embed embed2
  • Mga Paraan Ng Mga Mommy Bilang Remedyo Sa Lamig Sa Likod

    Ang tinatawag na lamig ng mga Pinoy ay kilala sa medical term na muscle spasm.
    by Jocelyn Valle .
Mga Paraan Ng Mga Mommy Bilang Remedyo Sa Lamig Sa Likod
PHOTO BY Shutterstock
  • May paniniwala ang mga Pinoy na kapag sumasakit ang mga kasu-kasuan sa katawan ay dahil iyon sa "lamig." Kapag nagbabad sa air condition buong araw, halimbawa, puwedeng magkakaroon ng lamig sa likod.

    Nagbahagi ng kanilang mga karanasan ang mga mommy sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph.

    Sabi ng isa sa kanila, "Naniniwala ako d'yan kasi nga nakukuha 'yan sa airconditioned room 'tsaka sa working place lalo na kung naka-upo ka lang buong working hours. Masakit sa likod balikat tapos mabigat ang pakiramdam at katawan mo lagi."

    Tanong naman ng isa pa, "Normal lang ba itong nararamdaman ko always na lang talaga sumasakit likod ko lalo na pag gabi kasi nagpapa-aircon kami. Isa sa dahilan ba nito 'yung pagbubuhat kay baby?

    "Matagal na talaga ito sumasakit simula pa nung nanganak ako mag-5 months na, pati dibdib ko masakit rin. Nagpahilot na 'ko 4 na beses pero wala pa rin. Ano ba need gawin? Magpapa-massage pa rin ba ako?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang lamig sa katawan?

    Ayon kay Dr. Elizabeth Ecralin-Manlulu, isang rheumatologist, ang tinatawag na "lamig" ay paninigas ng mga kasu-kasuan at kilala ito sa medical term na muscle spasm. Nagbigay siya ng paliwanag sa medical TV program na Pinoy MD.

    Aniya, "Kung iko-convert mo kasi ang lamig sa English, it would be cold. Pero in medical terms or in Western medicine, wala naman kaming tinatawag na cold. Simply put, ang lamig ay paninigas ng kasu-kasuan o muscle.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "’Yon lang, ang mga pasyente, dini-describe nila iyon sa tawag na lamig. Kapag may activity po tayo—naglaro ng basketball o nag-gym—siyempre ang body temperature po natin tumataas o in heat na tinatawag.

    "'Tapos maliligo tayo, siyempre relative sa katawan natin, malamig ’yun. So maaari iyon mag-contribute sa muscle spasm na tinatawag o lamig."

    Mga posibleng dahilan ng muscle spasm

    Maituturing na "idiopathic" ang muscle spasm, ayon sa Cleveland Clinic, dahil "unknown" ang eksaktong sanhi nito. Pero malaki raw ang posibilidad na magkaroon ka nito kung:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Wala kang sapat na stretching bago gumagawa ng strenuous activity
    • Sobrang napagod ang muscles mo
    • Nage-exercise ka sa mainit na lugar
    • Nagkukulang ka sa tubig (dehydration)
    • Nagkukulang ang katawan mo sa electrolytes, gaya ng potassium, magnesium, at calcium
    • Nagkaroon ka ng involuntary nerve discharges
    • Napipigilan ang blood supply sa iyong katawan
    • Sobra ka sa stress
    • Nawiwili ka sa high intensity exercise
    • Maling posture

    Payo ng mga eksperto na iwasan ang mga gawain na nagdudulot ng muscle spasm at subukan ang hot compress o di kaya cold compress para maibsan ang pananakit ng mga kasu-kasuan. Pero kung gumagrabe at tumatagal na ang pananakit, mainam na komunsulta na sa doktor upang malaman ang tunay na sanhi at mabigyan ka ng karampatang lunas.

    Sagot ni mommy sa lamig sa likod

    Nagkakaisa ang mga nanay sa Parent Chat na malaking ginhawa ang dulot ng masahe sa pananakit ng kanilang likod mula sa lamig. Naalala ng isa sa kanila na may officemate siya noon na minamasahe siya kapag break time.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento niya, "Siguro after 2 days na pagmamasahe niya sa 'kin, hay super relax sa pakiramdam. Gusto ko nga matutunan 'yun, eh, para sa husband ko para pag-uwi niya eh magawa ko din 'yun."

    Ang sabi naman ng isa pang mommy na ang asawa niya mismo ang nagmamasahe sa kanya. Tunay daw na nakaka-relax hindi lang ng katawan pero pati na rin ng isipan.

    Sabi ng isa pang mommy na kapag hindi makapagpamasahe, lalo na ngayong panahon ng community quarantine, subukan daw na uminom ng mainit na ginger tea para gumaang ang pakiramdam.

    Isa pang alternative sa masahe ang hot tub o hot shower, ayon sa isang mommy. Pero diin niya na kung hindi umuubra ang home remedies para sa lamig sa likod, magpatingin na daw talaga sa doktor.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles