embed embed2
  • Home Remedy Para Sa Acid Reflux, Isa Pang Dahilan Ng Sore Throat At Pamamalat Ng Boses

    Nagdudulot ang acid reflux ng sore throat, hoarseness, at heartburn.
    by Jocelyn Valle .
Home Remedy Para Sa Acid Reflux, Isa Pang Dahilan Ng Sore Throat At Pamamalat Ng Boses
PHOTO BY Pexels
  • Bukod sa sipon o trangkaso, may iba pang dahilan ng pananakit ng lalamunan (sore throat) at pamamalat ng boses (hoarseness). Isa dito ang acid reflux, kung saan ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus at pinipinsala ang lining ng gastrointestinal tract. Maaaring makatulong ang ilang home remedy sa acid reflux sa paggamot.

    Ayon sa paliwanag ng Harvard Health Publishing, ang valve sa katawan na tinatawag na lower esophageal sphincter ang responsable sa pagkakaroon ng acid reflux. Kontrolado ng muscle na ito ang lagusan sa pagitan ng esophagus at tiyan. Kapag hindi sumara nang husto ang lagusang iyon, bumabalik sa esophagus ang stomach acid at pagkain na papunta dapat sa tiyan.

    Ang hatid ng acid reflux na sore throat at hoarseness ay kalimitang may kasamang mapaklang lasa. Kung merong iba pang mas malalang sintomas tulad ng heartburn — ang kirot sa upper abdomen at dibdib na parang magkakaroon ng heart attack — magiging chronic acid reflux o gastroesophageal reflux disorder (GERD) na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Home remedy sa acid reflux

    Tatlong kondisyon ang nagdudulot ng acid reflux: poor clearance ng pagkain o acid sa esophagus, masyadong maraming acid sa tyan, at delayed stomach emptying. Upang maagapan ang sakit, mainam na subukan ang home remedy sa acid reflux.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ginger tea

    May payo na uminom ng nilagang luya o salabat bago kumain. Mabisa daw kasi ang luya laban sa pananakit ng tiyan. Paliwanag pa ng Johns Hopkins Medicine na alkaline at anti-inflammatory ang luya kaya naiibsan nito ang iritasyon sa digestive tract.

    Chamomile tea

    Uminom daw ng chamomile tea para mabalanse ang acidity level sa tiyan. Rekomendado ng ilang eksperto na gawin ito 30 minutes hanggang 1 hour bago matulog. Makakabawas din ang chamomile tea ng stress level na isa pang rason kung bakit nagkakaroon ng heartburn.

    Cucumber water

    Lagyan ng hiniwang pipino ang isang pitsel ng tubig at dito kunin ang inuming tubig. Pansin ng mga nakasubok na nito na may dagdag benepisyo ang taglay na tubig mula sa pipino upang matunaw at humina ang stomach acid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Apple cider vinegar

    Ang kadalasang payo ay ihalo ang 1 teaspoon na unprocessed apple cider vinegar sa tubig at inumin. Makabababa daw ito ng acidity level sa tiyan. Paalala lang na wala pang scientific evidence ang bisa nito, ngunit epektibo naman sa ilang mga gumawa na. 

    Baking soda

    Haluan ng kaunting baking soda ang tubig bago ito inumin. Ayon sa mga eksperto, makakatulong ang baking soda sa pagbaba ng acidity level sa tiyan. Ang bisa nito ay katulad ng naibibigay ng over-the-counter antacid. Yung lang, hindi kaaya-aya ang lasa. 

    Dagdag ng iba na gumagawa ng home remedy na ito, iwasan na lumagpas sa pitong doses kada araw ang pag-inom at huwag paaabutin ng isang linggo. Mataas kasi ang salt content mula sa baking soda kaya baka makaramdam ng side effects tulad ng swelling at nausea.

    Aloe vera juice

    Uminom ng aloe vera juice para mabawasan ang stomach acid at kumalma ang tiyan mula sa iritasyon. Bagamat wala pang research ang naisagawa na tungkol dito, ayon sa mga eksperto, ay may mga taong nakasubok na at masaya sa resulta. Siguraduhin lang daw na puro at ligtas ang produktong bibilhin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Chewing gum

    Ngumuya ng sugar-fee chewing gum. Naibsan ang sakit mula sa acid reflux ng mga kalahok sa 2005 study ng Journal of Dental Research pagkatapos nilang regular na ngumuya ng sugar-free chewing gum. Ginawa nila ito kada kain ng lunch o kay dinner at ngumuya sa loob ng 30 minutes. 

    Napag-alaman ng mga researcher na ang pagnguya ng chewing gum ay stimulating para sa salivary glands, na siyang nagpapadami ng saliva sa bibig. Trabaho naman ng saliva na matanggal ang acid nang sa gayon ay mabawasan ang acid level sa esophagus. 

    Sleep on an incline

    Lagyan ng malaking unan or foam ang likuran kapag hihiga para matulog. Dapat kasi mas mataas ang ulo ng anim hanggang walong inches kesa paa para hindi umakyat pa ang stomach acid papunta sa esophagus. 

    More from Smart Parenting

    Lifestyle changes para maiwasan ang acid reflux

    Payo din ng mga eksperto na gawin ang lifestyle changes para maiwasan ang acid reflux at hindi na humantong pa sa GERD:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber, tulad ng whole grains (oatmeal, brown rice), root vegetables (kamote, carrots), at green vegetables (broccoli, green beans).
    2. Idagdag sa diet ang mga alkaline food o iyong may mataas na pH level para malabanan ang stomach acid. Ilan sa mga ito ang saging, melon, at cauliflower.
    3. Isama pa ang mga watery foods gaya ng celery, lettuce, pakwan, at sopas.
    4. Iwasan ang fried, fatty, at processed food, pati na ang mga pagkaing maanghang, maasim, at carbonated, tulad ng softdrinks.
    5. Iwasan ang sobrang pagkabusog. Kapag maraming laman ang tiyan, mas maraming reflux sa esophagus. Subukang kumain nang kaunti ilang beses sa isang araw imbes na ang nakasanayang tatlong mabigat na kain kada araw.
    6. Iwasan na kaagad humiga pagkatapos kumain. Sa ganitong posisyon, mas madaling aakyat ang mga kinain mula sa tiyan dahil nagbibigay pressure ito sa esophageal sphincter. Kaya mainam na kumain ng tatlo hanggang apat na oras bago matulog.
    7. Iwasan ang rigorous exercise pagkatapos kumain. Maglakad-lakad na lang muna. Ang strenuous workout, lalo iyong may pagyuko, ay nakakahikayat sa stomach acid na umakyat sa esophagus.
    8. Magbawas ng timbang kung kinakailangan. Ginagawa kasi ng excess weight na maging malapad ang muscular structure na sumusuporta sa lower esophageal sphincter, kaya nahihirapan itong panatiliin ang pagkakasara.
    9. Itigil ang paninigarilyo. Maaaring ang nicotine ay makapagluwag ng lower esophageal sphincter.
    10. I-check ang mga maintenance medication. May mga gamot na nakakaluwag ng lower esophageal sphincter, gaya ng postmenopausal estrogen, tricyclic antidepressant, at anti-inflammatory painkillers. Mayroon ding mga gamot, lalo na iyong para pataasin ang bone density, ay nagbibigay iritasyon sa esophagus.

    Kung hindi pa rin sapat ang nakukuhang benepisyo mula sa mga home remedy sa acid reflux, magpatingin na sa doktor para maresetahan ng gamot. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles