karamdaman at problemang pagkalusugan, gaya ng sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan. Ang iba nga sa mga halamang gamot ay ginagawang sangkap sa ilang over-the-counter medicines sa maraming bansa tulad ng Pilipinas.

    Sa katunayan, naipasa noong 1997 ang Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA). Nabuo naman mula diyan ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).

    Layunin ng PITAHC na palawakin ang paggamit ng traditional at alternative health care sa pamamagitan ng scientific research at product development. Nagtatag din ang Department of Health (DOH) ng Traditional Health Program nang maitaguyod pa ang paggamit ng herbal medicine. (Basahin dito ang halimbawa ng mga halamang gamot na rekomendado ng DOH.)

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     Bayabas

    Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina, habang ang dahon naman ay epektibong gamot para sa sugat dahil sa taglay na anti-bacterial component. Karaniwang sariwang dahon ng bayabas ang nilalaga sa isang tasa ng tubig. Ang pinagkuluan ng mga dahon (kapag room temperature na) ang ginagamit panghugas o panglanggas sa sugat habang ang mga dahon naman ay itinatapal sa sugat.

    Akapulko

    Ginagamit ang akapulko para sa tinea infections, insect bites, buni (ringworm), eczema, at scabies (kurikong), pati na sa pangangati ng balat.

    Tsaang Gubat

    Ang tsaang gubat ay ginagamit para sa skin allergies, eczema, at kurikong sa balat. Nakakatulong din ito sa mabilis na paghilom ng mga sugat mula sa panganganak.

    Aloe vera

    Ang katas na nakukuha sa aloe vera ay sinasabing mabisang halamang gamot sa napasong balat, sugat, at kagat ng insekto. Madali lang ang paraan para magamit itong panlunas. Kumuha lang ng dalawa hanggang sa tatlong dahon ng aloe vera pagkatapos ay pigain o dikdikin para makuha ang katas nito at ipahid sa naapektuhang balat.

    Tawa-tawa

    Kilala ang tawa-tawa bilang mabisang gamot sa hika (asthma) at dengue. Pero mainam rin ito sa paghilom ng sugat at ilang uri ng mga sakit sa balat, tulad ng buni at pigsa.

    Kampupot

    Nakakatulong ang halamang gamot na ito sa pagpapabilis ng paghilom ng sugat. Pinapakuluan ang mga dahon nito at kapag room temperature na sila, itinatapal sa nasugatan na parte ng katawan.

    Para naman sa pangangati dahil sa kagat ng insekto, piniprito sa lana mula sa niyog ang dahon nito at nilalagay sa makating bahagi ng katawan hanggang sa mapawi ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Oregano

    Kilala ang oregano bilang gamot sa ubo, pero mabisa rin ito sa sa mga paso (burns) o anumang kagat ng insekto. Karaniwang dinidikdik ang dahon nito at itinatapal sa apektadong bahagi ng balat. Panatilihin sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, at palitang muli kung kinakailangan.

    Damong maria

    Mabisa ang damong maria hindi lang sa ubo, lagnat, at sipon, pero pati rin sa pangangati sa katawan dulot ng eczema at scabies. Kaya sinasabing epektibo itong halamang gamot sa sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles