embed embed2
  • Kapag Malapad Ang Balakang, Mas Madali Bang Manganak? Ito Ang Sagot Ng Ob-Gyn

    At sa iba pang kadalasang tanong ng mga kababaihan.
    by Jocelyn Valle .
Kapag Malapad Ang Balakang, Mas Madali Bang Manganak? Ito Ang Sagot Ng Ob-Gyn
PHOTO BY Canva
  • May mga sinaunang paniniwala ang mga Pinoy, tulad ng may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak, na nagpapatuloy hanggang ngayon kahit karamihan sa mga ito ay wala talagang basehan at maliwanag na dahilan.

    Maaaring nagkakataon, o coincidence, lang na nagkakatotoo ang mga ito. Kaya pinakamainam na komunsulta sa iyong doktor nang mabigyan ka ng ekspertong paliwanag.

    Para sagutin ang ilan sa mga kadalasang tanong ng mga kababaihan, kinausap ng Smart Parenting si Dr. Maynila Domingo. Isa siyang ob-gyn at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts.

    Totoo ba?

    #1: Kapag malapad ang balakang, mas madaling manganak?

    Ang sagot ni Dr. Domingo: "Hindi." Aniya, walang direktang kinalaman ang panlabas na itsura ng balakang sa lagay ng sipit-sipitan, o ang bony pelvis sa medical term.

    Dagdag ni Dr. Domingo na makakasiguro lang na sapat ang bony pelvis para sa vaginal delivery kung sasailalim ang buntis sa pelvic examination. Makakatulong din kung hahayaan ang manganganak na mag-labor at obserbahan siya habang nangyayari ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    RELATED: 3 Signs Of Labor Na Malapit Ka Nang Manganak

    #2: Kapag kumain ng maanghang, mapapabilis ang pagle-labor ng buntis?

    Ang sagot ni Dr. Domingo: "Hindi." Paliwanag niya na nagkakaroon ng induced labor kapag nagpakawala ang katawan ng hormone na oxytocin. Ang katawan mismo ang magbibigay ng senyales sa tamang panahon.

    Diin ni Dr. Domingo na walang kahit anong pagkain ang makakapag-trigger ng pagle-labor "on cue."

    RELATED: Due Date Arrived and Passed? 6 Ways to Naturally 'Induce' Labor

    #3: Kailangan bang sumailalim sa Pap smear kada taon?

    Ang sagot ni Dr. Domingo ay kailangang sumailalim ng Pap smear ang lahat ng kababaihan na may edad mula 25 hanggang 65. Ito ang screening test para cervical cancer. Mahalaga na sumailalim sa screening kahit:

    • hindi pa nanganganak
    • hindi sexually active
    • hindi pa nakaranas ng vaginal intercourse

    Paalala ni Dr. Domingo na ang human papillomavirus (HPV), na siyang sanhi ng cervical cancer at iba pang uri ng cancer, ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng sexual contact kahit walang vaginal intercourse. (Basahin dito ang kung paano makakaiwas sa tulong ng HPV vaccine.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Panoorin ang mga sagot at paliwanag ni Dr. Maynila Domingo sa video na ito:

    Basahin dito ang tungkol sa health-related myths.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close