burp,kabag,gas pain,flatulence,Tagalog,evergreen,con-00062,affiliate,updated affiliate,updated,scr23,r08-em,Home Remedy Para Sa Kabag O Hangin Sa Tyan,home remedy sa kabag, hangin sa tiyan, home remedy gas pain, intestinal gas, burp, flatulence, herbal tea, hot compress,'Di biro ang sakit ng ayaw lumabas na hangin. Marami na ang napunta sa ER dahil sa 'stabbing pain' sa dibdib o tiyan. Eto ang home remedy para sa kabag.
HealthYour Health

Gaano Katindi Ang Sakit Na Dulot Ng Kabag? Akala Mo Heart Attack O Appendicitis

Tinatawag na kabag ay yung ayaw lumabas ng hangin sa tiyan.
PHOTO BYiStock

Ang article na ito ay unang naipublish noong Hulyo 29, 2020. Nadagdagan ito ng updates noong Nobyembre 29, 2023.

Kapag biglang bumigat ang tiyan na parang punong-puno ito ng hangin, hindi mapipigilan ang pagiging balisa. May hatid kasi itong kirot na nagpapabagal ng kilos at naglilimita ng galaw. Para mapabilis ang paglabas ng hangin at bumuti ang pakiramdam, may mga home remedy sa kabag na maaaring subukan.

Paliwanag ni Dr. Hazel Marie Galon Veloso, isang gastroenterologist sa Johns Hopkins Medicine, na normal lang na kabagin. Ang hangin o gas na sanhi nito ay natural byproduct ng mga bacteria sa intestines. Trabaho talaga ng mga bacteria ang pag-break down ng fiber, sugar, at starch na mula sa mga pagkain na napupunta sa tiyan.

Dahilan ng kabag: Ano ang nagiging sanhi ng sobrang gas sa tiyan?

Maaring maging sanhi ng kabag ang ilang normal na proseso ng katawan, o kaya’t maaaring resulta ito ng kondisyon na nakakaapekto sa digestive system.

Tinatawag na exogenous sources ang mga sanhi na nanggagaling sa labas ng katawan, gaya ng hangin na ating nalulunok kapag tayo ay kakain, iinom, or lulunok ng laway – lalo na kung ang sobrang laway ay dulot ng pagkahilo o acid reflux.

Samantalang ang mga sanhi na mula sa loob ng katawan ay tinatawag na endogenous sources. Ang kabag ay maaaring maging isang produkto ng bahagyang pagtunaw ng ilang pagkain.

Mga pagkain na maaaring magdulot ng labis na kabag

  • Ang mga pagkaing maraming asukal, starch, at fiber ay hindi natutunaw ng lubos ng ating katawan. Kaya’t kapag dumaan ang mga ito sa ating malaking bituka, tutunawin sila ng bacteria at ito ay nagiging sanhi ng gas o kabag.
  • Ang mga pagkakaing nakakapagdulot ng maraming kabag ay mga pagkaing naglalaman ng maraming polysaccharides, lalo na mga oligosaccharides tulad ng inulin. Ang inulin ay isang klase ng dietary fiber na kilala bilang fructans.
watch now

Narito ang ilang halimbawa ng mga pagkaing maaaring maging sanhi ng kabag:

  • Gulay tulad ng repolyo, sibuyas, at Brussels sprouts
  • Mga cereal gaya ng wheat or oats
  • Sitaw at lentil
  • Mga produktong gawa sa gatas
  • Trigo sa mga lutong tinapay

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mas nakakadulot ng kabag ang ilang pagkain:

Complex carbohydrates: Ang mga complex carbohydrates gaya ng beans o sitaw ay mahirap tunawin, kaya’t kapag umabot ito sa maliit na bituka, kinakain sila ng bacteria at ito ay nagiging sanhi ng kabag.

Lactose intolerance: Kapag hindi nagtataglay ang isang tao ng tamang enzyme na kailangan upang tunawin ang mga pagkaing naglalaman ng gatas, kinakain din ito ng bacteria na nagiging sanhi ng labis na kabag.

Celiac disease: Ang mga taong may celiac disease ay hindi kayang magtunaw ng protein glutein, kaya’t nakakaranas sila ng kabag kapag sila ay kumain ng pagkaing may barley, wheat, at rye.

Artificial sweetener o artipisyal na pampatamis: Naglalaman ang ilang kendi, bubble gum, at matatamis na pagkain ng sorbitol at mannitol. May mga taong nakakaranas ng kabag o pagtatae kapag nakain nila ito.

Fiber supplements: Ang paggamit ng mabilisan ng fiber supplements ay maaaring magresulta sa labis ng kabag, lalo na kung ito ay naglalaman ng psyllium.

Carbonated na inumin: Ang mga softdrinks at beer o serbesa ay maaaring makaipon at maging sanhi ng maraming kabag sa bituka.

Home remedy sa kabag

Sabi pa ni Dr. Veloso na kusa namang nawawala ang intestinal gas at ang dala nitong discomfort. Ito ay sa pamamagitan ng pagdighay (burp) at pag-utot (flatulence). Pero minsan, reklamo ng mga taong nakakaranas ng kabag o gas pain, tila ang tagal lumabas ng hangin at hindi na nila matiis ang sakit. May ilang home remedy sa kabag na maaaring makakatulong upang matanggal ang intestinal gas.

Herbal tea

Peppermint at chamomile ang rekomendado ng Brigham and Women’s Hospital. Nakita sa ilang pag-aaral na may kakayahan ang peppermint oil na magpakalma ng digestive system at maibsan ang sakit dito. May mga pakinabang din mula sa chamomile, at isa lang dito ang ginhawa mula sa gastrointestinal disorders. 

Epektibo din gawing tsaa ang iba pang herbs tulad ng turmeric, anise, caraway, coriander, and fennel. Ihalo lang ang napiling herb sa pinapakulong tubig at pagkatapos magsalin sa tasa. Mainam na inumin ang herbal tea habang mainit.

Subukan: Twinings Pure Peppermint, Php 269.03 (from Php 316.50) for 25 sachets, Twinings on Lazada

Hot compress

Para mainitan ang tiyan, gumamit ng heating pad o hot water bottle hanggang lumabas ang hangin. Lagyan lang ng mainit na tubig ang isang babasaging bote na may takip, ibalot sa bimpo, at saka ipatong sa tiyan.

Subukan: Surplus Relief Hot Compres, Php 249 (from Php399.75), SurplusPH on Lazada

Supplement

Kung ang dahilan ng intestinal gas ay ang hindi pagkatunaw ng kinain, may mga nabibiling supplement para dito na puwedeng inumin. Enzymes ang mga ito na kailangan ng katawan. Ang lactase, halimbawa, ay tumutulong sa digestion ng sugar sa dairy products, gaya ng gatas.

Malaking tulong ito sa mga taong lactose intolerant dahil maselan ang tiyan nila sa ano mang may sangkap na gatas. Payo lang ng Mayo Clinic sa mga buntis o nagpapadedeng ina na komunsulta muna sa doktor bago uminom ng ganitong supplement. 

Alpha-galactosidase naman ang katuwang ng katawan sa breakdown ng carbohydrates sa beans at iba pang gas-producing vegetables. Samantala, nakakatulong ang simethicone para lumiit ang bubbles sa gas at tuluyang makalusot ito sa digestive tract. Kaya lang, masyadong maliit pa ang clinical evidence na nagpapatunay ng bisa nito. 

May tulong din ang activated charcoal, pero ayon sa research, maaari itong makasabagal sa absorption ng katawan ng iba pang gamot na iniinum na ng isang tao. Dagdag pa dito, baka magmantsa ang loob ng bibig at damit dahil sa charcoal.

Movement

Subukan na gumalaw-galaw upang labanan ang intestinal gas. Mula sa simpleng stretching hanggang patalon-talon na squats, makakatulong ang mga ito na lumabas ang hangin mula sa tiyan. Marami pang yoga poses ang nagbibigay ng parehong benepisyo, tulad ng child’s pose at spinal twist.

Paano iwasan ang kabag

Higit sa lahat, paalala ng mga doktor na iwasan ang mga gawain na nagdadala ng hangin sa tiyan:

  • Paggamit ng straw sa pag-inom
  • Pag-inom ng softdrink at iba pang carbonated drinks
  • Pagnguya ng chewing gum
  • Pagkain ng fried o fatty foods
  • Pagkain nang mabilisan o sobrang dami
  • Pagsasalita habang kumakain
  • Pagsisigarilyo

Paano malalaman kung kailangan nang kumonsulta sa doktor tungkol sa iyong kabag?

Maaaring mabawasan ang kabag sa pamamagitan ng ilang pagbabago sa pagkain. Ngunit, kung ikaw ay nababahala o nakakaranas ng ilan sa mga sumusunod na sintomas, magpatingin sa doktor nang mabigyan ng tamang diagnosis at treatment:

  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Hindi inaasahang bawas sa timbang
  • Dugo sa tae
  • Heartburn kasabay ng kabag

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close