embed embed2
Linis Nang Linis, Kailangan Pantay, At Iba Pang Senyales Ng Obsessive-Compulsive Disorder
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Minsan ginagawa ng biro ang pagbansag ng "OC" sa taong hindi mapakali kapag makalat ang paligid o hindi matigil sa kakalinis hanggat may alikabok. Pero baka may malalim na dahilan sa ganitong pagu-ugali, tulad ng pagkakaroon ng obsessive-complusive disorder (OCD).

    Isa itong pangkaraniwan, pabalik-balik, at pangmatagalan na kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaisip ng may bagay na kailangan niyang gawin nang paulit-ulit. Nahuhumaling siya sa ganitong pagi-isip (obsession) at gawain (compulsion), ayon sa United States National Institute of Mental Health.

    Puwedeng magkaroon ng OCD ang kahit sino, bata man o adult. Pero lumabas na mas maraming kalalakihan ang kalahok sa isang maliit na paga-aral tungkol sa mga pasyente ng OCD na komukunsulta sa piling pribadong psychiatrist sa Metro Manila. Nailathala noong 2002 ang "Obsessive-compulsive disorder in the Philippines: a descriptive study" sa The Philippine Journal of Psychiatry.

    Hindi pa batid ang sanhi ng OCD, ayon sa mga eksperto. Pero tumataas ang tiyansa na magkaroon nito kung:

    • Meron sa pamilya na may OCD
    • May brain abnormalities
    • Nagkaroon ng mapait na karanasan habang bata, o childhood trauma 

    Mga sintomas ng obsessive-compulsive disorder

    Lumabas sa paga-aral na marami sa mga kalahok ang may contamination obsessions (ayaw mabahiran ng dumi, o dirt, dahil sa germs) at sexual obsessions (sa pagi-isip, litrato, gawain). Marami rin sa kanila ang may compulsion na paghuhugas ng mga kamay ng maraming beses at may ritwal pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming uri ng obsessions at compulsions, ayon sa International OCD Foundation:

    Common obsessions

    Ito ang mga hindi mapigilang pagi-isip.

    1. Contamination obsessions

    Takot na mabahiran ng mga bagay na inaakalang kontaminado o hindi malinis, tulad ng:

    • Body fluids (ihi, dumi)
    • Germs o anumang nagdudulot ng sakit (herpes, HIV, COVID-19)
    • Environmental contaminants (asbestos, radiation)
    • Household chemicals (panlinis, pandikit)
    • Dirt (alikabok, putik)

    2. Violent obsessions

    • Takot na sundin ang impulse na saktan ang sarili
    • Takot na sundin ang impulse na saktan ang ibang tao
    • Takot magkaroon ng imahe sa isip ng mga marahas o di kaya nakakahindik

    3. Responsibility obsessions

    • Takot na maging responsable sa isang bagay na may masamang resulta (sunog, pagnanakaw, aksidente)
    • Takot na makasakit ng ibang tao dahil sa pagiging pabaya

    4. Perfectionism-related obsessions

    • Kailangan pantay-pantay ang sukat at magkakapareho ang itsura ng mga bagay
    • Kailangan malaman o matandaan ang isang bagay at hindi titigil hanggat nagagawa ito
    • Takot na may mawaglit o makalimutan na impormasyon
    • Labis ang kagustuhan na maging perpekto at tama an ginagawa
    • Takot na magkamali

    5. Sexual obsessions

    Pagi-isip o pagkakaroon ng imahe sa isip ng mga bagay na may kaugnayan sa sex, tulad ng:

    • Takot na sundin ang anumang bagay na kinalaman sa sex
    • Takot na makasakit ng mga bata, kamag-anak, o iba pang tao
    • Takot sa mga agresibong asal sa ibang tao

    6. Religious/moral obsessions (scrupulosity)

    • Labis na paga-alala na baka magalit ang Diyos
    • Labis na paga-alala tungkol sa tama o mali, at moralidad

    7. Identity obsessions

    • Labis na paga-alala sa sariling sexual orientation
    • Labis na paga-alala sa sariling gender identity
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    8. Other obsessions

    • May kinalaman sa relasyon, tulad ng paghahanap sa "the one"
    • Pagkahumaling sa mga bagay na existential at philosophical, tulad ng kamatayan at kahulugan ng buhay
    • Takot na mamana ang pagu-ugali o di kaya mahawaan ng katangian ng ibang tao

    Common compulsions

    Ito ang mga hindi mapigilang gawin.

    1. May kinalaman sa paghuhugas at paglilinis

    • Labis na paghuhugas ng mga kamay o di kaya may partikular na paraan ng paghuhugas
    • Labis na pagliligo, pagsisipilyo, paga-ayos sa sarili, o di kaya paggamit ng banyo
    • Labis na paglilinis ng mga gamit sa bahay at iba pang mga bagay

    2. Paniniguro

    • Paniniguro na hindi nakakasakit ng kapwa
    • Paniniguro na hindi nakakasakit sa sarili
    • Paniniguro na walang masamang pangyayari
    • Paniniguro na walang ginagawang mali
    • Paniniguro na nasa kondisyon ang katawan

    3. Paulit-ulit

    • Paulit-ulit na pagbabasa o di kaya pagsusulat
    • Paulit-ulit na nakasanayang gawain (routine), tulad ng pagpasok o paglabas ng pinto, pag-akyat o pagbaba ng hagdan
    • Paulit-ulit na paggalaw ng katawan, tulad ng pagkurap, paghawak, pagtuktok sa mesa
    • Paulit-ulit na gawain, tulad ng tatlong beses dahil mainam ang tatlo

    4. Pagkahumaling sa isip (mental compulsions)

    • Nire-review sa isip ang mga gagawin para hindi makasakit sa sarili at ibang tao, pati na maiwasan ang panganib
    • Pagdadasal para maiwasan ang pinsala sa sarili at ibang tao
    • Pagbibilang habang may ginagawa para magtapos sa maayos o ligtas na numero
    • Pag-cancel o pagpapalit ng isip, tulad ng isang salita para maging mabuti ito

    5. Iba pang compulsions

    • Paga-ayos ng mga bagay sa tamang paraan hanggang bumuti ang pakiramdam, tulad ng pagpantay ng tabinging frame sa dingding
    • Pagtatanong o di kaya pagtatapat para makakuha ng assurance
    • Pag-iwas sa mga sitwasyon na maaaring magmulan ng obsession
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diagnosis at treatment

    Maraming tao na may OCD, partikular sa United States, ang nabibigayan ng diagnosis simula sa edad 19. Kaya mainam na komunsulta sa mental health professional kung nakakaranas ng mga sintomas at nagiging sagabal na ang mga ito sa pamumuhay.

    Kung ang diagnosis ay obsessive-compulsive disoder, magrereseta ang doktor ng gamot o di kaya magrerekomenda ng  psychotherapy. Puwede ring kombinasyon. Paalala lang ng mga eksperto na kahit nakakatulong ang gamot, posible pa ring bumalik ang mga sintomas.

    Read also: Are You an Obsessive-Compulsive Parent?

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles