embed embed2
May Maitim Na Eyebags Kahit Di Puyat? Mga Posibleng Dahilan At Payo Ng Dermatologists
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa ang eye bags sa mga pinaniniwalaang palatandaan ng pagpupuyat, at kapag dumadalas itong mangyari, kapansin-pansin pang nangingitim ang ilalim ng pamamaga ng mata. Kaya naman ang pagkakaroon ng maitim na eyebags ang kadalasang kinaiinisan ng marami.

    "Minsan mas nahahalata ang eye bags dahil sa pagkakaiba ng anatomical structure ng ating mukha," sabi ni Dr. Jarische Lao-Ang, DPDS. Idagdag pa ang pagkakaedad, o aging, at genetics. Aniya sa email interview ng Smart Parenting, "Ang eyebags ay maaring mamana."

    Mga sanhi ng eye bags

    Pangunahing dahilan ng eye bags, o ang pamamaga (puffiness) sa ilalim ng mga mata, ang pag-abante ng edad, sabi pa ni Dr. Lao-Ang. Ang aging kasi ay nagdudulot ng pagluwag ng balat dahil sa paghina ng fatty tissue.

    "With aging, the structure that supports the eye area can weaken," paliwanag ng board-certified dermatologist na may klinika sa Skin 101 sa Shangri-la Plaza mall sa Mandaluyong City.

    "The loss of skin tone makes the fatty tissues go to the lower lids, making them look puffy. Fluid can also pool down on the area and this can be noted often after waking up or after eating salty food."

    Bukod sa aging at genetics, may iba pang dahilan o factors sa pagkakaroon ng eye bags, ayon sa isa pang board-certified dermatologist na si Dr. Maria Elinor Grace Sison, FPDS. Kabilang dito ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Pigmentation
    • Excessive vascularity
    • Structural causes
    • Combination (pigmentation, excessive vascularity, structural causes)
    • Nutritional deficiencies
    • Underlying medical conditions, tulad ng problema sa thyroid
    • Medications
    • Lifestyle causes, gaya ng eye strain, lack of sleep, smoking, at stress

    Bakit may maitim na eyebags?

    Malaki ang kinalaman ng pagkakaroon ng kulay sa balat, o pigmentation, at problema sa blood vessels, o bilang vascular causes, sa pangingitim ng eye bags, ayon kay Dr. Lao-Ang.

    Maaaring resulta ang mga ito ng "post-inflammatory hyperpigmentation" mula sa pagkuskos o di kaya pagkamot ng balat sa paligid ng mga mata. Puwede ring resulta ang mga ito ng "underlying medical conditions," tulad ng atopic dermatitis, na isang uri ng eczema.

    Read also: Types Of Eczema

    Lahad pa ni Dr. Lao-Ang, na kilala bilang thedermamamaph sa Instagram at TikTok: "The dark eye circles may also be vascular in nature when the superficial blood vessels around the eye appear more visible (mostly due to aging of skin)."

    Idagdag pa ang lifestyle habits, gaya ng kakulangan sa tulog, paninigarilyo, pagiging stressed out, at hindi paggamit ng proteksyon laban sa sun exposure.

    Read also: Best Sunscreen

    Sang-ayon si Dr. Sison, na may ganitong paliwanag: "Dark under eye circles can be due to excessive vascularity since the eyelid skin is the thinnest skin or it could also be due to post-inflammatory hyperpigmentation as a result of underlying medical conditions like atopic dermatitis and contact dermatitis. Lifestyle causes and medications can also contribute to dark under eye circles."

    Mga dapat gawin sa maitim na eyebags

    Paalala ng dalawang dermatologist na kailangang malaman muna ang sanhi, o underlying cause, bago masimulan ang paggamot, o treatment, ng pangingitim ng maga sa ilalim ng mga mata. Kaya mainam na komunsulta muna sa doktor nang masuri ang maitim na eyebags.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, narito ang ilang tips ni Dr. Lao-Ang nang hindi na lumala pa ang maitim na eyebags:

    • Iwasan ang pagkuskos at pagkamot sa paligid ng mga mata
    • Lapatan ng cool compress nang mabawasan ang pamamaga, o puffiness, ng mga mata
    • Huwag kalimutan ang balat sa may ilalim ng mga mata kapag magpapahid ng sunscreen sa mukha
    • Gumamit ng produktong may brightening ingredients para sa balat kung pigmentation ang dahilan ng pangingitim ng eye bags
    • Sikaping magkaroon ng healthy lifestyle  (pagtulog ng sapat na oras, pag-iwas sa maaalat na pagkain)

    Narito naman ang mga rekomendasyon ni Dr. Sison, na isa ring key speaker ng Cetaphil skincare brand. Kabilang sa mga produkto nito ang hydrating eye gel-cream at deep hydration refreshing eye serum.

    Makakatulong ang mga sumusunod para makaiwas sa pangingitim ng eye bags:

    • Gumamit ng broad-spectrum sunscreen na may SPF na hindi bababa sa 30
    • Magsuot ng UV protective eyewear
    • Gumamit ng cosmetic concealers, topical skin lighteners, o di kaya moisturizers
    • Pamahalaan ang stress
    • Matulog ng sapat na oras
    • Magkaroon ng healthy lifestyle

    Kung nais na subukan ang treatment options sa dermatological clinic, nariyan ang lasers, fillers, blepharoplasty, at chemical peels. Mahalaga ring matugunan kung may iba pang karamdaman, tulad ng atopic dermatitis o di kaya nutritional deficiences. Basta komunsulta muna sa board-certified dermatologist para sa individualized treatment ng maitim na eyebags.

    Read also: Effective Ways To Get Rid Of Eyebags

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles