;
embed embed2
  • Maaaring Magkaroon Ng Goiter Kung Buntis O Lumaki Pa Kung Meron Ka Bago Nabuntis

    Ano ang kinalaman ng pagbubuntis sa goiter?
    by Jocelyn Valle .
Maaaring Magkaroon Ng Goiter Kung Buntis O Lumaki Pa Kung Meron Ka Bago Nabuntis
PHOTO BY Shutterstock/JiBJhoY
  • Kapag napapansin mo sa salamin ang tila pagkapal ng iyong leeg at nasasabihan na rin ng ibang tao na mas malaki ito kesa sa normal, mainam na magpatingin sa doktor. Baka kasi sintomas na pala ito ng goiter. 

    Ang goiter, ayon sa Mayo Clinic, ay ang abnormal na paglaki ng thyroid gland. Nakikita ang thyroid sa pinakababang bahagi ng leeg, bandang ilalim ng Adam’s apple, at hugis butterfly ito. Kadalasang painless, pero pag lumaki masyado, nagdudulot ng iba pang karamdaman.

    Gumagawa ang thyroid gland ng hormones na thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3). Malaki ang papel na ginagampanan nila sa ilang bodily functions, gaya ng body temperature, mood at excitability, pulse rate, at digestion.

    Uri ng goiter

    Iba-iba ang sanhi ng goiter, sabi naman ng Cleveland Clinic, depende na lang sa uri nito.

    Simple

    Nagkakaroon ng simple goiter kapag ang thyroid gland ay hindi gumagawa ng sapat na hormones para sa pangangailangan ng katawan. Kaya lumalaki ito bilang pagbawi sa kakulangan na iyon.

    Endemic

    Nangyayari ang endemic goiter sa mga taong nakatira sa mga parte ng mundo na hindi nakakakuha ng sapat ng iodine mula sa kanilang pagkain. Nagreresulta ito sa iodine deficiency. Kailangan kasi ang iodine para makagawa ng thyroid ng hormones.

    Sporadic

    Walang isang sanhi lang ang sporadic goiter. Halimbawa, may mga kaso na sangkot ang paggamit ng gamot tulad ng lithium.

    Risk factors ng goiter

    Malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng goiter kung:

    • May goiter na sa pamilya mo, kadalasan ang nanay
    • Babae ka
    • Lampas 40 ang iyong edad
    • Meron kang health condition tulad ng Graves’ disease, Hashimoto disease, nodular goiter, thyroid cancer, at thyroiditis
    • Nagkaroon ka ng exposure sa raditation
    • Buntis ka
    • Nasa menopause stage ka na
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang kinalaman ng pagbubuntis sa goiter?

    Maaari kang magkaroon ng goiter kapag buntis dahil sa human chorionic gonadotropin. Ito ang hormone na ginagawa ng katawan sa panahon lamang ng pagbubuntis. May posibilidad na lumaki ang thyroid dahil sa hormone na ito. 

    Kung may goiter na bago pa magbuntis, puwedeng lumaki pa ito. Nagbigay ng paliwanag ang magkapatid na Dr. Daryl Jade T. Dagang at Dr. Jasper Philip T. Dagang sa isang talakayan tungkol sa goiter.

    Si Dr. Daryl Jade ay isang otolaryngologist at head-and-neck surgeon, habang internal medicine specialist at endocrinologist naman si Dr. Jasper Philip.

    Anila, “May mga pagkakataon na lumalaki lalo ang goiter ng mga nagbubuntis. Ito ay may kinalaman sa pagbabago ng mga hormones sa katawan ng babae na dala ng pagbubuntis. Lalo itong napapansin pagkatapos manganak.

    “Kapag nabuntis ang isang babaeng may goiter, mainam na regular na magpakonsulta sa isang endocrinologist para ma-monitor ang thyroid hormones habang nagbubuntis. Importante na mayroong balanseng hormones sa katawan para sa kapakanan ng nanay, pati na rin ng sanggol sa nasa sinapupunan. Upang hindi magkaroon ng problema sa thyroid.

    “Ang pag-ire habang nanganganak ay hindi rin nagdudulot ng goiter. Hangga’t balanse ang hormones ng nanay, maaari siyang manganak nang normal at hindi kailangan sa pamamagitan ng Cesarean section.”

    Mga sintomas ng goiter sa loob at labas

    May tinatawag ang mga Pinoy na goiter sa loob at sa labas. Wala naman daw pinagkaiba, ayon sa magkapatid na doktor. Mas halata lang daw ang goiter sa labas dahil may kalakihan ang umbok sa leeg. Samantala, hindi kaagad napapansin ang pagbabago sa leeg kapag naman goiter sa loob.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pinunto rin ng iba pang medical sources na hindi lahat ng taong may goiter ay nakakaranas ng parehong mga sintomas ng goiter. Ngunit kadalasan, narito ang ilan sa kanilang mga nararamdaman:

    • Pamamaga sa pinakababang parte ng leeg, na nagiging mas halata pa kapag naglalagay ng makeup o di kaya nag-aahit
    • Paninikip ng lalamunan
    • Pag-ubo
    • Pagkamalat ng boses
    • Hirap sa paglunok
    • Hirap sa paghinga
    • Pakahilo kapag tinataas ang mga braso

    Para makasiguro na mayroon kang goiter batay sa mga sintomas, simulan sa telemedicine nang makausap agad ang doktor. Sa kanya mo malalaman ang susunod na hakbang tungo sa tamang treatment.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles