;
embed embed2
  • May Rabies Ba Ang Kalmot Ng Pusa? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto

    Isang "neglected disease" ang rabies, ayon sa DOH.
    by Jocelyn Valle .
May Rabies Ba Ang Kalmot Ng Pusa? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nakikipaglaro sa alagang pusa, hindi maiiwasan na mangalmot ito. Malamang makakampante ka dahil alaga mo naman ito at kalmot lang naman ang natamo mo. Pero mapapaisip ka siguro kung may rabies ba ang kalmot ng pusa kung hindi mo ito alaga.

    Oo, bukod sa kagat ng pusa o iba pang hayop, puwedeng magkuha ang rabies mula sa kalmot ng pusa o iba pang hayop.

    May paliwanag ang mga eksperto ng Philippine Pediatric Society (PPS) sa isang fact sheet: “Bites and scratches by an animal’s paw can transmit rabies. The same is true for licks on open wounds and on mucous membranes such as the eyes, mouth, and genitals. Exposures on the head, face, and neck are especially dangerous.”

    Sang-ayon diyan si Dr. Maricelle Licuanan Resurreccion, ang founder ng Philippine Pet Birth Control Center (PPBCC). Aniya sa isang news report, maaaring maipasa ng infected na pusa, aso, o iba pang hayop ang rabies virus kapag nilawayan nila ang kanilang mga kuko at saka nangalmot ng tao.

    Mga dapat malaman tungkol sa rabies

    Isang viral disease ang rabies. Nagkakaroon nito ang tao kapag nakagat ng aso, pusa, o iba pang hayop na infected ng virus. Puwede ring maipasa ito kapag nalawayan ng infected na hayop ang sariwang sugat ng tao.

    Malaking problema ang rabies sa higit 150 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Libo-libo raw ang namamatay mula sa rabies, partikular sa Asia at Africa. Halos 40% naman ng mga nakakagat ng aso, pusa, at iba pang hayop ay mga bata na wala pang 15 years old.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH), tinuturing na "neglected disease" ang rabies. Ito raw kasi ay 100% nakakamatay (fatal) pero 100% din namang naiiwasan (preventable). Kaya layunin ng ahensiya na maging rabies-free ang bansa sa Taong 2022 sa pamamagitan ng kanilang Rabies Prevention and Control Program.

    Payo ng mga eksperto na maging responsableng pet owner. Kailangan daw na regular na dalhin ang alagang pusa o di kaya aso sa veterinarian kahit wala itong malalang sakit. Maging ikaw mismo ay dapat na makatanggap ng rabies vaccine.

    Anong dapat gawin kapag nakalmot ng pusa

    Kapag nagtamo ng kalmot ng pusa, lalo na sa hindi mo kakilala o iyong pusang gala, mainam na komunsulta sa doktor. Ito ang bilin ni Dr. Stephen Sayles III, isang emergency medicine physician sa Cleveland Clinic. Aniya, kailangan itong gawin sa loob ng walong oras para mabawasan ang panganib ng infection.

    Sabi pa ni Dr. Sayles III, tumataas ang tyansa ng infection ng mga taong may diabetes o di kaya mahina ang immune system (immunocompromised). Baka kailangan nilang maturukan ng antibiotics at maospital pa. Posible kasing may taglay na bacteria ang nangalmot na pusa.

    Bukod sa rabies, may iba pang sakit na mula sa kalmot ng pusa. Ito ang tinatawag na cat scratch disease, isang bacterial infection na makukuha din kapag nakagat ng pusa o di kaya nadilaan nito ang sugat mo.

    Payo ni Dr. Sayles III na gawin ang kalmot ng pusa first aid. Una, subukang matanggal ang bacteria mula sa kalmot ng pusa gamit ang tubig. Pagkatapos, hugasan ito gamit naman ang mild soap. Kung patuloy ang pagdudugo, punasan ito ng malinis na tela at pahiran ng antibiotic cream, na mabibili over-the-counter.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pag dating naman sa doktor, lilinisin ulit ang sugat at papahiran ng antibiotic cream. Magrereseta raw ng antibiotics, tulad ng Augmentin, para malabanan ang infection. Sasabihan ka rin daw na kumuha ng tetanus vaccine kung wala ng bisa ang huli mong bakuna o knng hindi ka pa nakakatanggap nito kailanman.

    Mainam din na maging bukas sa pagtatanong sa doktor kung may rabies ba ang kalmot ng pusa nang maliwanagan at makampante ang iyong kalooban.

    Basahin dito para malaman naman kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
//Email SCID Mapping// //Email SCID Mapping//