-
Tinitigyawat Pagkapanganak? Mga Dapat Malaman At Gawin Tungkol Sa Postpartum Acne
Kusang nawawala ang acne sa kasabay ng pagbalik ng iyong hormones sa pre-pregnancy levels.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Karaniwang skin condition ang acne sa teenagers at young adults. Nasa 95% ng mga taong edad 11 hanggang 30 ang apektado nito at mas karaniwan sa babae magkaroon ng pimples sa edad 14 hanggang 17 at edad 16 hanggang 19 naman sa mga lalaki.
Karamihan sa mga nagkakaroon nito ang nakapapansin na nawawala rin ang acne kapag sila ay nasa mid-20s na. Pero sa ilang pagkakataon, nagpapatuloy ito sa adult life lalo na para sa mga babaeng nagdadalantao at sa mga kapapanganak pa lamang, at tinatawag itong postpartum acne.
Mga dapat malaman sa postpartum acne
Ang pag-aalaga sa bagong baby ay panahong sadyang emosyonal at challenging para sa isang nanay. Karaniwang nagkakaroon ng acne breakout dahil sa increased at fluctuating hormones.
Ang postpartum acne ay ang pagkakaroon ng acne ng isang babae matapos manganak. Maaari ring ilang linggo o mga buwan pa ang lilipas bago tumubo ang acne na mas kilala rin bilang pimples. Kabilang sa mga sintomas ang blackheads at whiteheads, pati na ang namumulang umbok sa balat.
Tumutubo ang acne sa kahit saang bahagi ng mukha at katawan. May tinatawag ding blind pimples na tumutubo sa ilalim ng balat. Maaari itong tumubo o lumala pagkatapos mong magpasuso o kapag nagsimula ka nang magkaregla matapos manganak.
May ginagamit na chart ang mga eksperto sa pagtukoy sa tindi ng acne:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Mild
Mayroong open at closed comedones at may ilang namamagang papules at pustules
2. Moderate
Mayroong papules at pustules, karaniwan sa mukha nakikita
3. Moderately severe
Napakaraming papules at pustules, paminsan-minsan ang namamagang nodules, nakikita rin sa dibdib at sa likod
4. Severe
Napakaraming malalaki at sumasakit na nodules at pustules
Ang acne ay dulot ng mga pagbabago sa hormone levels kagaya ng estrogen at progesterone sa panahon ng pagbubuntis. Ang fluctuating hormones na ito ang nagdudulot ng paggawa ng oil o sebum ng katawan. Ang oil na ito ang bumabara sa pores, kasama ang mga dumi, pawis, at dead skin cells.
Ang matinding stress ang isa pang sanhi ng clogged pores. Karaniwang dahilan nito ang adjustments sa ibang routines ngayong may baby ka na. Tandaan ding mas mataas ang posibilidad ng postpartum acne sa mga may history na ng acne.
Sa malalalang mga kaso, nagkakaroon ng cysts o hard nodules sa ilalim ng balat at kakailanganin ang treatment mula sa dermatologist.
Diagnosis at treatment ng postpartum acne
Madaling matukoy ang acne dahil nakikita ito sa balat. Sa ibang pagkakataon, temporary lamang ang postpartum acne. Naiibsan ang sintomas at nababawasan ito kapag bumabalik na rin sa normal ang hormone levels. Posible ring maraming linggo ang lilipas bago mag-stabilize ang hormone levels kaya't mahalagang komunsulta sa doktor tungkol sa mga available na treatments para sa iyo.
Ang prevention ay mahalaga pagdating sa acne. Pangmatagalan at habambuhay kasi ang scarring o pagpepeklat. Mahalaga ang treatment plan mula sa eksperto tulad ng dermatologists. Malaking tulong din ang facial cleanser na may benzoyl peroxideat oil-free na moisturizer. Kailangan pa rin kasi ng balat ng hydration kahit acne-prone ito.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNarito ang mga inirerekomendang treatment para sa mga may postpartum acne, ayon sa mga eksperto:
1. Azelaic acid
Naiibsan nito ang inflammation, naaayos ang skin tone, at nakatatanggal ng bara sa pores.
2. Gentle cleansers
Gumamit ng cleansers na walang harsh chemicals at fragrance-free. Dalawang beses maghilamos sa isang araw.
3. Salicylic Acid
Nakatutulong ito sa pag-exfoliate sa balat at pag-unclog ng pores. Tea tree oil- Mayroon itong natural antimicrobial properties na maaaring gamiting spot treatment para sa acne.
4. Benzoyl peroxide products
May mga produkto kagaya ng retinoids, oral man o topical, na hindi ligtas gamitin para sa mga buntis at nagpapasuso.
Kung may pimples ka sa dibdib, iwasang gumamit ng acne-fighting creams o gels dito. Kailangang maging maingat para malayo ang baby sa mga produktong ito.
Kung buntis o nagpaplanong mabuntis ang mayroong acne, kailangang komunsulta sa doktor para sa ligtas at wastong gamot para sa postpartum acne.
Kung hindi ka naman nagpapasuso, maaaring magrekomenda sa iyo ng prescription skin care products o antibiotics at iba pang medikasyon. Topical treatments katulad ng creams, lotions o gels ang ligtas at epektibo.
Mga dapat tandaan sa postpartum acne
Mag-establish ng simpleng skincare routine. Maghilamos at panatilihing malinis ang balat. Gumamit ng maligamgam na tubig kapag naghihilamos at iwasan ang pagkuskos sa balat, lalo na sa mukha. Gumamit ng malambot na tuwalya sa pagpapatuyo sa balat.
Gumamit lamang ng mineral-based makeup at skin products na “noncomedogenic” o hindi makapagbabara sa pores. Iwasan iyong mga oil-based. Iwasan ang madalas na paghawak sa mukha at ugaliing maghugas palagi ng mga kamay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSuriin ang lifestyle changes kagaya ng regular na paglalaba ng punda ng unan. Sundin ang low inflammatory diet at bawasan ang sugar, dairy, at animal meats. Iwasan ang sobrang stress at sumubok ng breathing exercises at relaxation techniques.
Iwasang pisain ang pimples dahil baka masugatan at mag-iwan ng peklat. May mga acne scars na mahirap tanggalin lalo kung malala ang damage sa balat. Matulog nang maaga at siguraduhing sapat ang pahinga araw-ara. wKailangang tanggalin ang make-up bago matulog.
Mahalaga sa lahat ng pagkakataon ang balanced diet at pag-e-ehersisyo upang mapangalagaan ang balat at buong katawan. Nakapapagod man ang pag-aalaga sa iyong baby, hindi pa rin dapat kalimutang alagaan ang sarili.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Pagdating sa skincare, hindi ito one-size-fits-all. May mga pagkakataon ding kailangan na ang professional help, lalo kung sanhi na ng matinding discomfort at stress ang iyong postpartum acne.
Narito ang mga kailangang suriin o bantayan bago pa lubusang lumala ang iyong kondisyon:
- Acne na malala o kaya'y pabalik-balik at hindi nawawala
- Matitigas o sumasakit na nodules o pimples sa malalim na nodules o pimples sa ilalim ng balat
- Pimples sa dibdib o sa mga suso
Tandaan ding infected ang pimples kung nilalagnat ka o sumasakit ang apektadong area at may pamamaga sa acne.
Kung nakararanas ka ng alinmang nabanggit sa itaas, higit na mainam ang pagkonsulta sa iyong doktor. Magagabayan ka nila sa pagbuo ng personalized treatment ayon sa iyong skin type at skin condition na postpartum acne.
Tandaang higit na mahalaga ang maayos at ligtas na skincare routine at treatment para mas ma-enjoy ninyo ng iyong baby ang susunod pang mga buwan ng kanyang paglaki at development.
Basahin dito ang tungkol sa postpartum hives.
What other parents are reading

- Shares
- Comments