embed embed2
Panginginig Ng Kamay, Pagbagal Ng Kilos, At Ibang Paunang Sintomas Ng Parkinson's Disease
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Age-related degenerative brain condition ang Parkinson's disease. Ang ibig sabihin, nakapagdudulot ito ng pinsala sa mga bahagi ng ating utak, partikular sa basal ganglia. Kaya maituturing itong isa sa mga uri ng sakit sa utak.

    Sa normal na kalagayan ng kalusugan, gumagamit ng neurotransmitters ang utak upang makontrol kung paano mag-communicate ang brain cells sa isa't isa. Mga kemikal ito na mahalaga upang mapanatiling maayos ang kalusugang pagi-isip. Nakakagawa ng kemikal na dopamine ang nerve cells o neurons na ito.

    Pero kung mayroong Parkinson's disease ang isang tao, nagkakaroon na ng kakulangan sa dopamine na isa sa pinakamahalagang neurotransmitters. Nagiging sanhi ito ng pagbagal ng kilos at panginginig o tremors.

    Kapag nasisira at namamatay ang nerve cells sa basal ganglia sa utak, dito na nagiging prominente ang mga senyales at sintomas ng Parkinson's disease. 

    Isa ang Parkinson's disease sa mga karamdamang madalas dumarapo sa mga edad 60 pataas. Mas karaniwang nagkakaroon nito ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Maaari ding magkaroon ng Parkinson's ang mga edad 20 ngunit hindi karaniwan ang ganitong pagkakataon.

    Mga sintomas

    Ayon sa National Institute on Aging, mayroong apat na pangunahing mga sintomas ang Parkinson’s Disease. Ang mga ito ang sumusunod:

    1. Tremor o panginginig sa mga kamay, bisig, binti, panga, o ulo

    2. Muscle stiffness o masel na nananatiling contracted sa loob nang mahabang panahon

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Pagbagal ng pagkilos o galaw o bradykinesia (paglalakad at iba pa)

    4. Impaired balance at coordination (na nagiging sanhi ng pagkatumba o pagkahulog)
    Ang kawalan ng muscle control din ang nagdudulot ng "resting tremors" (rhythmic shaking of muscles), rigidity o stiffness, unstable na tindig at tulin sa paglakad, at pagkurap nang mas madalang.

    Ilan pa sa mga sintomas na nagiging kapansin-pansin:

    • Pagliit ng sulat-kamay
    • Paglalaway
    • Pagkakaroon ng mask-like facial expression (hypomimia), o parang may nakasuot na maskara kaya hindi gumagalaw ang mga kilay, mukha, at upper lip
    • Hirap sa paglunok
    • Paghina ng boses kapag nagsasalita (hypophonia)

    Sa paglipas ng panahon, nagiging kapansin-pansin na rin ang epekto ng Parkinson's disease sa pandama, sa kakayahang mag-isip, mental health, at iba pa. Nagkakaroon ang taong may sakit nito ng mga sintomas na parehas sa dementia, pati na depression.

    Kaya payo ng mga eksperto na makatutulong kung oobserbahan ang sumusunod na non-motor symptoms:

    • Low blood pressure (orthostatic hypotension)
    • Constipation
    • Gastrointestinal problems
    • Urinary incontinence
    • Sexual dysfunctions
    • Depression
    • Loss of sense of smell (anosmia)
    • Sleep problems
    • Hirap sa pag-alala, pag-iisip, at pag-focus

    Stages ng Parkinson's disease

    Taong 1967 noong mabuo ang staging system ng Parkinson's disease. Dalawang experts na sina Margaret Hoehn at Melvin Yahr ang nag-aral at nagpakilala rito. Ngunit mas ginagamit sa kasalukuyan ang Movement Disorder Society-Unified Parkinson's Diseas Rating Scale (MDS-UPDRS) upang ma-classify ang ganitong karamdaman.

    Mas nakatuon ang MDS-UPDRS kung paano nakaaapekto ang sakit sa pasyente:

    Part 1

     Non-motor aspects ng pang-araw-araw na mga karanasan

    Part 2

    Motor aspects ng mga karanasan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kasama rito ang kakayahang makapagsalita, ngumuya, lumunok, magbihis, maligo, at iba pa.

    Part 3

    Motor examination

    Movement-related effects ang tinitingnan sa bahaging ito. Sinusukat ang epekto batay sa kung paano nagsasalita ang pasyente. Kasama na rin dito ang facial expressions, stiffness, rigidity, walking gait, bilis ng paglalakad at pagkilos, balance, tremors, at iba pa.

    Part 4

    Motor complications

    Nakatuon ito sa impact ng karamdaman sa buhay ng pasyente. Bahagi nito ang kabuuang oras na nakararanas ng sintomas ang pasyente araw-araw.

    Mga posibleng sanhi

    Walang tukoy na direktang sanhi ang Parkinson's disease, ayon sa World Health Organization (WHO). Ngunit masasabing nagmumula ito sa complex interaction ng genetic factors at exposure sa environmental factors tulad ng:

    • Toxins mula sa pesticides
    • Solvents
    • Fumes mula sa welding
    • Polusyon sa hangin

    Nahahati sa sumusunod na mga kategorya ang sanhi ng Parkinson’s:

    Familial Parkinson's disease

    Nasa mahigit-kumulang pitong genes ang na-link ang mga eksperto sa Parkinson's disease. Nasa sampung porsiyento lamang sa kabuuang mga kaso ang may ganitong sitwasyon (genetic o hereditary).

    Idiopathic Parkinson's disease

    Idiopathic ang klasipikasyon ng mga eksperto sa mga kasong hindi namana sa magulang o kadugo.

    Induced Parkinsonism

    Dito nabibilang ang mga environmental factors na nakapagdudulot ng ganitong sakit. Kasama dito ang lahat ng klaseng polusyon sa hangin sa paligid, na nakaapekto sa pasyente mula pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda.

    Mayroon ding mga kasong hindi pa matukoy ang sanhi.

    Ano ang ipinagkaiba ng Parkinson's disease sa parkinsonism? Ang Parkinson's disease ay isang uri ng parkinsonism. Samantala, umbrella term ang parkinsonism at ilan pa sa mga karamdamang kaugnay nito ang multiple system atrophy o corticobasal degeneration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga paraan sa diagnosis ng Parkinson's disease

    Mayroong tests upang matukoy kung Parkinson's disease ang sakit ng pasyente. Mahalagang masuri ng doktor at ma-rule out ang ibang medical conditions. Iba't ibang imaging at diagnostic tests ang nakatutulong sa pag-diagnose. Ang mga ito ay ang sumusunod:

    • Blood tests
    • Computerized tomography (CT) scan
    • Genetic testing
    • Magnetic resonance imaging (MRI)
    • Positron emission tomography (PET) scan
    • Spinal tap
    • Skin biopsy

    Treatment

    Walang gamot para sa Parkinson's disease, ayon sa mga eksperto. Ngunit marami itong iba't ibang treatment options. Mayroon ding tinatawag na direct at symptom treatments.

    Ang pinakakaraniwan at epektibong direct treatment ay levodopa. Nakapagpapataas ito ng levels ng dopamine sa utak. Ngunit dapat malamang ang pangmatagalang paggamit sa gamot na ito ay nagdudulot din ng side effects.

    Madalas na ginagamit ang levodopa kasabay ng iba pang medikasyon upang mapigilan ang katawan na maproseso ito bago pa nito mapasok ang utak. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang iba pang mga side effects ng dopamine, lalo na ang nausea, pagsusuka, at low blood pressure kapag nakatayo ang pasyente.

    Ang iba pang medikasyon ay ang sumusunod:

    • Simulating dopamine (dopamine agonists)
    • Dopamine metabolism blockers
    • Levodopa metabolism inhibitors
    • Adenosine blockers

    Naiibsan naman ang mga sintomas kapag symptom treatment ang isinasagawa ng doktor. 

    Samantala, secondary treatment ang surgery upang makapag-implant ng device na magdadala ng mild electrical current sa utak ng pasyente (deep brain stimulation). 
    Taong 2019, tinatayang nasa 160,000 katao na ang dumaan sa deep brain stimulation mula pa noong 1980s.

    Mga paraan upang makontrol ang mga sintomas

    Ang page-ehersisyo at wastong diet ay mahalagang bahagi ng treatment at management para sa Parkinson's disesase. Paliwanag ng Johns Hopkins Medicine, nakatutulong ang lifestyle modification sa management ng sakit na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dalawang pangunahing epekto ng lifestyle modifications na ito ang:

    • Mas maayos na pagkontrol sa mga sintomas
    • Pagbagal ng progression ng sakit

    Makatutulong din ang exercise at diet upang maiwasan  o maibsan ang iba pang sintomas ng Parkinson's disease, tulad ng constipation. Napabubuti ng mga ito ang mobility at balanse.

    Ang paggalaw o movement ay nakakapagpabagal na paglala ng Parkinson's disease, ayon kay Denise Padilla-Davidson, isang physical therapist ng Johns Hopkins. Binigyan diin niya ang movement mula sa ehersisyo na tumutulong sa pagbalanse ng katawan, pati na ang reciprocal patterns. Mga galaw ito na nangangailangan ng koordinasyon sa parehong bahagi ng katawan.

    Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng balanseng diet ay nakapagbibigay ng lakas at enerhiya. Mainam ang diet na mayaman sa fiber mula sa mga prutas at gulay, whole grains, legumes, at whole-grain na tinapay at cereal. Idagdag pa ang isda, na tinatawag na "ultimate brain food."

    Ang pag-inom din ng tubig at page-ehersisyo ang paraan upang hindi mahirap ang pagdumi o magkaroon ng constipation.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Dahil sa Parkinson’s disease, ang karaniwang mga gawain na pang-araw-araw ay maaaring maapektuhan. Tandaang malaki ang tulong ng pagkakaroon ng support groups para sa mga taong may ganitong sakit. Ang mga grupong ito ang makapagbibigay ng karagdagang impormasyon, payo, at koneksyon para sa mga resources na maaaring makatulong sa pasyente at sa kanyang pamilya.

    Base sa datos ng World Health Organization (WHO), ang disability at kamatayang dulot ng Parkinson's disease ay mas tumataas at dumoble ang dami ng mayroon nito sa buong mundo sa loob ng nakalipas na 25 taon. Noong 2019, nasa 8.5 milyong katao ang may Parkinson's disease. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala ng mga eksperto na hindi maaaring mag-self-diagnose pagdating sa mga karamdaman tulad ng Parkinson's. Kung sakaling mayroong nararanasang ilan sa mga sintomas na nabanggit dito, kailangang komunsulta sa doktor upang masuri at matukoy ang sanhi ng karamdaman at matulungan ang pasyente na harapin ang kondisyong ito.

    Read also: My Lenten Reflection: Living in Grace Despite an Incurable Disease

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles