Tagalog,kalmot ng pusa,greener,kalmot ng pusa first aid,cat scratch disease,updated,scr23,r08-em,Kalmot Ng Pusa First Aid | Smart Parenting,kalmot ng pusa first aid, kalmot ng pusa, cat scratch disease, cat scratch disease first aid, cats,May ilang senyales ng cat scratch disease na dapat bigyan ng pansin tungkol sa kalmot ng pusa first aid.
HealthYour Health

Kailan Dapat Mabahala Sa Kalmot Ng Pusa: 6 Senyales Ng Cat Scratch Disease

Alamin din ang first aid para dito.
PHOTO BYShutterstock

Ang article na ito ay unang naipublish noong Nobyembre 19, 2021. Nadagdagan ito ng updates noong Nobyembre 28, 2023.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Bukod sa aso, ang pusa ang pinakapaboritong pets ng karamihan. Nitong mga nakaraang taon, tumataas pa lalo ang interes at pagkahilig sa pag-aalaga ng pusa. May mga dapat lang alamin, tulad ng kalmot ng pusa first aid, bilang tugon sa hindi magandang karanasan sa alaga.

Pag-iingat laban sa kalmot ng pusa

May mga pagkakataon na nagiging agresibo kahit na akala mo naglalaro lang kayo, at biglang nangangalmot ang pusa. Kaya mahalaga, bilang pet owner, na regular na dalhin ang alagang pusa sa veterinarian kahit wala itong malalang sakit.

Maging ikaw mismo na pet owner ay dapat na magpabakuna rin laban sa rabies, isang viral disease na naipapasa sa pamamagitan ng laway (saliva). Nangyayari ito kapag nakagat o nakalmot ng isang hayop na may ganyang sakit, at kadalasan na humahantong sa kamatayan. 

Nararapat na bigyan ng bakuna o rabies vaccine ang mga pamilyang may alagang aso, ayon sa rabies fact sheet na nailathala sa Pediatric Society of the Philippines (PSP) website. Ang tawag dito ay pre-exposure prophylaxis at rekomendado ito lalo na sa mga bata dahil wala pa silang kamalayan sa panganib dulot ng kagat ng hayop.

Mga dapat gawin sa kalmot ng pusa

Kapag nagtamo ng kalmot ng pusa, lalo na sa hindi mo kakilala o iyong pusang gala, mainam na komunsulta sa doktor. Ito ang bilin ni Dr. Stephen Sayles III, isang emergency medicine physician sa Cleveland Clinic. Aniya, kailangan itong gawin sa loob ng walong oras para mabawasan ang panganib ng infection.

Sabi pa ni Dr. Sayles III, tumataas ang tyansa ng infection ng mga taong may diabetes o di kaya mahina ang immune system (immunocompromised). Baka kailangan nilang maturukan ng antibiotics at maospital pa. Posible kasing may taglay na bacteria ang nangalmot na pusa.

watch now

Bukod kasi sa rabies, may iba pang sakit na mula sa kalmot ng pusa. Ito ang tinatawag na cat scratch disease, isang bacterial infection na makukuha din kapag nakagat ng pusa o di kaya nadilaan nito ang sugat mo. 

Mga senyales ng cat scratch disease

Sanhi ang cat scratch disease ng bacterium na Bartonella henselae, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDP). Nakukuha ng pusa ang bacterium mula sa mga pulgas at mga dumi nito.

Halos 40 precent daw ng mga pusa ay nakakasagap ng bacterium kahit minsan sa kanilang buhay. Kadalasang mga kuting na wala pang isang taong gulang ang nakakasagap ng bacterium at naipapasa sa tao. Sila kasi ang mas may hilig mangalmot at mangagat.

Kapag naipasa sa iyo ng pusa ang bacterium, ayon pa sa CDC, maaari kang magkaroon ng mild infection sa loob ng 3 hanggang 14 na araw pagkatapos makalmot ng infected na pusa at dumugo ang balat. Kaya bantayan daw ang ganitong mga sensyales:

  • Pamamaga ng kalmot ng pusa
  • Pagkakaroon ng mapula, bilugan, at nakaangat na sugat mula sa kalmot
  • Pagkakaroon ng lagnat
  • Pagksakit ng ulo
  • Pagkahapo
  • Pamamaga at pagkirot ng mga kulani (lymph nodes) malapit sa parte ng katawan na nakalmot

First aid para sa kalmot ng pusa

Payo ni Dr. Sayles III na subukang matanggal ang bacteria mula sa kalmot ng pusa gamit ang tubig. Pagkatapos, hugasan ito gamit naman ang mild soap. Kung patuloy ang pagdudugo, punasan ito ng malinis na tela at pahiran ng antibiotic cream, na mabibili over-the-counter.

Pag dating naman sa doktor, lilinisin ulit ang sugat at papahiran ng antibiotic cream. Magrereseta raw ng antibiotics, tulad ng Augmentin, para malabanan ang infection. Sasabihan ka rin daw na kumuha ng tetanus vaccine kung wala ng bisa ang huli mong bakuna o knng hindi ka pa nakakatanggap nito kailanman. Depende sa laki ng sugat, maaaring tahiin ito kung hindi naagapan ng kalmot ng pusa first aid.

Mga pwedeng gawin para maka-iwas sa cat scratch disease

Maaaring gawin ang mga sumusunod para mabawasan ang panganib na makakuha ng cat-scratch disease:

  • Panatilihin ang pusa sa loob ng bahay.
  • Iwasan makalmot, makagat, o madilaan ng alagang pusa. Ang pag-tanggal ng kuko ng alagang pusa ay hindi din nirerekomenda upang makaiwas sa cat scratch disease.
  • Hugasan agad ng tubig ang sabon ang parte ng katawan na nakagat o nakalmot ng pusa.
  • Iwasan ang mga pulgas.
  • Gamutin ang iyong pusa ng produkto para sa pulgas na inirekomenda ng iyong beterinaryo.
  • Kung nag-iisip kumuha ng pusa, siguraduhin na ito ay mahigit isang taong gulang, nasa mabuting kalagayan, at walang pulgas. Hangga’t maaari, iwasan ang mga pusang kalye o mga pusang maraming pulgas.

Gaano kadalas ko dapat dalhin ang aking pusa sa beterinaryo para masuri ang kanyang kalusugan?

Kagaya ng mga tao, maaari mo ding dalhin ang iyong pusa sa beterinaryo para sa routine wellness exam. Sa pamamagitan nito, masisigurado na malusog ang iyong pusa at mabilis na makikita kung meron man itong sakit.

Kung ang iyong alagang pusa ay wala pang isang taong gulang, maaari siyang ipasuri sa beterinaryo isang beses kada buwan simula edad na walong linggo. Sa panahong ito ay bibigyan din siya ng beterinaryo ng mga nirerekomenda na bakuna upang siya ay maprotektahan sa mga nakakahawang sakit. Maaari din siyang mapa-spay o neuter sa edad na 5 o 6 na buwan upang makaiwas sa mga sakit, hindi kanais-nais na pag-uugali, at maraming anak.

Para sa mga alagang pusa na nasa edad 1 o 10 taong gulang, maaari silang ipasuri sa beterinaryo isang beses kada taon. Ito ay taunang physical exam na susuriin kung nasa wastong kalusugan ang iyong alaga.

Para naman sa mga senior na pusa na nasa edad 11 at pataas, kailangan silang makita ng beterinaryo isang beses kada 6 na buwan. May mga karagdagang diagnostic tests para sa mga senior na pusa gaya ng blood tests at urinalysis para masigurado na walang problema sa kidney or diabetes.

Basahin dito para malaman naman kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close