-
Hindi Umuubra Ang Home Remedy Sa Masakit Na Lalamunan? May Mabisang Gamot, Sabi Ng Doktor
Viral o di kaya bacterial infection ang kadalasang sanhi ng sore throat.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa sa pinakapangkaraniwang karamdaman ang makating lalamunan o di kaya masakit na lalamunan. Iba-iba kasi ang sanhi nito pero halos pare-pareho ang gamot sa makating lalamunan at gamot sa masakit na lalamunan. Meron ding home remedy sa masakit sa lalamunan at makating lalamunan.
Kabilang ang mga karamdamang ito sa mga sintomas ng sore throat, ayon kay Dr. Teresa Cruz, isang otorhinolaryngologist na espesyalista sa ear-nose-throat (ENT). Dagdag pa diyan ang pamumula sa likurang bahagi ng bibig, pamamaos, at pag-ubo.
Nagbigay ng paliwanag si Dr. Cruz sa virtual media roundtable discussion tungkol sa sore throat, na inorganisa ng pamunuan ng Bactidol oral antiseptic solution brand. Aniya, ang sore throat ay isang "year-round ailment" hindi lamang para sa mga Pinoy bagkus sa kung sinoman sa buong mundo.
Mga dapat malaman tungkol sa sore throat
Batay sa nararamdamang sintomas, sabi ni Dr. Cruz, maaaring matukoy ang sanhi ng sore throat nang mabigyan ng tamang tugon para dito.
Infection at iba pang sanhi
Infection, mula sa virus o di kaya bacteria, ang kadalasang sanhi ng sore throat. Pero may iba pang pinagmulan ng sore throat, tulad ng:
Allergy—kung lamang ang kati kesa kirot sa lalamunan, posibleng nagkaroon ka ng exposure sa allergen o irritant
Vocal/muscle fatigue—kung napasabak sa malimit at matagal na paggamit ng boses sa nakaraang ilang araw, gaya ng ginagawa ng singers o di kaya call center agents
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAcid reflux—kung nakakaramdam ng pagsakal o iritasyon sa lalamunan, lalo na kung napadami ang inom ng kape o iba pang mga inumin na bawal sa acidic na inumin at pati na pagkain
Sinusitis—kung barado ang ilong kahit walang sipon at napipilitang huminga sa bibig maging sa pagtulog, maaaring makaramdam ng sore throat pagkagising
Throat irritation—kung napadami ng kain ng chocolate, halimbawa, sa gabi at hindi uminom ng tubig, puwedeng magising ka na sumasakit ang lalamunan
Posibleng senyales ng seryosong sakit
Kapag hindi naagapan o pinabayaang lumala ang sore throat, maaaring tumuloy ito sa ganitong mga mas nakababahalang kondisyon:
Serious infection—isang halimbawa nito ang bacterial infection of the tonsils, na maaari namang magdulot ng acute rheumatic fever o di kaya rheumatic heart disease
Airway compromise—posibleng may pagbabara sa lalamunan, gaya ng nana (pus/abscess) mula sa namamagang tonsils, kaya hindi maayos ang pagdaloy ng hangin para makahinga nang maaayos
Throat tumor—maaaring senyales ang sore throat ng pagtubo ng bukol o tumor sa lalamunan, kaya kailangang imbestigahan ito
Paano nagagamot ang sore throat
May mga paraan bilang home remedy sa masakit na lalamunan at iba pang sintomas ng sore throat na nakasanayan nang gawin, tulad ng:
- Pagmumog ng tubig na may asin (saline solution)
- Pag-inom ng ginger at honey tea
- Pagngata ng bawang
- Pagsuob o steam inhalation
Bagamat nakakatulong ang mga ito para guminhawa ang pakiramdam, lalo na kung dadalasan ang pahinga at pag-inom ng tubig, wala talagang scientific basis para masabing gamot ang mga ito para sa sore throat. Mainam pa rin na komunsulta sa doktor kung tumagal at lumala ang kondisyon.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPara sa sore throat na sanhi ng virus at bacteria, kadalasang pinapayo ng mga doktor tulad ni Dr. Cruz ang pagmumog ng hexetidine. Isa itong antiseptic solution na subok nang mabisa laban sa sore throat, lalo na kung paumpisa pa lang ito. May ilang brand name ang hexetidine, kabilang na ang Bactidol.
Mabisa ang hexetidine, ayon kay Dr. Cruz, sa iba pang uri ng sore throat, gaya ng strep throat. Sanhi ang strep throat ng bacterial infection, na maaaring magtuloy sa mas malalang kondisyon na acute tonsilopharyngitis.
Ligtas ang pagmumog gamit ang hexetidine sa mga buntis at nagpapadedeng nanay, pati na sa mga may sakit sa thyroid, tulad ng hypothyroidism at hyperthyroidism. Malaking tulong ito sa iyong paggaling, lalo na kung hindi na umuubra ang home remedy sa masakit na lalamunan at iba pang sintomas ng sore throat.
Basahin dito para sa gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments