embed embed2
  • Hindi Nakakahawa Ang Psoriasis: Heto Ang Lunas Na Inirerekomenda Ng Mga Eksperto

    Maraming common misconceptions tungkol sa sakit sa balat na ito.
    by Ana Gonzales .
Hindi Nakakahawa Ang Psoriasis: Heto Ang Lunas Na Inirerekomenda Ng Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock/Simon Kadula
  • Ayon sa datos ng International Psoriasis Council, tinatayang nasa 2% ng mahigit 100 milyong Pilipino ang nagkakaroon ng psoriasis.

    Ano ang psoriasis?

    Ito ay isang chronic autoimmune condition na nagdudulot ng mabilis na buildup ng mga skin cells. Ang buildup na ito ang siyang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng animo'y kaliskis sa balat ng pasyenteng mayroon nito.

    Malimit kulay puti ang kaliskis na may kaakibat na pamamaga at pamumula sa apektadong bahagi. Mapapansin din ang mga red patches na minsan ay maaaring mag-crack at dumugo.

    Bakit nagkakaroon ng psoriasis ang isang tao?

    Ang kondisyong ito ay resulta ng masyadong mabilis na skin production o iyong pagpapalit ng balat ng katawan.

    Ang normal na life cycle ng balat ng tao ay binubuo ng pagtubo ng mga skin cells sa loob ng katawan. Ito ang siyang aangat sa balat kalaunan. Matagal na proseso ito.

    Ngunit para sa mga taong may psoriasis, ang matagal na proseso ng pagpapalit ng mga skin cells ay inaabot lang ng ilang araw. Dahil sa sobrang bilis, nawawalan ng pagkakataon ang skin cells na mahulog—dito na nagsisimula ang buildup.

    Madalas lumalabas ang psoriasis sa mga joints tulad ng siko at tuhod. Sa ibang mga kaso, nade-develop din ang psoriasis sa ulo, paa, leeg, anit, at mukha.

    May mga kaso rin, bagaman hindi madalas, na sa kuko, bibig, at sa paligid ng ari tumutubo ang psoriasis.

    Anu-ano ang mga iba't-ibang uri ng psoriasis?

    Mayroong lima, ayon sa mga eksperto.

    Plaque psoriasis

    Ito ang pinakakilalang uri ng psoriasis. Malimit itong lumalabas sa siko, tuhod, at anit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Guttate psoriasis

    Madalas itong makita sa mga bata. Nagdudulot din ito ng mga pink spots. Lumalabas ito sa tiyan, braso, at binti. Kung ikukumpara ito sa plaque psoriasis, makikitang hindi ito gaanong makapal o nakaalsa.

    Pustular psoriasis

    Mas madalas maapektuhan nito ang mga adults. Nagdudulot ito ng pamumula at pamamaga ng balat na minsan ay may kasama pang nana. Madalas itong lumabas sa kamay at paa ngunit maaari ring makaapekto sa ibang bahagi ng katawan.

    Inverse psoriasis

    Mapula, makintab, at namamaga naman ang balat kapag ito ang klase ng psoriasis na mayroon ang pasyente. Nakikita ito sa kili-kili, suso, at sa ari.

    Erythrodermic psoriasis

    Ito ang pinakamalalang klase ng psoriasis, ngunit ito rin ang pinaka-rare. Kung susuriin ang balat, mukha lang itong sunburned.

    Ang kaliskis na nabubuo sa katawan ay sobrang laki at madalas ay buo-buong nahuhulog o naaalis. Ito ang pinakadelikado at nakamamatay na uri ng proriasis kaya mahalagang magtungo agad sa doktor.

    Anu-ano ang sintomas ng psoriasis?

    Nagkakaiba ang mga sintomas depende sa tao. Gayon pa man, mayroon pa ring mga maituturing na common symptoms. Narito ang ilan sa mga iyan:

    • pamumula at pamamaga ng balat, kasabay ang nakaalsang mga patches
    • pagkakaroon ng mga white-silver scales o kaliskis
    • dry skin na maaaring mag-crack at dumugo
    • pangangati at paghapdi ng balat

    Hindi lahat ng mga sintomas na ito ay lalabas nang sabay-sabay. May ilang pagkakataon na malala ang sintomas ngunit nawawala rin bigla.

    Nakakahawa ba ang psoriasis?

    Hindi. Pinabulaanan na ng mga eksperto na nakakahawa ang pagdikit sa balat ng isang taong may psoriasis. Dahil autoimmune disorder ito, hindi mahahawa ang sino man dahil lang sa pagkikiskisan ng balat.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Anu-ano ang mga tests para sa psoriasis?

    Dalawang tests ang pwedeng gawin para malaman kung may psoriasis ang isang pasyente.

    Physical examination

    Mas magiging madali para sa mga doktor kung aktwal nilang makikita ang kundisyon ng balat ng pasyente.

    Biopsy

    Dito ay kinukuhanan ang pasyente ng skin sample para masuri kung psoriasis nga ba ang mayroon siya.

    Anu-ano ang mga triggers ng psoriasis?

    Hindi pare-pareho ang trigger ng mga pasyenteng may psoriasis ngunit narito ang mga maituturing na pinakakilala:

    • stress
    • alcohol
    • injury o sugat

    May mga gamot din na maaaring maging dahilan ng pagsumpong ng psoriasis. Kabilang diyan ang lithium, antimalarial medications, at mga high blood pressure medications.

    Ano ang gamot sa psoriasis?

    Wala pang gamot para sa psoriasis, paliwanag ng mga eksperto. Ang mayroon lang ay ang mga treatments para mabawasan ang pamamaga at pagkakaroon ng kaliskis at mabilis na buildup ng balat. May dalawang uri ng treatments psoriasis:

    Topical treatments

    Ito ang gamot sa psoriasis na binubuo ng mga creams at ointments. Direkta itong ipinapahid sa balat. Mabisa itong panlaban sa mild to moderate psoriasis. Kabilang dito ang:

    • topical corticosteroids
    • topical retinoids
    • anthralin
    • vitamin D analogues
    • salicylic acid
    • moisturizer

    Systemic medications

    Kung malala na ang psoriasis ng pasyente at hindi tumatalab ang mga topical treatments, itong systematic medications ang susunod na maaaring gamot sa psoriasis. Iniinom ang mga ito o 'di naman kaya ay ibinibigay sa pamamagitan ng injection. Kabilang dito ang:

    • retinoids
    • biologics
    • cyclosporine
    • methotrexate

    Sa Ilang pagkakataon, maaaring magpayo ang doktor na magpapayat ang pasyente o magsimula ng healthy lifestyle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ng mga eksperto, hindi man mapagaling ng pagkain ng tama ang psoriasis, maaari naman nitong bawasan ang mga sintomas.

    Kumonsulta sa doktor para malaman ang mga pagkaing pwede at hindi pwede. Sa ilang pagkakataon kasi, nagiging trigger ang red mear, sugar, processed foods, at ilang mga dairy products.

    Tulad ng maraming karamdaman, malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng healthy lifestyle para mabawasan ang mga sintomas, kung hindi man maiwasan ang mga ganitong karamdaman.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles