-
Mga Alternatibo sa Morning-After Pill sa Pilipinas
by Graciella Musa and Rachel Perez .
- Shares
- Comments

Nakakagulat ang datos na nagsasabing ang "morning-after Philippines" ay katagang madalas i-search online. Ito ay dahil madaling solusyon ang emergency contraception (gaya ng morning-after pill) sa mga kababaihang nakipagtalik nang walang proteksyon, pati sa mga pagkakataong hindi naging matagumpay ang paggamit ng birth control (gaya ng pagkapunit o pagkatanggal ng condom habang nakikipagtalik), kapag nakaligtaang uminom ng birth contol pills, o kaya kapag napuwersa ang babae na makipagtalik.
Sa kasamaang palad, ang Pilipinas ay isa sa 22 bansa sa buong mundo na aktibong kumokontra sa emergency contraception. Maari mang bumili ng birth control ang mga kababaihan sa ilalim ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2002, hindi kabilang sa listahan ang emergency contraception, tulad ng morning-after pill.
Paano gumagana ang emergency contraception
Ang emergency contraception ay HINDI nagdudulot ng aborsyon. Ayon sa mga medikal na institusyon at sa U.S Food and Drug Administration (FDA), ang emergency contraception ay hindi pagpapalaglag. Ang ginagawa nito ay binabawasan ang posibilidad na mabuo ang bata sa sinapupunan.
Base sa pagkakalarawan ng BirthControl.com: Ang babae ay hindi agad-agad nabubuntis pagkatapos makipagtalik. Ang sperm ay nananatili muna sa reproductive system ng babae hanggang anim na araw upang maghintay ng egg para i-fertilize. Dito nagiging mahalaga ang tamang timing sa paggamit ng emergency contraception — kailangan itong inumin sa loob ng tatlo hanggang limang araw matapos makipagtalik. Bilang resulta, maantala ang ovulation o mapipigilan ang obaryo na maglabas ng egg, at mahaharangan ang spem sa pagsanib sa egg.
What other parents are reading
Uri ng emergency contraception
Ayon sa Planned Parenthood, isang non-profit organization na nagkakaloob ng mahalagang reproductive health care, sex education, at impormasyon sa milyun-milyong kababaihan, kalalakihan, at kabataan sa mundo, mayroong tatlong uri ng emergency contraception:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCopper IUD
Kilala rin bilang non-hormonal IUD, ang copper IUD ay isang maliit na aparatong hugis-T na ipinapasok sa loob ng matris. Ang nakapulupot na copper wire ay lumilikha ng reaksyon na mapanganib sa spem at egg, kaya napipigilan ang tuluyang pagbubuntis.
Ang copper IUD ay kinakailangang maipasok sa matris ng babae sa loob ng limang araw matapos makipagtalik nang walang proteksyon. Kailangan ng reseta ng doktor at gabay ng medikal na propesyunal para ilagay ito sa matris.
Ang IUD ang itinuturing na pinaka-epektibong uri ng emergency contraception. Mas mura rin ang Copper IUD kumpara sa ibang contraceptive na gamit ay hormones. Libre din ang IUD sa ilang mga lokal na health center.
Emergency contraceptive pills (ECP)
Dapat inumin ang emergency contraceptive pills (ECP), o mas kilala sa tawag na morning-after pill, sa loob ng tatlo hanggang limang araw matapos ang pakikipagtalik nang walang proteksyon. Ito ang karaniwang solusyon para sa maraming kababaihan dahil ito ay mas mura, at mas madali ring makakuha nito kumpara sa copper IUD.
Tinatayang nasa 89 porsyento ang antas ng pagka-epektibo nito kung iinumin sa loob ng tatlong araw matapos ang pakikipagtalik nang walang proteksyon; gayunpaman, ipinakikita ng mga pag-aaral na hindi ito epektibo sa mga kababaihang may mataas na body mass index (BMI). Gayundin, ang ECP ay dapat lamang gamitin sa mga emergency. Para sa pang-matagalang birth control method na angkop sa iyo, kumonsulta sa iyong doktor.
Mayroong dalawang uri ng ECP, depende sa mga ingredients nito. Ang isa ay ang tabletang may ulipristal acetate at ang isa pa ay ang tabletang may levonorgestrel. Pareho itong hindi matatagpuan sa Pilipinas. Maaari lang makabili nito sa labas ng bansa ngunit asahang mahal ang presyo nito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowTabletang may ulipristal acetate
Ito ay matatagpuan lamang sa U.S (sa brand name na "ella”) at sa Europe (sa brand name na "ellaOne"), at ibinebenta lamang kung nakareseta. Itinuturing itong mas matapang at mas epektibong uri ng ECP kumpara sa morning-after pill na naglalaman ng levonorgestrel. Maaari itong inumin sa loob ng limang araw matapos ang pakikipagtalik nang walang proteksyon. Epektibo pa rin ito kahit inumin sa unang araw o ikalimang araw matapos ang pakikipagtalik.
Tabletang may levonorgestrel
Ang ECP na ito ay nagtataglay ng brand names na "Plan B One-Step," "My Choice," "My Way," "Aftera," at iba pa. Maaaring hindi na ito mangailangan ng reseta, depende sa edad ng babae at kung saan siya bibili. Kailangan itong inumin sa loob ng tatlo hanggang limang araw matapos ang pakikipagtalik nang walang proteksyon. Mas mataas ang tsansang maging epektibo ito kung mas maaga itong maiinom matapos ang pakikipagtalik.
What other parents are reading
Ang Yuzpe Method
Kahit pa walang ECP sa Pilipinas, mayroong mga alternatibo. Ang ilan sa mga contraceptive pills na mabibili sa Pilipinas ay naglalaman ng levonorgestrel, na parehong ingredient na matatagpuan sa morning-after pill. Isa itong synthetic form ng hormone na progesterone, kaya ginagamit ito sa progestin-only pills (mini-pill), combination pills, pati iyong naglalaman ng progestin at estrogen.
Bilang alternatibo sa morning-after pill, ang babaeng nakipagtalik nang walang proteksyon ay maaaring uminom ng malakas na dose ng contraceptive pills gaya ng sinasabi sa Yuzpe method ng World Health Organization (WHO). Sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng contraceptive pills sa isang tiyak na schedule at dosage, maaari nitong mapigilan ang pagbubuntis bago pa man ito magsimula.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng contraceptive pills na maaaring inumin, sang-ayon sa Yuzpe method, ay iyong mayroong ingredients na ethinylestradiol (100 μ) na may levonorgestrel (0.5 mg) o high-dose levonorgestrel (0.75 mg). Inumin ang unang dose sa loob ng 72 oras ng pakikipagtalik nang walang proteksyon, at muling uminom pagkalipas ng 12 oras matapos ang unang dose. Mas mataas ang tsansang mapigilan ang pagbubuntis kung mas maaga itong maiinom matapos ang pakikipagtalik.
Kabilang sa mga contraceptive brands na angkop sa Yuzpe method ay Nordette, Trust Pills, Lady, Charlize, Seif, Femenal, at Nordiol. Ang mga brands na ito ay naglalaman ng levonorgestrel, o levonorgestrel at ethinylestradiol sa magkakaibang doses. Sa Yuzpe method, posible ang pag-inom ng apat hanggang limang tableta nang sabay-sabay. Ito ang dahilan kaya mahalaga pa rin ang pagkonsulta sa doktor bago subukan ang alternatibong ECP.
What other parents are reading
Sino ang maaaring gumamit ng emergency contraception
Kumpara sa hormonal birth control methods, karamihan sa mga babae ay maaaring gumamit ng emergency contraception. Gayunpaman, tulad ng ibang medikasyon, mayroong mga konsiderasyong kailangang isaalang-alang, gaya ng BMI, family at medical history, pati na rin kung ikaw ay nagpapasuso. Narito ang isang quiz mula sa Planned Parenthood upang malaman kung ano ang angkop na emergency contraception para sa iyo. Pero pinakamabuti pa rin na kumonsulta muna sa inyong doktor tungkol dito.
Kadalasan, ang IUD ay hindi inirerekomenda sa mga kababaihang mayroong allergies sa copper o sa iba pang ingredient na mayroon sa copper IUD; sa mayroong problema sa matris, sa mayroong pelvic inflammatory disease, sa nakakaranas ng vaginal bleeding, at sa mayroong kanser sa matris o cervix. Maaaring lumikha ng kumplikasyon ang IUD sa mga nakararanas ng mga nasabing kondisyon. Sa ilang pagkakataon, nalalaglag ang IUD nang hindi nalalaman ng babae.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga ECP naman na may mataas na dosage ng hormones ay maaring magdulot ng side effects gaya ng pagkahilo, pagkahapo, masakit na suso, sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at pagdagdag o pagbawas ng timbang. Maaari ring mas mapaaga ang regla, at maging mas malakas ang daloy nito kaysa karaniwan.
Kung maranasan ang pagsusuka pagkatapos uminom ng ECP, agad na kumonsulta sa doktor. Maaaring ipainom muli sa iyo ang tableta o resetahan ka ng ibang uri ng emergency contraception. Bumisita rin sa doktor sa lalong madaling panahon kung higit na mas malakas ang iyong regla kumpara sa karaniwan.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Your Alternatives to the Morning-After Pill in the Philippines

- Shares
- Comments