insect bites,Tagalog,greener,con-00370,kagat ng alupihan,scr23,r08-judy,Kagat Ng Alupihan | Smart Parenting,kagat ng alupihan, alupihan, centipede bite, insect bite, kagat ng alupihan sintomas, kagat ng alupihan gamot,Hindi biro ang kagat ng alupihan, kaya dapat malaman kung paano ito magagamot at saka maiiwasan na rin.
HealthYour Health

Pangangati, Pamumula, Pamamaga, At Iba Pang Sintomas Ng Kagat Ng Alupihan: 3 Home Remedies

May lason ang alupihan kaya dapat iwasan!
PHOTO BYfreepik

Ang article na ito ay unang naipublish noong October 25, 2020. Nadagdagan ito ng updates noong Nobyembre 30, 2023.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

"Hundred feet" o isandaang mga paa ang ibig sabihin ng centipede, na kilalang "predatory venomous arthropods." Kumakain sila ng mga gagamba, ipis, langgam, at iba pang mga insekto. Sa Pilipinas, alupihan ang tawag sa centipede, at alam din ng marami na hindi biro ang kagat ng alupihan.

READ ALSO: Nakagat Ng Ipis? Narito Ang Dapat Gawin Panggamot, Ayon Sa Pediatrician At Dermatologist

Mga dapat malaman tungkol sa alupihan

Nocturnal ang mga alupihan, kaya posibleng mas nakakikita ka rin nito sa gabi. Hilig nilang magtago sa maiinit at mamasa-masang mga lugar. Mahahaba at maninipis ang mga alupihan, at saka maraming body segments. Ang bawat body segment ay may pares ng mga paa na nakakonekta rito kung kaya’t tinatayang nasa 30 hanggang 350 ang bilang ng kanilang mga "paa."

Ang haba ng katawan ng alupihan ay nasa mahigit-kumulang isang pulgada (one inch) hanggang isang talampakan (one foot), depende sa uri nito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi rin sila madaling makita at kapansin-pansin ding napakabilis nila.

Walang mga ngipin ang alupihan, ngunit ang kanilang dalawang paa sa harapan (forelegs) na malapit sa kanilang ulo ay mukhang mga sipit (claws o pincers). Puno ang mga ito ng lason, na siyang ginagamit laban sa mga kanilang mga biktima, o prey.

Itinuturing na ancient insects ang mga alupihan, at meron silang tinatayang 3,500 identified species. Labinlima sa mga ito (> 0.5%) ang clinically significant pagdating sa patient discomfort, morbidity, at mortality, ayon sa mga eksperto.

Ayon din sa mga pag-aaral, kapag mas malaki ang alupihan na kumagat sa iyo, mas matindi rin ang sakit na maaaring maramdaman dahil mas maraming lason ang mai-inject nito sa iyong katawan.

Kagat ng alupihan

Hindi pa natutukoy ang eksaktong bilang ng mga kaso ng kagat ng alupihan dahil hindi lahat ay nabibigyan ng medical attention. Pinakakaraniwang senyales nito ang mga sugat sa balat kapag nagka-puncture mula sa may lason nilang forelegs. Totoong masaklap kung makagat ka.

watch now

Madalas na nangangagat ang mga alupihan sa mga kamay at mga paa ng tao. May mga pagkakataong nasa loob ng mga sapatos ang alupihan kaya hindi napapansin bago isuot ang sapatos. Karamihan ng mga nagkakasugat sa kamay dahil sa centipede bite ay mga bata at iba pang pasyente na sinusubukang hawakan ang mga ito.

Narito ang mga karaniwang sintomas:

  • Pagkirot sa parte nakagat (localized pain)
  • Pamumula
  • Pangangati
  • Pamamaga
  • Pagsusugat at pamamaltos
  • Paghapdi sa eryang may sugat

Maaaring tumagal ang mga sintomas sa loob ng 30 minuto hanggang 3 araw.

Kasama rin sa posibleng maramdaman ang:

  • Pananakit ng ulo
  • Pagkabalisa o anxiety
  • Pamamanhid
  • Pananamlay (lethargy)
  • Pagbagal ng tibok ng puso at pamumutla (vagotonia)
  • Pamamaga ng lymphatic channels (lymphangitis)
  • Pamumulikat ng binti, pagkahapo, pag-itim ng ihi, at iba pang senyales ng rhabdomyolysis

Paalala lang ng mga eksperto na ang pamamanhid at lymph node swelling ay rare na mga sintomas.

Mga posibleng kumplikasyon

Ang ilan pa sa maaaring kahantungan o systemic effect ng kagat ng alupihan ay ang sumusunod:

  • Anaphylaxis
  • Hypotension
  • Tachypnea
  • Palpitations
  • Vasospasm
  • Acute myocardial ischemia

Posibleng ding mga kumplikasyon dulot ng kagat ng alupihan ang:

  • Cellulitis o abscess
  • Local necrosis

Home remedies para sa kagat ng alupihan

Sikaping gawin kaagad ang mga sumusunod na hakbang:

1. Hugasan nang mabuti ang eryang may kagat ng alupihan. Gumamit ng mild na sabon at tubig. Iwasang maglagay ng alkohol.

2. Lagyan ng ice pack ang eryang may kagat sa loob ng 10 minuto at tanggalin ito sa loob ng kasunod na 10 minuto. Ulit-ulitin ang ice pack method hanggang maibsan ang pananakit at pangangati. Iwasang gumamit ng warm compress.

3. Uminom ng over-the-counter medication tulad ng antihistamine o aspirin.

Maaari ding gamitin ang halamang gamot tulad ng mayana para sa kagat ng alupihan.

Karaniwang nawawala rin ang mga sintomas na ito sa loob ng 48 oras. Agad na komunsulta sa doktor kung walang pagbabago kahit nagbigay nang paunang lunas.

Anong maaasahan sa Emergency Room?

Kung madadala sa emergency room ang pasyente, agad na susuriin ng doktor ang sumusunod:

  • Temperature
  • Pulse
  • Breathing rate
  • Blood pressure

Agad ding lilinisin at gagamutin ang sugat. Kung mayroong allergic reaction, maaaring irekomenda ng doktor ang sumusunod:

  • Blood at urine tests
  • Breathing support, kasama ang oxygen. Pero kung malala ang kondisyon, maaaring kailanganin ng tube na ipapasok sa lalamunan, at ng breathing machine, ventilator
  • Electrocardiogram (ECG), o heart tracing
  • Intravenous (IV) fluids mga gamot para sa mga sintomas

Paano ginagamot ang kagat ng alupihan?

1. Irigasyon sa site o erya upang mabawasan ang risk ng impeksyon.

2. Paglalagay ng ice packs dahil na-e-elevate nito ang pain threshold, nadi-delay ang nerve conduction, at pinababagal ang daloy ng dugo upang maiwasan ang tissue edema.

3. Hot water exposure

4. Systemic at local analgesia na may lidocaine

5. Antihistamines, corticosteroids, at anxiolytics ang ilan sa inirerekomenda ng mga doktor

Walang ispesipikong gamot para sa kagat ng alupihan ngunit nama-manage ang mga sintomas nito. Tandaang mahalaga rin ang tetanus vaccination dahil may panganib ng tetano, o tetanus, mula sa kagat ng alupihan.

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Mainam ang magpa-check up kaagad sa doktor kung nararanasan ang sumusunod na allergic reactions:

  • Hirap sa paghinga
  • Pamamaga ng lalamunan
  • Mabilis na tibok ng puso
  • Pamamantal (hives)
  • Pagkahilo

Delikado rin ang sumusunod na mga sintomas kaya hindi dapat ipagsawalang-bahala:

  • Pagdurugo
  • Mataas na lagnat
  • Mga senyales ng impeksyon
  • Mainit kapag hinahawakan ang parteng nakagat
  • Mabahong discharge mula sa eryang nakagat

Mainam ang agarang aksyon at pagpapasuri sa doktor para sa kagat ng alupihan sa iyo man o di kaya may kakilala kang magkakaroon ng ganitong kondisyon.

FAQs: Ano ba ang epekto ng kagat ng alupihan sa tao?

Madalas may mga maling impormasyon hinggil sa kahalagahan at panganib ng alupihan. Narito ang ilang mga katotohanan upang mabigyan ng linaw ang usapin.

1. Maling kaisipan: Ang lahat ng alupihan ay mapanganib

Hindi lahat ng alupihan ay mapanganib sa tao. Ang ibang species ay hindi gaanong delikado kumpara sa iba.

Katotohanan: Ang kagat ng alupihan ay maaring makasakit

Bagamat hindi lahat ay clinically significant, maaari pa rin makasakit ang kagat ng ilang species ng alupihan. Ang mga kaso ng sakit, pamamaga, at pangangati ay maaaring maramdaman ng inaatake.

2. Maling kaisipan: Ang lahat ng kagat ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon

Hindi lahat ng kagat ng alupihan ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Ang iba ay maaaring mabawasan ang mga sintomas gamit ang mga home remedies.

Katotohanan: Ang kagat ng alupihan ay maaaring magdulot ng komplikasyon

Sa kabila ng hindi kadalasang pangyayari, maaaring magdulot ng komplikasyon ang kagat ng alupihan tulad ng cellulitis o abscess. Kung may mga senyales ng malubhang reaksyon, mahalaga ang agarang pagtanggap ng medikal na tulong.

Paano maiiwasan ang kagat ng alupihan?

Narito ang mga paraan para makaiwas sa kagat ng alupihan, ayon sa Bureau of Agricultural Research.

1. Panatilihin ang malinis na kapaligiran

Siguruhing malinis ang iyong paligid, lalo na sa mga lugar na madalas makita ang alupihan. Ang kalinisan ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa kanilang pagsilong sa bahay.

2. Regular na paglilinis ng sapatos

Bago isuot ang iyong sapatos, tiyaking walang nakatagong alupihan sa loob nito. Ito ay lalo na't may mga pagkakataong pumapasok sila sa sapatos na iniwan mo sa labas.

3. I-inspect ang mga sulok ng bahay

Regular na mag-inspeksyon sa mga sulok at kakahuyan sa bahay upang siguruhing walang nagtatagong alupihan. Iwasan ang pag-iimbak ng kahoy o kahoy na galing sa labas na maaaring maging tirahan ng mga alupihan.

4. Paggamit ng natural na insecticide sa bahay

Maaari mong gamitin ang mga natural na pampatay-insekto o kemikal na ligtas sa tao upang mapigilan ang pagpasok ng alupihan sa iyong tahanan.

5. Paglalagay ng screens sa bintana at pintuan

Ang mga screens sa bintana at pintuan ay maaaring maging epektibong paraan upang mapigilan ang pagpasok ng alupihan sa iyong bahay.

Basahin dito tungkol sa kagat ng surot.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close