embed embed2
  • May Nunal Na Cancerous Kaya Tandaan Ang 'ABCDE' Warning Signs

    Mainam na patignan ang buhay na nunal.
    by Jocelyn Valle .
May Nunal Na Cancerous Kaya Tandaan Ang 'ABCDE' Warning Signs
PHOTO BY iStock
  • Pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng nunal o mole. May mga tao nga lang na sadyang marami nito sa katawan, kadalasan sa mukha at minsan sa maselang parte. Wala namang kaso kung hindi nakakasagabal o nakakaasiwa. Pero may nunal na maaaring cancerous din, at ito ang dapat bantayan.

    Kapag lampas 50 ang nunal ng isang tao, ayon sa National Cancer Institute (NIH), mas mataas ang tsansa na magkaroon siya ng melanoma. Ito ang itinuturing na pinakaseryosong uri ng skin cancer. 

    Kaya obserbahan kung alin man sa mga nunal (common mole) ang nagbabago ang kulay, laki, hugis, at texture. Pati na kung ito ay matigas, makati, at dumudugo. Tignan din kung ang balat na nakapalibot sa nunal ay tuyot at magaspang. Dahil sa pagbabago ng anyo, sinasabing buhay ang ganitong nunal.

    Katunayan, hindi na lamang karaniwang nunal ito. Ang tawag dito ay dysplastic nevus, na tumutubo sa alin mang body part, maging exposed sa araw o hindi. Base sa mga pag-aaral, 10 times ang tsansa na magkaroon ng melanoma ang taong mayroong higit sa limang dysplastic nevi kesa doon sa wala. Kung mas madami, mas delikado pa.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Warning signs ng nunal na maaaring cancerous 

    Tinatawag din ang buhay na nunal bilang atypical mole, sabi ng Skin Cancer Foundation. Risk factor daw ito sa pagkakaroon ng melanoma, lalo na kung ang isang tao ay may family history ng skin cancer at ilang beses nang nakaranas ng sunburn. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tandaan ang "ABCDE" warning signs:

    Asymmetry

    Karamihan sa mga nunal na cancerous, walang simetriya. Magkaiba ang sukat kapag gumuhit ng linya sa gitna ng dalawang biyak. Hindi ito tulad ng common mole na bilugan.

    Border

    Kung sakto ang pagkabilog ng common mole, ang atypical mole naman ay hindi pantay ang hangganan o border.

    Color

    Hindi lang iisang ang kulay ng may nunal na maaaring cancerous. May iba-ibang shade ito ng brown, tan, at black. Minsan pa nga, nagkakaroon ng bahid ng red, white, at blue habang lumalaki ito. 

    What other parents are reading

    Diameter and Dark

    Dapat mabahala kung ang nunal ay mas malaki na sa pencil eraser, na halos 6 mm ang sukat o 1/4 inch ang diameter, at patuloy sa paglaki. Payo din ng mga eksperto na bantayan ang nunal na mas maitim ang kulay, habang pambihira naman daw ang walang kulay o amelonatic melanoma.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Evolving

    Maaaring cancerous ang buhay na nunal hindi lamang kapag nag-iiba ang laki, hugis, kulay at umbok nito, kundi pati na rin kung makati, tuyot, at dumudugo.

    Para makasiguro, komunsulta as dermatologist upang mabigyan ng test at maagapan kung cancerous nga ang nunal.

    What other parents are reading

    Isa si Dayanara Torres na nagkasakit ng melanoma. Kuwento ng Miss Universe 1993 sa Instagram noong February 2019 na cancerous pala ang nunal na ilang taon na niyang napansin na lumalaki pero hindi naman siya agad nabahala kahit may “uneven surface” ito. Nagpa-checkup lang siya dahil sa pangungulit ng kanyang fiancé. 

    Pina-biopsy ang nunal, at doon nalaman na positibo ito sa skin cancer. Sumailalim ang Puerto Rican beauty queen-turned-TV host ng surgery at nakatanggap ng pangangalaga mula sa kanyang mga doktor.

    Aniya, “They have already removed a big area from the back of my knee and also they have removed 2 lymph nodes at the top of my leg where it had already spread.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umasa ang dating movie actress at dance icon dito sa Pilipinas na hindi na kumalat pa ang cancer sa ibang parte ng kanyang katawan, lalo na sa major organs. Hindi naman siya nabigo dahil pagkatapos ng isang taong gamutan, gumaling siya at napagtagumpayan ang skin cancer.

    What other parents are reading

    Bukod sa melanoma, may dalawa pang uri ng skin cancer ang nakakapekto sa mga Pinoy. Andiyan pa ang Basal Cell Carcinoma (BCC) at Squamous Cell Carcinoma (SCC), paliwanag ni Dr. Eileen Abesamis-Cubillan sa Medical Center Manila (ManilaMed) website

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Natatagpuan daw ang BCC at SCC sa superficial layer ng balat at bihirang kumalat sa ibang parte ng katawan. Ang mga pagkaraniwang sanhi nito ay sun exposure, heredity, at toxic exposure. 

    Lahad niya, “Although marami din namang nakikita na hindi exposed sa sun, ’yung mga tagong areas ng katawan. Siyempre meron din talagang genetically predisposed to have cancers. Meron ding cause no’n is because of mga toxic substances. Let’s say, like chemicals, kagaya ng arsenic, and actually, meron ’yung isang pag-aaral na nakitang merong arsenic poisoning or keratosis na nagko-cause ng cancer na galing sa tubig, ’yung sa poso.”

    Dagdag pa niya na mainam na magamot ang skin sa early stages nito. Kapag daw kasi kumalat na ang cancer sa major organs, liliit na ang tsansa na magamot pa ito. Kaya iwasan na lang ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng pagsusuot ng sumbrero at paggamit ng payong bilang panangga sa sikat ng araw. Makakatulong pati ang pagpahid ng sunscreen na may SPF 30 o mataas pa tuwing dalawang oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabuti din na pakinggan ang paalala ni Dayanara na kapag may napansing kakaiba sa katawan, tulad kung may nunal na maaaring cancerous, patignan ito kaagad sa doktor. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles