;
embed embed2
  • Ito Ang Ibig Sabihin Kapag Namamaga Ang Kulani, Sabi Ng Doktor

    Tinatawag ang kulani na lymph nodes.
    by Jocelyn Valle .
Ito Ang Ibig Sabihin Kapag Namamaga Ang Kulani, Sabi Ng Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Maraming nag-aakalang sakit ang kulani. Kapag kasi may papanakit sa bandang leeg, panga, kili-kili, at singit, at pagkatapos may nakapang bukol, kadalasang sinasabing dahil ito sa kulani. Kaya mainam na malaman ang tungkol sa kulani, in English lymph nodes.

    Ano ang kulani?

    Ang kulani, ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary para sa lymph node (kung singular), ay kahit anong bukol ng lymphoid tissue na nababalutan ng connective tissue. Higit sa isa ang bukol kaya plural form na lymph nodes ang kadalasang ginagamit na term kaya dapat mga kulani ang tawag.

    Sabi nga ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, "Parte ng katawan ang mga kulani. Parte ang mga ito ng ating immune system."

    May paliwanag ang mga eksperto ng Mount Sinai Health System sa United States. Anila, nakakalat ang mga daan-daang kulani in English lymph nodes sa buong katawan at kumikilos ayon sa gawain ng lymph o lymphatic system, na bahagi pa rin ng immune system. Tumutulong ang lymph nodes na makilala at labanan ng katawan ang germs, infections, at ibang foreign substances.

    Bakit namamaga ang kulani?

    Kahit na maraming nakakalat na mga kulani sa katawan, hindi mo talaga sila mararamdam hangga't mamaga at maging bukol (basahin dito). Masasalat sila gamit ng mga daliri sa common areas, tulad ng:

    • Singit (groin)
    • Kili-kili
    • Leeg
    • Ilalim ng panga at baba
    • Likuran ng tenga
    • Likod ng ulo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Namamaga ang kulani kapag may infection sa katawan," sabi ni Dr. Unico. "Ibig sabihin, active ang immune system. Madalas kasabay ng infection ang tagal ng pamamaga ng mga kulani. Minsan kahit magaling na ang pasyente, medyo maga pa rin ang kulani dahil dahan-dahan mawawala ang pamamaga nito."

    May ilang sanhi ng infection, ayon sa mga ekperto. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Problema sa ngipin (abscessed o di kaya impacted tooth)
    • Pamamaga ng gilagid (gingivitis)
    • Mga sugat sa bibig (mouth sores)
    • Namamagang tonsils (tonsillitis)
    • Infection sa tenga
    • Infection sa balat
    • Sipon, trangkaso, at iba pang infection
    • Side effects sa gamot (seizure medicines, typhoid immunization)

    Meron ding mga sakit na nagdudulot ng infection, gaya ng:

    • Mononucleosis
    • Sexually transmitted illness (STI)
    • Tuberculosis
    • Human immunodeficiency virus (HIV)
    • Rheumatoid arthritis (RA)
    • Leukemia
    • Hodgkin disease
    • Non-Hodgkin lymphoma

    Kung may infection, mararamdaman mong nilalabanan ito ng katawan dahil namamaga at sumasakit ang mga kulani o swollen lymph nodes. Kaya hayaan mo lang daw kusang humupa ang pamamaga at mawawala rin ang sakit sa loob ng ilang araw. Babalik naman sa normal size ang lymph nodes pagkaraan ng ilang linggo.

    Kailan dapat mabahala sa kulani?

    Kung magpatuloy ang pamamaga at pananakit ng mga kulani ng ilang linggo, payo ng mga eksperto na komunsulta ka na sa doktor. Bantayan din daw ang ibang sintomas, tulad ng:

    • Pamumula at paglambot sa parte ng mga namamagang kulani
    • Paninigas ng mga kulani o di kaya pagiging irregular ng hugis
    • Pagkakaroon mo ng lagnat, pamamawis sa gabi, o di kaya biglang pangangayayat

    Paliwanag ni Dr. Unico: "May mga kulani na kailangan ng mas malalim na imbestigastion tulad ng kulani na sa may baga (lungs). Ito ay maaring senyales ng sakit sa baga o di kaya naman ay maaring sensyales ng tumor ng lymph nodes. Kadalasan ang paggamot sa pamamaga ng kulani ay gamutin ang sanhi ng pamamaga nito."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag nagpatingin ka sa doktor, bilin ng mga eksperto na maging bukas sa pagsasabi ng nararamdaman at paglalahad ng medical history. Mainam din na alalahanin kung kailan nagsimulang mapansin ang pamamaga at pagsakit ng kulani, pati na kung may iba pang sintomas.

    Malamang na sabihan ka ng doktor na kumuha ng blood tests, kabilang ang liver function tests, kidney function tests, at CBC with differential. Maaari ka rin daw sumailalim sa lymph node biopsy, chest x-ray, at liver-spleen scan. Depende raw kasi sa sanhi ng namamagang kulani in English swollen lymph nodes ang irerekomenda ng doktor na treatment para sa iyo.

    What other parents are reading

     
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles