embed embed2
  • May Mga Paraan Para Maiwasan Ang Hernia Sa Lalaki, Ayon Sa Doktor

    Ang hernia ay isang medical condition, kung saan lumuluslos ang internal part ng katawan.
    by Jocelyn Valle .
May Mga Paraan Para Maiwasan Ang Hernia Sa Lalaki, Ayon Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Bagamat walang pinipiling kasarian ang sakit na luslos o hernia, mas madalas tamaan nito ang mga kalalakihan. Mainam na malaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kung may luslos sa lalaki, pati na kung paano maiwasan ito.

    Ano ang hernia?

    Hernia ang tawag sa medical condition, kung saan ang internal part ng katawan ay lumuluslos o lumulusot dahil sa kahinaan ng muscle o di kaya ng surrounding tissue wall. Kilala ito ng mga Pinoy bilang luslos. 

    Malimit nagkakaroon ng hernia sa pagitan ng dibdib at balakang, ayon sa National Health Service (NHS) UK. Pero bukod daw sa pamamaga o pagbukol sa may tiyan o parteng singit (groin), wala raw masyadong sintomas ang sakit na ito.

    Kung minsan pa nga, hindi na mapapansin ang bukol kapag humiga. Mas nararamdaman lang daw ang bukol kapag napalakas ang ubo o habang umiire sa banyo.

    Inguinal hernia

    May ilang uri ng hernia, sabi naman ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, pero pinaka-common ang inguinal hernia. Kaya ito ang kadalasang tinutukoy na uri ng sakit sa tuwing napagu-usapan ang hernia.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dr. Unico na nangyayari ang inguinal hernia kapag lumuluslos o lumulusot ang bituka sa scrotum, na siya namang kinalalagyan ng testes o itlog ng lalaki. Kaya luslos sa lalaki ang tawag dito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, "Dulot ito ng paghina o pagkasira ng abdominal wall muscles. Kapag humina o nasira ang abdominal muscles, hindi nito kinakaya ang bigat ng bituka kaya lumulusot ito at pumapasok sa scrotum."

    Dagdag pa niya, "Dito nararamdaman ang bukol sa may itlog. Humihina ang abdominal wall muscle dahil sa mataas na pressure sa tiyan, injuries o mas madalas dahil sa pagkapuwersa nito (straining) tuwing umuubo o dumudumi."

    Paalala ni Dr. Unico sa mga kalalakihan na lumalaki ang bukol o ang luslos kapag puwersado ang katawan, tulad ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

    Nagbigay din siya ng mga payo sakaling may nararamdaman ng luslos o di kaya makaiwas sa hernia:

    • Bawasan ang pagbubuhat ng mabibigat o ang mabibigat na gawain.
    • Iwasan ang pag-strain o puwersadong pag-ubo at pag-dumi.
    • Maaring gumamit ng hernia support belt kung maliit pa lang ang luslos. Hindi ito nakakagaling, ngunit makakatulong na bawasan ang pressure sa muscles ng tiyan.
    • Magpakonsulta sa doktor. Gawin ito kaagad lalo na kapag ang luslos ay nagdudulot na ng sakit at hindi na ito lumiliit o hindi na maibalik sa tiyan ang nakaluslos na bituka.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang nirerekomenda ng mga doktor ang inguinal hernia repair, ayon sa Philippine Society of General Surgeons (PSGS). Ito raw ang "one of the most common surgical procedures" na ginagawa para sa mga pasyenteng may luslos sa lalaki.

    Iba pang mga uri ng hernia

    Bukod sa inguinal hernia, may ibang uri ng hernia na dapat ding bantayan at ipasuri sa doktor.

    Umbilical Hernia

    Mga newborn at baby na wala pang 6 months ang maaaring magkaroon ng umbilical hernia. Nangyayari ito kapag ang intestines ay lumuwa palabas ng abdominal wall katabi ng belly button. Mapapansin ito ng magulang kapag umiiyak si baby.

    Gumagaling nang kusa ang umbilical hernia, sabi ng mga eksperto, sa pagtungtong ni baby sa 1 year old. Pero kapag lagpas isang taon na, baka kailanganin nang ipaopera.

    Epigastric Hernia

    Sa kaso ng epigastric hernia, na tinatawag ding ventral hernia, may mga parte ng intestines ang umuumbok patulak sa abdominal muscles sa pagitan ng pusod at dibdib. Mga kalalakihan din ang kadalasang tinatamaan nito at nagagamot naman sa pamamagitan ng surgery.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Incisional Hernia

    Sa mga taong sumailalim na sa opera o surgery, posibleng magkaroon ng incisional hernia. Umuumbok ang parte ng intestine patulak sa tiyan kung saan may surgical incision. Kaya kailangan ng isa pang surgery para maitama ito.

    Hiatal Hernia

    Ang ganitong klase ng hernia ay tumutubo sa bukana ng diaphragm, kung saan ang esophagus ay katabi lang ng stomach. Kapag ang muscle dito ay humina, maaaring umumbok ang pinakataas na parte ng tiyan patulak sa diaphragm.

    Di tulad ng ibang uri ng hernia at luslos sa lalaki, walang makikitang panlabas na bukol. Pero maaaring makaramdam ng mga sintomas, gaya ng heartburn, indigestion, at chest pain. Magagamot ito sa pamamagitan ng medication, diet changes, at surgery kung minsan.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Download on Android devices here

Download on iOS devices here

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles