-
Hirap Umihi? Narito Ang Ilang Home Remedies Sa Urinary Tract Infection
Bakit nga ba mas malimit magkaroon ng ganito ang mga kababaihan?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ayon sa mga eksperto, 50 hanggang 60% ng mga babae ang makakaranas ng urinary tract infection o UTI minsan sa kanilang buong buhay.
Common kung ituring ang sakit na ito. "It accounts for 25% of all infections in women, paliwanag ng isang pag-aaral na inilathala sa National Center for Biotechnology Information (NCBI).
Ano nga ba ang UTI?
Ito ang impeksyon sa isa sa mga bahagi ng iyong urinary system. Kabilang dito ang ureters, urethra, kidney, at bladder. Ayon pa sa mga eksperto, mas madalas na nagkakaroon ng UTI ang mga babae dahil mas maiksi ang daluyan ng ihi nila kumpara sa mga kalalakihan.
Anu-ano ang mga sintomas ng UTI?
Hindi agad napapansin ng karamihan ang mga sintomas ng UTI. Narito ang ilan na maaaring tanda na may impeksyon ka doon:
- Madalas mong maramdaman na naiihi ka
- Patak-patak lang ang lumalabas kung iihi ka man
- Mahapdi sa tuwing iihi ka
- Dark yellow o yellowish brown ang kulay ng ihi mo, minsa'y maaaring may kasama itong dugo
- Sa mga malalang kaso, maaaring makaramdam ng pananakit ng puson o magkaroon ng lagnat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga eksperto, ang mga sintomas ay depende sa bahagi ng urinary system na apektado. Halimbawa, ang impeksyon sa urethra ay maaaring maging sanhi ng mahapding pag-ihi.
Samantala, ang impeksyon naman sa iyong pantog ay maaaring magdulot ng masakit na pag-ihi at pelvic pressure. Makikita mo rin na may dugo sa iyong ihi.
Kung sa kidney naman ang impeksyon, maaaari kang makaramdam ng pagsusuka, mataas na lagnat, at masakit na likod at tagiliran.
Anu-anong sanhi ng UTI?
Nangyayari ito dahil sa bacteria na nakakapasok sa iyong urinary system. Malimit, E. coli bacteria ang nakakapasok sa pantog na siyang nagiging sanhi ng tinatawag na cystitis.
Paliwanag pa ng mga eksperto, nangyayari ang cystitis kung hindi mo sinusunod ang 'front to back' na paraan ng pagpupunas. Maaari ring maging sanhi nito ang pakikipagtalik.
Kung impeksyon naman sa urethra ang nararanasan mo, ibig sabihi'y galing sa gastrointestinal tract ang bacteria.
Anu-anong home remedies ang pwedeng ipanggamot sa UTI?
CONTINUE READING BELOWwatch nowAntibiotics ang kalimitang inirereseta ng mga doktor sa mga may UTI. Ngunit kung hindi pa gaanong malala ang iyong UTI, maaaring makuha pa ito ng mga home remedies.
Ayon kasi sa mga eksperto, 25 hanggang 42% ng mga kaso ng UTI ay hindi gaanong komplikado. Ibig sabihin, kusa itong nawawala. Sa ganitong mga pagkakataon, dinadaan na lang ito ng mga pasyente sa natural remedies.
Tandaan, kung nakakaranas ka ng sobrang sakit na pag-ihi at may dugo nang lumalabas, mas mainam pa ring magpatingin na sa mga medical experts.
What other parents are reading
Mga natural na panlunas sa UTI:
Regular na uminom ng tubig
Nakakatulong ang tubig para alisin ang mga dumi na mayroon sa iyong urinary tract organs nang hindi naaalis ang mga importanteng nutrients at electrolytes.
Ang regular na pag-inom din ng tubig ay nakakapagpalabnaw sa iyong ihi. Ibig sabihin, mas madali itong dadaan at lalabas sa iyong katawan. Mahihirapang kumapit at maiwan sa katawan mo ang bacteria kung regular kang umiihi.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag magpigil ng ihi
Kung madalas kang magpigil ng ihi, maiipon ang bacteria sa iyong urinary tract. Kaya naman payo ng mga eksperto, ugaliing umihi agad sa tuwing mararamdaman mo ito.
Magpunas mula harapan, patalikod
Sanayin mo na ang sarili mo sa ganito para hindi makapunta ang bacteria mula sa iyong rectum papunta sa iyong urethra.
Kapag kasi nakarating na sa urethra ang bacteria, maaari na iyong pumunta sa iba pang bahagi ng iyong urinary system.
Siguraduhing mayroon kang good sexual hygiene
Ang pakikipagtalik ay nagiging daan para makapasok ang mga bacteria at iba pang microbes sa iyong urinary tract. Kaya naman mahalagang mayroon kang tinatawag na good sexual hygiene. Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
- Pag-ihi bago at pagkatapos makipagtalik
- Gumamit ng mga tinatawag na barrier protection tulad ng condom
- Hugasan ang iyong private parts bago at pagkatapos makipagtalik
Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon ka ring mga maaaring inumin para makatulong maibsan ang iyong UTI. Narito ang ilan sa kanila:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCranberry juice
Isa ito sa mga pinakakilalang mabisa at natural na home remedy para sa UTI. Ginagamit na rin dati ang cranberry juice para malunasan ang iba pang general infections.
Sagana rin sa antioxidants tulad ng polyphenols ang cranberry juice. Mayroon itong antibacterial at anti-inflammatory properties. Kailangan lang na unsweetened cranberry juice ang inumin mo para hindi ka masobrahan sa asukal.
Buko juice
Siguradong alam mo na ang lunas na ito dahil ito naman ang pinakakilalang home remedy sa UTI dito sa ating bansa. Mura lang din ito at madali lang hanapin kaya hindi ka mahihirapan na uminom nito araw-araw.
Makakatulong din laban sa UTI ang vitamin C. Ayon sa mga pag-aaral, nakakapagpataas ng acidity ang vitamin C kaya namamatay ang bacteria sa iyong urinary tract.
Ilan lamang ang mga iyan sa mga home remedies na maaari mong subukan para malunasan ang iyong UTI. Tandaan na kailangan mong kumonsulta agad sa doktor kung sobra na ang pananakit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments