-
Alamin Dito ang Paraan Kung Paano Malaman Kung Safe o Hindi Ka Fertile
Para maplano ang iyong pagbubuntis, mahalaga na malaman mo ang iyong ovulation cycle.by Dinalene Castañar-Babac . Published Jan 5, 2019
- Shares
- Comments

Ang article na ito ay unang naipublish noong Enero 5, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong Oktubre 31, 2023.
Maaaring gusto mong malaman kung kailan ka safe o hindi fertile para maplano ang pagbubuntis. Isa sa natural na prosesong makatutulong ang paggamit ng calendar method — isang natural na paraan ng family planning — lalo na sa mga mag-asawa na ayaw gumamit ng anumang birth control pills, condom o iba pang contraceptives. Sa pamamagitan nito, magagabayang mabuti kayong mag-asawa kung kalian maaaring magtalik na walang proteksyon at natitiyak ang mga panahon na may mataas na posibilidad na ikaw ay mabuntis.
Ano nga ba ang calendar method?
Ito ay tinatawag din na rhythm method. Ginagamit ito sa pag-estimate ng fertility ng isang babae batay sa kanyang menstrual cycle. Sa metodong ito, tinutukoy kung kalian fertile o hindi ang babae. Binibilang ang pagitan ng mga araw ng menstruation at inaalam ang ovulation ng babae. Nakatutulong ang pag-alam na ito sa ligtas na pagtatalik ng mag-asawa. Kapag alam mo ang mga araw na fertile ka at ayaw mo pang mabuntis, hindi pinapayo ang pagtatalik. Ngunit kung nagnanais kang magbuntis, ito ang panahon kung kalian dapat magtalik.
What other parents are reading
Paano ang pag-calculate ng ovulation?
Dapat tandaan na kinakailangan ng masusi at maingat na pagtukoy ng ovulation cycle dahil dito nakasalalay ang mabisang paggamit ng calendar method.
1. Mahalaga ang pagmamarka sa kalendaryo ng lahat ng araw ng menstruation.
Maaaring gamitin ang kalendaryo sa bahay o kaya sa cellphone. Marami ding mada-download ng apps na magagamit para sa pagtatala ng mga buwanang dalaw. (Basahin dito ang mga apps na pwedeng gamitin.)
2. Kailangan na subaybayang mabuti ang haba ng pagreregla sa loob ng 6 hanggang 12 buwan.
Kinukuha dito ang karaniwang haba o tagal ng araw bago ang susunod na menstruation period.
3. Dapat na alaming mabuti ang karaniwang pagitan ng menstruation cycle.
Sinisimulan ang pagbilang sa unang araw na nagregla at sa susunod na unang araw na magkakaregla.
4. Tukuyin ang pinakamaikling cycle ng menstruation na naitala sa loob ng anim na buwan.
Pagkatapos ibawas dito ang bilang na 18. Ngayon, bilangin mula sa unang araw ng menstruation ang nakuhang sagot. Ito ang mga araw na fertile ka at maaaring mabuntis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW5. Tukuyin ang pinakamahabang cycle na naitala sa loob ng anim na buwan.
Pagkatapos ibawas naman dito ang bilang na 11. Ngayon, bilangin mula sa unang araw ng menstruation ang nakuhang sagot. Ito din ang mga araw na fertile at maaaring mabuntis.
What other parents are reading
Nakadepende ang pagbibilang batay sa kung ano o alin ang karaniwang lumalabas na haba ng pagitan ng mga araw. Nangyayari ang ovulation isang beses sa isang buwan na kadalasan nasa 12 hanggang 16 na araw matapos ang regla (period). Ayon sa mga eksperto, kapag ang siklo ay nasa pagitan ng 26 hanggang 32, ang panahon na fertile ang isang babae ay nasa pagitan ng 8 hanggang 19 na araw.
Mahalagang maunawaan ng mga babae ang kanyang fertility days. Ngunit, higit na magiging mabisa at matagumpay ang paggamit ng pamamaraang ito kung magtutulungan ang mag-asawa sapagkat nangangailangan ito ng matinding pagtitiyaga at paglalaan ng sapat na panahon.
May epekto ba ang stress o pagbabago ng lifestyle sa regular na menstrual cycle?
CONTINUE READING BELOWwatch nowAyon sa OB-GYN na si Dr. Randa J. Jalloul, “Stress, whether emotional, nutritional, or physical, can cause an increase in endorphins and cortisol secretion which can interrupt hormone production. This can lead to an abnormal menstrual cycle. It’s the body’s way of expressing unreadiness for ovulation and pregnancy.”
Kung minsanan lamang ang stress, maaaring hindi makaranas ng period sa loob ng isang buwan, o ma-late ito. Ngunit, kung mas palagian ang nararanasan na stress, maaaring mas makaranas ng magulo or kawalan ng period. Malakihang pagbabago sa timbang at physical activity ang kadalasang sanhi ng naantalang period.
Menstrual Calendar Apps
Narito ang mga Apps na makakatulong sa iyong i-track ang iyong menstrual cycle:
Clue: Kaya ma-track sa app na ito ang lahat ng pagbabago sa iyong katawan kapag ikaw ay may period, gaya ng breakouts o PMS headaches. Libre ang app pero may option ding magbayad para makuha ang mas detalyadong prediksyon ng period at pagsusuri ng cycle. I-download sa iOS o Android.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFlo: Isa ito sa mga popular na period-tracking app at kaya niya i-record ang sintomas ng ovulation at period. Ang data ay gagawin niyang graphs kung saan iyong makikita ang nangyayari at ginagawa ng iyong katawan. Nagiging pregnancy tracker din ito. Libre ang mga basic features nito pero maaari ding kunin ang bayad na subscription para makakuha ng daily well-being plan, ekspertong nilalaman, premium customer support, walang limit na access sa Flo Health Assistant, at mga bidyo. I-download sa iOS o Android.
Ovia Fertility: Kung nais mo talagang iwasan mabuntis, Ovia ang tamang app para dito. Ang Ovia ay isang fertility tracker na nakakatulong i-track ang basal body temperature, cervical position, at cervical mucus. Kaya din ilagay dito ang iyong period at masasabi niya kailan ang iyung susunod na menstruation o fertile days. I-download sa iOS o Android.
MyFlo: Ang MyFlo ay app na maaaring gamitin ng mga kababaihang nakakaranas ng irregular na menstruation, nagsisimula na mag-menopause, or mga nakakaranas ng mga kakaibang sintomas tuwing may period (gaya ng lubos na pamamaga, migraine, pagtitibi, o kawalang enerhiya) – ginagamit ng MyFlo ang lahat ng datos na ito upang mabigyan ka ng importanteng impormasyon ukol sa iyong kalusugan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya nito sabihin kung may posibleng hormonal imbalance kang nararanasan at magsabi ng mga dapat baguhin sa iyong pamumuhay. I-download sa iOS o Android.
Ano naman ang Lactational Amenorrhea Method?
Bukod sa pamamaraang ito, isa pang itinuturing na natural na proseso ng pagpa-family planning ay ang tinatawag na "Lactational Amenorrhea Method" o LAM. Maraming pag-aaral na nagsasabing nakapagpapa-delay sa menstruation ng mga bagong mommy ang breastfeeding. Kapag eksklusibong breastfeeding ang mga mommy sa kanilang baby at hindi pa nagsisimula ang kanilang menstruation ay posibleng hindi mabuntis sa loob ng anim na buwan pagkatapos nilang manganak.
Ang lactation ay tumutukoy sa breast milk production na nagiging sanhi ng amenorrhea ang kawalan o pagkaantala ng menstruation. Ayon sa mga eksperto, kapag patuloy ang breastfeeding nagagawa nitong pigilan ang pagpo-produce ng hormones na nagdudulot ng ovulation.
What other parents are reading
Subalit, upang maging epektibo ang paggamit nito, kailangang sundin ang mga pamantayang ito:
- Hindi ka pa dinadatnan ng iyong menstruation simula nang manganak ka. Tandaan na kapag nagsimula na ang iyong regla (period) ibig sabihin nagsimula ka na rin mag-ovulate.
- Wala pang anim na buwan kang nakapanganak o wala pang anim na buwan din ang iyong baby.
- Hindi ito puwede kung nag-pupump ka, gumagamit ng bottle-feeding, o may paghahalo ng formula milk dahil mahalaga ang ginagampanan ng pag-suck ng iyong baby sa proseso ng paghinto ng ovulation.
- Higit na mabisa kapag mas madalas ang pagpapasuso at mas matagal ang bawat session. Karaniwan na nagpapasuso ka tuwing apat hanggang anim na oras araw-araw o batay sa demand ng iyong baby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga ibinahaging impormasyon ay maaaring gamitin o maging gabay. Makabubuti pa rin ang pagkonsulta sa doktor upang lubos na maunawaan ang paggamit ng calendar method at lactational amenorrhea method.
Mas okay at safe gamitin ang calendar method kapag regular ang menstruation. Hindi ito epektibo para sa mga babae na irregular ang menstruation cycle. Samantala, magiging epektibo rin ang lactational amenorrhea method kapag sinunod nang mabuti ang mga kondisyong nabanggit. Hindi ito maaaring gamitin kapag may higit sa anim na buwan ka nang nakapanganak.
Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa mga sumusunod:
The Calendar Method of Family Planning: A Step-by-Step Guide
11 of the Safest Birth Control Options for Breastfeeding Moms
How to Make a Baby: When to Know You Are Ovulating
8 Family Planning Methods That Are Not the Pill or Condom
Si Dinalene Castañar-Babac ay isang first-time nanay ng isang happy baby girl, si Kalliope Joni. Maituturing din siyang nanay ng kanyang mga students sa isang exclusive school for girls. Tinatapos niya ang kanyang doctoral degree kasabay ng kanyang pagtuturo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

- Shares
- Comments