Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Mga Institusyong May Libre O Abot-Kayang Psychiatric Services

    Pakiramdam mo ba ay may postpartum depression ka o di kaya ay tingin mo depressed ang anak mo?
    by Ana Gonzales .
Mga Institusyong May Libre O Abot-Kayang Psychiatric Services
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan lamang ay may lumapit sa Smart Parenting Village para humingi ng recommendations ng mga doktor o institusyong nag-ooffer ng libre o di naman kaya ay abot-kayang psychiatric services. Agad namang nag recommend ang mga nanay at tatay sa Village, dahil na rin sa kanilang paniniwala na bawat maliit na sintomas ng depression na makita sa ating mga anak ay dapat agad na pinagtutuunan ng pansin. 

    Kaya’t kung nagdududa ka na may depression ang anak mo o di naman kaya ay kailangan mo ng counseling para sa iyong sariling mental health, narito ang ilan sa mga maaari mong tawagan: 

    LIBRENG SERBISYO

    Amang Rodriguez Memorial Medical

    Telephone Number: (02) 8941 5854

    Consultation Hours: 8AM to 5PM

    Location: Sumulong Highway Sto. Niño, Marikina

    Mayroon silang libreng basic consultations at mga tinatawag na psychotherapeutic techniques para sa mga pasyente. Kailangan mo lang mag-book in advance dahil may cutoff ang kanilang registration.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Philippines General Hospital

    Telephone Number: (02) 554-8400  loc. 2436 or 2440

    Consultation Hours: 24 Hours

    Location: Manila Astral Tower, 1730 Taft Ave, Ermita, Manila

    Bente kwatro oras namang bukas ang librang psychiatric consultations dito sa PGH. Kailangan mo lang ding mag-book ng appointment in advance dahil madalas ay mahaba ang waitlist nila. 

    UST Graduate School’s Psychotrauma Clinic

    Telephone Number: (02)406-1611 loc. 4012

    Consultation Hours: Martes hanggang Sabado, 10AM to 5PM

    Location: Ground Floor, Thomas Aquinas Research Complex Building

    Nago-offer sila dito ng libreng assessment, evaluation, at counseling. Bukod pa rito, mayroon din silang individual at group therapy. 

    Ateneo Center for Family Ministries

    Contact Numbers: (02) 426-4289 to -92 or 0927-8639346

    Consultation Hours: Scheduled by appointment

    Location: Seminary Drive, Ateneo de Manila Campus, Loyola Heights, Quezon City

    Kung gusto mo naman ng psycho-spiritual approach, dito ka maaaring pumunta. Mayroon din silang libreng psychiatric consultation. Maaari ring ang inyong buong pamilya ang sumailalim sa counseling dahil meron din silang family consultations.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    ABOT-KAYANG SERBISYO

    National Center for Mental Health

    Phone Numbers: (02) 8531 9001 at (02) 8531 9002

    Consultation Hours: Lunes hanggang Biyernes (maliban sa Huwebes)

    Location: Nueve de Pebrero St., Mauway, Mandaluyong

    Hindi man libre rito, mas mura pa rin ang kanilang fees kumpara sa ibang mga institusyon. Ang consultation sa kanila ay nagkakahalaga ng Php400. Ang maganda rito ay nagbibigay sila ng libreng gamot sa mga pasyente. 

    Amara Counseling and Training Center

    Email: amaracenter2015@gmail.com

    Consultation Hours: Weekdays, 10AM to 6PM

    Location: 3 Ligaya, Isidora Hills, Quezon City

    Ito ay isang Christian organization na nag-ooffer ng iba’t ibang uri ng counseling. Mayroon silang individual, couple, at family. Mayroon din silang psycho-educative seminars at workshops. Nagkakahalaga ng mula Php500 hanggang Php1,200 ang kanilang mga serbisyo. 

    More from Smart Parenting

    Philippine Mental Health Association

    Phone Number: (02) 9214958

    Email: eis@pmha.org.ph

    Consultation Hours: 7AM to 4PM

    Location: 18 East Ave, Diliman, Quezon City

    Ang non-profit organization na ito ay naglalayong palawakin pa ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mental health. Mayroon silang mga psychiatric services kung saan ka makakakuha ng diagnostic assessment at evaluation para mas mapabuti ang iyong overall mental health. Mayroon din silang psychological services na mas komprehensibo para makatulong sa anumang indibidwal o pampamilyang issues na kailangan ninyong maresolba. Ang serbisyo nila ay nagkakahalaga ng Php1,000 para sa mga adults at Php1,500 para sa mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bukod sa mga ito, inirekomenda rin ng mga nanay sa Village ang Christ the King sa may E. Rodriguez, Quezon City na nag-ooffer ng counseling sa halagang Php1,000 pababa. Nirekomenda rin ng mga nanay ang Jose Abad Santos Medical Hospital na malapit sa Binondo church. Ayon sa mga nanay, may mga psychiatrists doon na nago-offer ng libreng serbisyo. Maaari mo ring tignan ang website ng #MentalHealthPh para sa iba pang institusyon na maaaring makatulong.

    Tandaan na ang mental health mo at ng iyong buong pamilya ay kasing halaga ng iyong physical health. Hindi mo dapat ipagsawalang bahala kung may nararamdaman ka mang kakaiba tulad ng persistent na kalungkutan, kawalan ng pag-asa o drive, at hindi nawawalang bigat ng pakiramdam. Kumonsulta agad sa mga medical professionals upang mabigyan ka ng tulong na akma sa iyong kundisyon.

    Hindi ka nag-iisa. Maaari kang sumali sa aming online community na Smart Parenting Village para makasalimuha mo ang iba’t-ibang uri ng ina at maramdaman mong mayroon kang kasama sa kabila ng mga challenges na kaakibat ng pagiging nanay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles