embed embed2
  • Masakit Ang Batok? Narito Ang Ilang Posibleng Dahilan, Ayon Sa Doktor

    Baka kailangan mo nang bigyan ng kaukulang pansin ang nararamdaman.
    by Jocelyn Valle .
Masakit Ang Batok? Narito Ang Ilang Posibleng Dahilan, Ayon Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung masakit ang batok paminsan-minsan, maaaring bale-walain mo ito. Pero sa sandaling mapansin mo na tila dumadalas at tumitindi ang iyong pakiramdam, baka kailangan mo nang bigyan ito ng kaukulang pansin.

    May ilang posibleng dahilan kung bakit sumasakit ang batok, ayon kay Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner. Mainam na obserbahan ang sariili para matukoy kung alin ang applicable sa iyong nararamdaman.

    Neck muscle strain

    Paliwanag ni Dr. Unico na sumasakit ang batok kapag ito ay napapagod o nangangalay sa matagal na hindi magandang posture o pagkapuwesto ng leeg at likod. Halimbawa raw nito sa trabaho kapag matagal na nakatutok sa computer o telepono. Isa pa ang hindi magandang posture ng leeg sa pagtulog.

    May mga suggestion ang doktor para maibsan o di kaya maiwasan ang pananakit ng batok:

    • Ayusin ang posture o ang posisyon ng katawan sa mga pang-araw-araw na gawain.
    • Iwasan ang laging nakayuko nang matagal.
    • Sikapin na maaayos ang unan at puwesto sa pagtulog.
    • Subukan ang stretching exercises.
    • Kung hindi kinakaya ang sakit, maaaring uminom ng pain reliever.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Trauma

    Ang masakit na batok ay puwedeng dulot ng trauma mula sa aksidente o anumang pagkabugbog sa parte ng leeg. Sabi ni Dr. Unico na kapag nabangga ang sasakyan sa may likuran nito, halimbawa, maaaring makaranas ang pasahero ng whiplash car injury.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa pang posibleng resulta ang neck sprain, ayon naman sa American Academy of Orthopaedic Surgeons (AAOS). Nangyayari raw ito kapag nadale ang soft tissues sa ilan sa seven bones ng spinal column mula sa motor vehicle collision o di kaya hard fall. Napupuwersa raw kasi ang leeg sa extreme position.

    Maaaring neck sprain ang nararanasan mo kung:

    • Hindi mo kaagad maramdaman ang sakit mula sa injury, bagkus kinabukasan o ilang araw pa pagkatapos mangyari ang aksidente.
    • Kapag nagsimula na ang pananakit, lalo na sa may batok, tumitindi ito kapag nagagalaw.
    • May pamumulikat (muscle spasm) at pananakit sa upper shoulder.
    • Sumasakit ang ulo, lalo na sa bandang likod nito.
    • Dumadalas ang pagkairitable at pagkapagod, pati na ang hirap sa pagtulog at pag-concentrate.
    • May pamamanhid (numbness) sa braso o sa kamay.
    • May paninigas sa leeg (neck stiffness) at hirap na sa paggalaw ng side to side, up and down, at circular.
    • May panginginig o panghihina ng mga braso.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para makasiguro sa karamdaman, payo ng mga eksperto na komunsulta sa doktor upang sumailalim sa physical examination at mabigyan ng tamang treatment.

    Paghina ng joints ng leeg

    Sabi ni Dr. Unico, isa pang sanhi ng masakit na batok ang katandaan o mga sakit na karaniwan sa mga may edad, tulad ng rayuma (arthritis). Pinatotohanan sa medical resources na mayroong arthritis in the neck. Tulad daw kasi sa iba pang bahagi ng katawan, ang disks at joints sa leeg ay dumadaan rin sa degeneration dahil sa wear and tear.

    Bukod daw sa pananakit sa leeg at batok, ang iba pang sintomas ng arthritis ang:

    • Headaches
    • Grinding o di kaya popping noise/sensation kapag ginagalaw ang leeg
    • Muscle spasms sa leeg at mga balikat
    • Hirap sa paglalakad
    • Panghihina ng mga kamay at binti
    • Loss of balance

    Kung magpapatingin sa doktor, sabi ng mga eksperto, maaari kang bigyan ng medication at irekomenda ang physical therapy. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sakit tulad ng hypertension

    Sabi ni Dr. Unico, ang tinatawag na alta presyon o hypertension ay madalas na inuugnay kapag masakit ang batok. Ngunit ito raw ay hindi karaniwang sintomas ng hypertension. Maaring makaramdam ng pagpintig ng mga ugat sa leeg kapag sobrang taas ng blood pressure.

    Kadalasan lamang raw na sumasakit ang batok kung ang blood pressure ay sobrang taas na nagdudulot ito ng pagkasakit sa ulo hanggang sa leeg. Kaya mahalaga na alagaan ang pangangatawan kasama na ang pag-monitor ng blood pressure. Komunsulta rin sa doktor kung hindi nawawala ang pagsakit ng batok.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles