embed embed2
  • At Risk Ka Ba? Mga Palatandaan Ng Sakit Sa Atay At Paano Iwasan Ang Ganitong Karamdaman

    Inaalagaan mo bang mabuti ang atay mo?
    by Ana Gonzales .
At Risk Ka Ba? Mga Palatandaan Ng Sakit Sa Atay At Paano Iwasan Ang Ganitong Karamdaman
PHOTO BY Shutterstock/Opat Suvi
  • Napakahalagang bahagi ng katawan mo ang iyong atay dahil marami itong ginagawa para sa iyo. May kinalaman ang mga ito sa iyong metabolism at energy storage. Atay rin ang nangunguna sa pagsala ng dumi sa iyong katawan.

    Ayon sa Healthline, ito ang punong-abala para i-filter ang mga toxic substances na maaaring nasa dugo mo.

    Ano ang sakit sa atay?

    Ang sakit sa atay o liver disease ay mga kondisyon o karamdamang may kinalaman sa iyong atay. Iba't-iba ang maaaring pagmulan ng mga ito.

    Anu-ano ang mga malimit na sintomas ng sakit sa atay?

    Bagaman iba-iba ang mga sakit sa atay, mayroon ang mga ito ng tinatawag na common symptoms. Kabilang dito ang mga sumusunod:

    • jaundice o paninilaw ng mga mata at balat
    • dark urine
    • black or bloody stool
    • pamamaga ng binti o tiyan
    • nausea
    • pagsusuka
    • kawalan ng ganang kumain
    • fatigue
    • pangangati ng balat
    • mabilis na pagsusugat ng balat

    Anu-ano ang mga sakit sa atay?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming mga karamdamang maaaring makaapekto sa iyong atay. Narito ang ilan sa mga malimit makira ng mga medical professionals:

    Hepatitis

    Ito ay isang viral infection sa atay. Nagdudulot ito ng pamamaga at pagkasira ng atay kaya nahihirapan itong gawin ang mga dapat nitong trabaho o basic functions.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahat ng klase ng hepatitis ay nakakahawa ngunit dahil sa bakuna, maaari mo nang maiwasang magkaroon nito.

    May limang uri ng hepatitis:

    • Hepatitis A na nakukuha sa maruming tubig at pagkain
    • Hepatitis B na maaaring maipasa sa pamamagitan ng mga bodily fluids tulad ng dugo at semilya
    • Hepatitis C na maaaring maipasa sa pamamagiran ng dugo
    • Hepatitis D na maaaring ma-develop ng mga taong may Hepatitis B
    • Hepatitis E na maaaring makuha sa pag-inom ng maruming tubig

    Fatty liver disease

    Mayroon itong dalawang klase. Nariyan ang alcoholic fatty liver disease na nakukuha dahil sa labis na pag-inom ng alak.

    Samantala, mayroon ding nonalcoholic fatty liver disease. Kasalukuyan pa lamang pinag-aaralan ng mga ekspero kung paano ito nakukuha.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag hindi mo ipinagamot ang dalawang klase ng fatty liver disease na ito, maaari itong maging sanhi ng cirrhosis at liver failure.

    Mabisang panlaban dito ang maayos at healthy na lifestyle, kasama pa ang pagkain ng mga masusutansiyang pagkain.

    Liver cancer

    Ayon sa mga eksperto, ang mga kumplikasyon na mula sa mga liver diseases ay ang siyang maaaring pagsimulan ng liver cancer.

    Cirrhosis

    May kakayahan ang atay na maghilom ngunit nag-iiwan ito ng peklat—mas maraming scar tissues, mas mahihirapan ang atay mo na gumana ng maayos.

    Maaari pang malunasan ang cirrhosis sa pamamagitan ng paggamot sa underlying cause o ang pinagmumulan ng pagsusugat ng atay.

    Liver failure

    Nangyayari ang liver failure kapag mayroon nang bahagi ng atay na malala na ang sira. Maaaring mangyari ito kung mayroon kang liver disease at cirrhosis na napabayaan.

    Kapag hindi ka agad nagpagamot, mapapansin mo ang mga sintomas tulad ng jaundice, diarrhea, fatigue, at nausea.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At risk ba ako sa mga sakit sa atay?

    Maraming maaaring pagmulan ang mga sakit sa atay ngunit ang pinakakilala ay ang labis na pag-inom ng alak.

    Sabi ng Centers for Disease Control and Prevention, maituturing na labis na pag-inom ng alak ang higit na walong alcoholic drinks sa isang linggo para sa mga babae, habang higit sa 15 alcoholic drinks naman para sa mga lalaki.

    Ang iba pang mga risk factors ay:

    • sharing needles
    • pagpapatattoo o pagpapabutas ng katawan gamit ang mga non-sterile needles
    • pagkakaroon ng trabaho kung saan exposed ka sa dugo at iba pang bodily fluids
    • pakikipagtalik nang walang proteksyon
    • pagkakaroon ng diabetes o mataas na kolesterol
    • pagkakaroon ng family history ng liver disease
    • pagiging masyadong mataba
    • labis na exposure sa mga toxins at pesticides
    • labis na pag-inom ng ilang mga supplements
    • pag-hahalo ng gamot at alak

    Paano natutukoy ang sakit sa atay?

    Depende ito sa mga nararamdaman mong sintomas. Malimit ang unang itatanong sa iyo ay ang iyong drinking at eating habits.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tatanungin ka rin nila kung may mga iniinom ka bang over-the-counter na gamot o kung mayroon ka bang mga vitamins at supplements.

    Sa mga impormasyong ito nila ibabase kung kailangan mo ba ng mga sumusunod:

    • liver function test
    • blood count test
    • CT scans, MRIs, o ultrasound
    • liver biopsy

    Paano ginagamot ang sakit sa atay?

    Para sa ilan, sapat na ang lifestyle change. Mahalagang limitahan ang pag-inom ng alak, panatilihin ang tamang timbang, uminom ng maraming tubig, at bawasan ang mga pagkaing matatamis, maaalat, at masyadong mataba.

    Kung mayroon ka nang sakit sa atay, maaari kang bigyan ng mga medical treatments na tulad ng:

    • antiviral drugs
    • antibiotics
    • blood pressure medication
    • steroids

    Maaari ka ring resetahan ng doktor ng mga vitamins at supplements para mas maging malusog ang atay mo.

    Kung hindi na talaga maaagapan ang iyong sakit sa atay, maaaring alisin sa pamamagitan ng operasyon, ang bahaging sira na.

    Kaya naman para hindi umabot sa ganito, makabubuting simulan na ang pagkakaroon ng healthy at balanced lifestyle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles