embed embed2
Labis Na Pananakit Ng Ulo At Iba Pang Mga Sintomas Ng Migraine Na Dapat Mong Malaman
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Para bang binabarena sa sobrang sakit ng ulo ang pakiramdam mo kung minsan?

    Karaniwang karamdaman ng mga tao sa buong mundo ang pananakit ng ulo. Maraming uri ng sakit ng ulo, kagaya ng tension headache, sinus headache, cluster headache, migraine, at iba pa. Kapag migraine ang nararanasan, katamtaman hanggang sa malala ang sakit na mararamdaman.

    Ano ang migraine?

    Ang salitang migraine ay nagmula sa Latin na salitang “hemicrania,” na half-skull ang kahulugan, ayon sa medical article na nailathala sa United States National Library of Medicine. Unang ginamit ang salitang migraine ng Greek physician na si Galenus of Pergamon.

    Sa vlog naman ni Dr. Gary Sy, ipinaliwanag niyang kumpara sa ibang mga pagsakit ng ulo, one-sided lamang ang migraine at mayroon itong iba-ibang mga phase at trigger.

    Kung ikaw ay na-diagnose na may migraine, siguradong alam mong para bang tumitibok at talagang napakasakit nito sa isang bahagi ng iyong ulo. Maaari rin itong maramdaman sa leeg at mukha. Tipikal na may kaugnayan ang migraine sa pagiging sensitibo sa liwanag, ingay, at/o mga amoy.

    Migraine triggers

    May mga partikular na dahilan kung bakit biglang umaatake ang migraine, at tinatawag ang mga ito na triggers. Ilan sa triggers ng migraine ang mga sumusunod:

    • Gutom
    • Alcohol
    • Dehydration
    • Ilang klase ng pagkain
    • Regla o menstruation
    • Matatapang na mga amoy
    • Teeth grinding (habang natutulog)
    • Pagbabago sa lagay ng panahon
    • Kakulangan sa tulog o pagpupuyat
    • Mga pagbabago sa iskedyul (halimbawa, sa oras ng pagkain)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas

    Ang nausea, o ang pagkahilo na parang nasusuka, ay isa sa pinakakaraniwang sintomas ng migraine. Mas lumalala ito kapag kumikilos ka. Kasama sa resulta ng medical condition na ito ang patient disability. Sa maraming paraan, katulad ang migraine ng alcohol-related hangovers. 

    Napagkakamalang sinus headache ang migraine kapag sa mukha ito nararamdaman. Napagkakamalan namang arthritis o muscle spasm kapag sa bandang leeg ang sumasakit.

    Higit na nagiging komplikado ang diagnosis ng migraine kapag may iba pang "sinus like" symptoms katulad ng watery eyes, nasal congestion, at facial pressure. Karamihan din sa mga pasyenteng nag-iisip na mayroon silang sinus headache ay may migraines.

    Ayon sa Johns Hopkins Medicine, nasa 25 porsyento ng pasyente ang nakararanas din ng aura bago magkaroon ng migraine. Ang aura ay "temporary neurological syndrome" na dahan-dahang nagpo-progress at nareresolba sa oras na magsisimula ang pananakit.

    Kabilang sa pinakakaraniwan uri ng migraine aura ang ganitong visual disturbances:

    • Flashing lights
    • Zigzags
    • Blind spots

    Marami ding nakararanas ng mga sumusunod:

    • Pagkamanhid
    • Pagkalito
    • Hirap sa pagsasalita
    • Vertigo (spinning dizziness)
    • Iba pang stroke-like neurological symptoms

    May iba ring mga pasyente na nakararanas ng auras nang walang kasabay na pananakit ng ulo.

    Apat na phases ng migraine

    Ipinaliwanag ni Dr. Gary Sy ang detalyadong mga sintomas na nararanasan ng mga may migraine:

    Prodrome

    Ito ang preheadache o premonitory phase. Tumatagal sa loob ng tatlong oras hanggang ilang araw ang ganitong mga sintomas:

    • Problema sa pagko-concentrate
    • Pagiging iritable at depressed
    • Hirap sa pagsasalita at pagbabasa
    • Hirap sa pagtulog; madalas ang paghikab
    • Nausea at labis na pagod
    • Pagiging sensitibo sa liwanag at tunog
    • Food cravings
    • Madalas na pag-ihi
    • Paninigas ng kalamnan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aura

    Tumatagal sa loob ng 5 hanggang 60 minuto ang ganitong mga sintomas:

    • Blind spots
    • Pagkamanhid o tingling skin
    • Pagbabago sa pagsasalita
    • May tumutunog sa tainga (tinnitus)
    • Pansamantalang pagkawala ng paningin
    • May nakikitang wavy o jagged na mga linya
    • Pagbabago sa pang-amoy o panlasa
    • Kakatwang pakiramdam
    • Maliwanag at nagfa-flash na mga tuldok, may kumukutitap o maliwanag

    Pananakit ng ulo o headache

    Tumatagal mula 4 hanggang 72 oras ang mga ganitong sintomas:

    • Labis na pagod
    • Panlalambot ng anit
    • Pagbabago sa pagsasalita o speech
    • Pagiging sensitibo sa liwanag, ingay, at mga amoy
    • Nausea at pagsusuka
    • Pananakit ng tiyan
    • Kawalan ng gana sa pagkain
    • Naiinitan (pagpapawis) o giniginaw (chills)
    • Maputla ang kulay ng balat (pallor)
    • Pagkahilo at malabong paningin
    • Pagtatae (madalang o rare)
    • Lagnat (madalang o rare)

    Postdrome

    Ito ang migraine hangover. Mula isa hanggang dalawang araw bago mawala ang ganitong mga sintomas:

    • Hindi kayang mag-concentrate
    • Pagiging depressed
    • Labis na pagod
    • Hindi kayang umunawa ng mga bagay-bagay
    • Pakiramdam ng euphoria

    Sino ang karaniwang nagkakaroon ng migraine?

    Ayon sa mga paga-aral, karaniwang mga babae ang mas nakararanas ng migraine kaysa sa mga lalaki. Sa Estados Unidos, mahigit sa 12% ng adult population ang apektado nito.

    Madalas ding namamana ang migraine. Karaniwang nararanasan na ito mula sa elementarya hanggang early adulthood. Sinasabi ring nawawala ang migraine sa paglipas ng panahon, ngunit maaaring umatake anomang oras. 

    Hindi lamang ito ang pinakakaraniwang sanhi ng nauulit at mapaminsalang pananakit ng ulo kundi pinakakilala ring sanhi ng disabling chronic, daily headache pain.

    Migraine ang pangunahing inirereklamo ng mga pasyente ng mga neurologist. Marami ding mga kaso na sinusuri ng primary care physicians.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diagnosis ng migraine

    Walang ibang sanhi ang migraine na makikita sa mga pagsusuri, kahit pa sa brain magnetic resonance imaging (MRI). Hindi rin inirerekomenda ng mga eksperto ang brain imaging.

    Sa ma malalalang kaso, sinusuri kung ang mga sintomas ay tipikal sa nararanasan ng mga mayroong migraine. Normal din ang pagsailalim sa mga masusing neurological examination.

    May tinatawag ding familial hemiplegic migraine. Resulta ito ng single genetic mutation sa isa sa apat na kilalang genes.

    Walang genetic tests para sa karamihan ng mga pasyente ng migraines. Dahil hindi natutukoy ang medical condition na ito sa pamamagitan ng scan o blood test, ang diagnosis ay itinuturing na clinical. Ibig sabihin, ang kumpirmasyon ay mula sa isang experienced physician.

    Treatment ng migraine

    Ang migraine na malala, madalas, o may kasabay na iba pang neurological symptoms ay binibigyan ng preventive treatment. Kasama rito ang kombinasyon ng pagbabago sa diet at pang-araw-araw na pamumuhay. Nagrerekomenda rin ng vitamins at daily prescription medications. 

    Ilan pa sa preventive medications ay ginagamit din sa iba pang medical purposes, katulad ng sumusunod:

    • Blood pressure drugs
    • Antidepressants
    • Epilepsy medications

    Mainam kapag maagang treatment ang maibibigay sa pasyenteng dumaranas ng individual headache attacks. Kabilang din sa mga gamot na inirereseta ang sumusunod:

    • Triptans
    • Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
    • Anti-emetics (anti-nausea)
    • Narcotics or steroids

    Madalas na tumatagal ang migraine sa loob ng ilang oras hanggang sa ilang araw. Nakikinig din naman ang migraine sa ilang ispesipikong treatments. Para sa mga kasong malala ang migraine ng pasyente, o chronic na ito, mahirap ang nagiging gamutan lalo kung napabayaan ang pananakit ng ulo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo rin ng doktor ang mga sumusunod:

    Kung inaatake ng migraine, makatutulong ang black coffee upang maibsan ang sakit ng ulo. Kung hindi inaatake ng migraine, ang pag-inom naman ng kape ang maaaring maging trigger nito.

    Tandaang dapat iwasang maging chronic ang pagsakit ng ulo. Balikan ang nabanggit na triggers at sikaping malayo sa mga ito kung ikaw ay may migraine. Kung mayroong intermittent migraine na nararanasan, agad nang komunsulta sa iyong doktor.

    Read also: Frequent Headaches? A Stanford Doctor's 3-Step Guide To Manage

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles