embed embed2
  • Hindi Biro Ang Postpartum Depression Sa Mga Nanay: Sintomas, Senyales, At Mga Dapat Gawin Kapag May PPD

    Ito ang lahat ng mga dapat malaman tungkol sa postpartum depression sa mga bagong nanay.
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Nov 20, 2023
Hindi Biro Ang Postpartum Depression Sa Mga Nanay: Sintomas, Senyales, At Mga Dapat Gawin Kapag May PPD
PHOTO BY ADOBE
  • TW: Depression

    Totoong struggle sa mga bagong panganak ang pag-unawa ng kanilang nararamdaman. Kahit sila hindi rin maintindihan ang kanilang pinagdadaanang emosyon pagkatapos nilang manganak. Pinakamahirap din minsan na walang lubos na nakauunawa sa nararamdaman mo. Dumadaan ka sa proseso ng pag-iisip na paano babalik sa dati ang katawan mo, paano mo kakayanin ang pag-aalaga sa anak mo, at iba pang intindihin sa bahay, at ang pag-aadjust ng katawan mo sa mga nangyari o naranasan mo panganganak na tila ayaw mo nang maulit. Idagdag pa ang pakikisama sa ibang kamag-anak kung hindi kayo nakabukod ng iyong asawa.

    Ang postpartum o postnatal depression ay iba sa baby blues. Kadalasang nararanasan ang postpartum blues o baby blues ito sa loob ng dalawa o walong linggo pagkapanganak. Panadalian at mild lamang ang mga nararanasan dito na mawawala rin kapag naging normal na ang lebel ng hormones. Samantala ang postpartum depression ay mas matinding kondisyon kung ang mga postpartum blues ay tumindi at hindi agad natugunan.

    What other parents are reading

    Mga salik na nakaapekto sa postpartum depression

    Samu’t sari ang pakiramdam na dala ng pagiging bagong ina. Nariyan ang kasiyahan at pananabik na makita ang iyong anak ngunit mayroon ding takot at pangamba kung paano mo mapapalaki ito nang mabuti.

    Ayon sa mga eksperto, karaniwan na ang pakiramdam ng depression o pagkabalisa pagkaraan ng ilang araw ng pagkapanganak. Paliwanag din nila na malaking sanhi nito ang pagbabago sa lebel ng progesterone. Pero bukod pa rito, maaaring makadagdag din ang pagkapagod o kawalan ng sapat na tulog, hirap sa pagapapasuso, at iba pang sitwasyon.

    Ayon sa panayam kay Dra. Alison Stuebe ng Unicef, ang ilang salik pa na nakaapekto sa kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

    • Pagkakaroon ng dating karanasan sa mental health problem
    • Mga biolohikal na dahilan
    • Kawalan ng suporta
    • Hindi magandang karanasan noong bata
    • Pagdanas ng pang-aabuso
    • Mababang pagtitiwala sa sarili
    • Hindi maayos na kondisyon ng pamumuhay
    • Matitinding karanasan sa buhay
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, kung may sapat na suporta na nagmumula sa pamilya, mahal sa buhay, at kaibigan nawawala naman ang pakiramdam na ito pagkaraan ng dalawang linggo na hindi kinakailangan ng atensyong medikal.

    Mga Senyales at Sintomas ng Postpartum Depression

    Hindi kasalanan ninuman ang postpartum depression na nararanasan ng isang ina. Bahagi ito ng pagbabago sa kaniyang katawan dahil sa kaniyang hormones din. Nag-iiba-iba ang mga sintomas nito sa bawat ina. Ngunit kung papansin ang mga sintomas nito ay gaya rin ng mga nararanasan ng tipikal na depression. Ilan sa mga nabanggit sa website ng KidsHealth ang mga sumusunod:

    • Pakiramdam na malungkot, kawalan ng pag-asa, at pagkabigla
    • Labis na pag-aalala, takot, o pagkakataranta
    • Paninis isa sarili na hindi naman dapat
    • Pag-iyak nang sobra o biglaan
    • Pagiging moody o pagbabago-bago ng emosyon
    • Pagiging magagalitin
    • Kaunting o sobrang pagtulog
    • Nahihirapan na magbigay ng pokus
    • Pagkain ng marami o kaunti
    • Ayaw makipagkaibigan o makasama ang pamilya
    • Pakiramdam na ayaw makatabi ang baby
    • Kawalan ng ganang gawin ang masasayang bagay
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ayon sa Johns Hopkins Medicine, kung walang gamutan ay tumatagal ang sintomas nang ilang buwan o taon pa. Sa isang pag-aaral nga may 25% ang nakararanas ng depression nang 3 taon pagkaraan ng kanilang panganganak. Kaya mahalagang payo rin ng mga doktor ang maagap na pagpapasuri o papagpacheckup ng ina kung may sintomas siya upang matugunan agad ito dahil hindi biro ang postpartum depression ng mga nanay.

    RELATED: Fathers Can Get Postpartum Depression Too–Here Are The Symptoms To Watch Out For

    Postpartum at Peripartum Depression

    Sa isang panayam ng Smart Parenting na “Isang Tanong, Isang Sagot” kay Dra. Maynila Domingo, isang ob-gyn at miyembro ng Board of Experts ng Smart Parenting, ipinaliwanag niya na sa kasalukuyan mas ginagamit nila ang peripartum depression sa halip na postpartum depression dahil maaaring maranasan ang depression sa buong panahon ng pagbubuntis. Kaiba sa postpartum depression na nararanasan pagkapanganak at maaaring tumagal nang hanggang 2 linggo at hindi lubos makaaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng isang ina. Dagdag pa niya, may 70% ng mga bagong panganak ang nakararanas naman ng postpartum blues.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga aniya na malaman ang pagkakaiba nito sa postpartum blues na normal na nararanasan ng isang babae pagkapanganak gaya ng lungkot o kawalan ng lakas o pag-asa. Pagkapanganak nga madalas na ang bagong nanay na umiyak na wala namang dahilan o nagiging iritable siya.

    Sa kabilang banda, ang peripartum depression ay isang sakit na mas matindi ang kondisyon na nararanasan ng ina sa panahon ng pagbubuntis. Ang nararamdaman niyang lungkot, takot, at pangamba ay mas tumitindi na nagreresulta sa kawalan niya ng kakayahang alagaan ang kaniyang anak o mismong ang kaniyang sarili. Maaaring maisip din niya na saktan ang kaniyang anak. Bagaman seryosong kondisyon ito posible naman itong magamot sa papamagitan ng psychotherapy, medikasyon, pagbabago sa life style o kombinasyon ng mga ito.

    Makatutulong ang maagang malaman ang sintomas nito para sa agarang gamutan. Mainaman din na payo ni Dra. Domingo na masuri ang lahat ng bagong panganak lalo na iyong na-diagnose ng anxiety disorder bago pa man ang pagbubuntis. Nabanggit niya na hindi lamang bagong ina ang nakararanas nito kundi maging ang mga bagong tatay, na may 4-5% ang nakararanas din ng sakit na ito sa loob ng 1 taon pagkatapos ipanganak ang kaniyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Laging tandaan ng mga ina, “maging mabait sa iyong sarili.” Kung kailangan ng tulong, huwag mahiyang magsabi at alagaan ang iyong sarili para maalagaan at mapalaki mong mabuti ang iyong anak. Mapoprotektahan ang sarili sa maidudulot ng postpartum depression kung madedebelop din ang mga pagiging positibo, tamang pamamahala sa stress, at pagkakaroon ng maayos na suporta.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close