embed embed2
6 Postnatal Skin Problems Na Posibleng Maranasan At Mga Dapat Gawin
PHOTO BY Freepik
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sa panahon ng pagbubuntis, mararanasan mo ang maraming pagbabago sa iyong katawan dulot na rin ng pagbabago sa iyong hormones. Pagkatapos mong manganganak, manunumbalik ang iyong katawan sa dati pero makararanas din ito ng marami pang pagbabago.

    Ilan sa mga ito ang postpartum health problems, postpartum ear problems, at postnatal skin problems.

    Ang mga sakit sa balat, halimbawa, ay nakakaapekto sa may 90% ng mga buntis, ayon sa isang artikulo ng National Center for Biotechnology Information. Dahil ito sa hormones at iyong may dati nang problema sa sakit sa balat.

    Nagdudulot ng mga problema sa balat pagkapanganak ang pagbabago sa hormone at maging ang pagod na nararanasan sa pag-aalaga sa iyong baby. Ang iba pang dahilan ng postnatal skin problems ay ang mga pagbabago sa:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • tissue
    • vascular
    • glandular
    • skin structure

    Sinasabing ang karaniwang problema sa balat ay pagpapatuloy lamang ng mga naranasan na habang buntis. Kadalasan na nawawalan ang mga ito pagkalipas ng mga buwan ng pagkapanganak. Kailangan lamang bigyan ng sapat na panahon ang katawan na manumbalik sa dati o sa normal bago ang pagbubuntis.

    Postnatal skin problems

    Narito ang mga uri ng sakit sa balat na posibleng maranas pagkapanganak:

    Acne

    Maaaring magkaroon ng mga tigyawat pagkatapos manganak. Posibleng lumabas ito pagkaraan ng ilang linggo o buwan ng panganganak. Ito ay resulta ng pagbabago ng hormonal level. Dahil dito, nagpo-prodyus ang katawan ng oil na bumabara sa mga pores ng balat kasama ang dumi at mga dead skin cells. Nawawala naman ito kapag bumalik sa normal na level ang hormone.

    Ang paggamot ng acne ay depende sa sitwasyon. Maaaring gumamit ng topical cream o lotion na ia-aplay sa balat na ligtas at epektibong gamitin. Pero kung ikaw ay nagpapasuso sa iyong baby, magpakonslta muna sa iyong doktor bago gumamit ng anumang pamahid.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Bagaman hindi makaiwas sa posibleng pagkaakroon ng acne, maaaring mabawasan naman ang mga magpapalala sa sitwasyon ng pagkakaroon nito sa ganitong mga paraan:

    1. Gumamit ng mga makeup at produkto sa balat na noncomedogenic o iyong hindi makababara sa iyong pores. Magkaroon din ng routine sa paglilinis ng iyong balat. Ugaliing maghilamos ng mukha araw-araw.

    2. Nakadaragdag ang emotional stress ang pag-aalaga sa iyong baby at kung minsan totoo namang nakakapagod ito, lalo na kung bago kang mommy. Dahil dito, tumataas ang iyong stress na maaaring magdulot ng paglabas ng iyong mga tigyawat, Subukin ang mga breathing exercises at mga teknik sa pagre-relaks para mabawasan ang stress.

    3. Huwag pisain ang tigyawat dahil mas mapapalala nito ang kondisyon at maaaring masira ang iyong balat at magdulot ng peklat. Maaaring magdulot din ito ng impeksyon.

    Dermatitis/Eczema

    Ang eczema o dermatitis ay isang kondisyon sa balat na nagdudulot ng pangangati, panunuyo at pamamaga ng balat. Pagkatapos manganak maaaring maranasan ito dahil sa pagbabago rin ng hormones sa katawan at ng immune system. Makatutulong ang paggamit ng moisturizer pagkatapos maligo at bago matulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa rito, maaaring maranasan din ang hives. Ito ang pagdebelop ng rashes sa balat ng maliliit na butlig, mapula, at makati sa bahagi ng tiyan. Maaaring ipayo ng doktor ang paglalagay ng topical cream para maiwasan ang pagkati at hindi ito kamutin hanggang magsugat.

    Stretch marks

    Halos 90% mga bagong panganak ang nakararanas ng stretch marks. Ito ang mga peklat na lumalabas na mapula kapag sariwa pa habang buntis at nawawala o nagiging puti pagkapanganak. Kaya ipinapayo ang paggamit ng mga moisturizers o oil para maibsan ang kondisyon at mga cream din na maaaring ipahid para mabawasan ang pagkakaroon ng stretch marks. (Basahin dito ang ginagamit na oil ni Solenn Heussaff.)

    Melasma

    Isa itong kondisyon sa balat kung saan nagkakaroon ng pigmentation dulot sa pagtaas ng produksyon ng melanin kasabay na rin ng kombinasyon ng mga salik na genetic at hormones, gayundin ang pagkakalantad sa araw.

    Kilala rin ang melasma o pekas sa tawag na “the mask of pregnancy." Nagkakaroon ng patse na kulay brown sa pisngi, sa noo, sa sentido, sa ilong, sa itaas ng labi, o sa panga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring makontrol ito sa pag-iwas sa pagkakabilad sa araw at paggamit nang regular ng sunscreen, lightening cream, o mga topical cream na makapagbibigay ng proteksyon sa balat.

    Telogen effluvium

    Ang kondisyon na ito ay nagdudulot ng hair fall o pagkalagas ng buhok na kadalasang nararanasan pagkaraan ng 3 buwan pagkapanganak. Kaya tinatawag din itong postpartum hair loss. Nakapagdudulot ng stress sa bagong nanay ang paglalagas ng buhok, pero madalas naman na nawawala ito pagkaraan ng 6 na buwan.

    Subalit kung napansin mo na patuloy ang paglalagas at mas marami pa, magpatingin sa doktor para malaman ang sanhi nito. Maaaring isaalang-alang ang pagkakaroon ng mababang iron.

    Spider angiomas

    Posibleng mangyari ito dahil sa pagbigat ng timbang noong buntis na nagbibigay ng pressure sa ugat na magdudulot naman ng paglaki ng mga blood vessel sa mukha. Mag-iiwan ito ng mapula at markang gaya ng sa spider o gagamba. Maaaring umayos naman ang mga namamagang vessel pagkalipas ng 3 hanggang 6 na buwan pagkapanganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tips sa pangangalaga ng balat pagkapanganak

    Gaya ng naunang nabanggit, maaaring mawala ang mga postnatal skin problems pagkalipas ng ilang buwan pagkapanganak. Pero mahalagang alagaan din ang balat habang hinihintay ang pagbabalik nito sa normal.

    Ilan sa mga paalala o minumungkahing dapat gawin ay:

    1. Iwasang mabilad sa araw. Kung hindi maiiwasan, maaaring bawasan ang pagkalantad sa araw at mas mainam na gimamit ng mga sunscreen na proteksyon sa UVA at UVB rays na may SPF30 o higit pa araw-araw. Maaaring gumamit din ng moisturizer na magiging proteksyon o foundation na may sun protection. (Basahin dito kung paano pumili ng best sunscreen.)

    2. Ugaliing maging malinis. Mas mabuti na maghilamos ng mukha dalawang beses kada araw at gumamit ng mga facial cleansing na makakapagtanggal ng mga blemishes.

    3. Kumain ng masustansiyang pagkain. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon gaya ng prutas at gulay, whole grains, at healthy fats na makasusuporta sa iyong kalusugan at malusog na balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Uminom ng maraming tubig. Makatutulong ang pag-inom ng maraming tubig para manatiling hydrated.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Pregnancy and Skin

    https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3444563/

    Postpartum Acne

    https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/24416-postpartum-acne

    Postpartum Eczema

    https://www.medicalnewstoday.com/articles/postpartum-eczema

    ---

    Basahin dito ang tungkol sa postpartum recovery care.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close