embed embed2
Hindi Lang Katawan Ang Pagod Pagkapanganak: 10 Sintomas Ng Postpartum Fatigue
PHOTO BY Canva
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Lahat ng mom-to-be ay talagang excited namang manganak na. Bukod kasi sa gustong-gusto mo nang makita ang iyong baby, ninanais mo na ring maibsan ang sakit at hirap ng pagbubuntis. Alam mong mami-miss mo ang pagbubuntis pero nasasabik ka na ring mahawakan at maalagaan ang iyong baby.

    Habang tumatagal din ang pagbubutis ay nagiging mahirap na ang pagkilos at paggalaw. Masakit na rin sa likod at balakang dahil sa pagbigat ng iyong tiyan kaya naiinip ka na ring makalabas ang iyong baby. (Simula Week 38, puwede ka nang manganak, basahin dito.)

    Naihahanda rin naman ang mga mommy sa mga inaasahan nilang haharapin pagkapanganak pero iba pa rin talaga kapag naroon na sa tunay na sitwasyon. Masasabing isang hamon sa mga mommy ang pakikipagtunggali sa postpartum journey at ang kaakibat nitong pagod o postpartum fatigue.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdadaraanan dito ang pag-iba-iba ng emosyon at kakaibang pagod sa pag-aalaga ng baby mo at ng iyong sarili. Halo-halong mga kaganapan na hindi minsan malaman kung ano ang uunahin. Hindi pa nga halos nakakabawi sa pagod mula sa panganganak ay nariyan ang iba pang bagay na dapat harapin.

    Hindi rin maiiwasan na makaramdam ng pagka-overwhelmed sa mga nangyayari sa mga paligid at tiyak na makararamdam ng stress ang bagong panganak dahil iba ito sa nakasanayan niya bago ang pagbubuntis at habang buntis.

    Pagharap sa postpartum fatigue

    Sa pagitan ng mga nabanggit na alalahanin, ang panghihina pagkaraan manganak at pagkapagod sa pagkakaroon ng bagong baby ang ilan sa mararamdaman ng bagong mommy sa postpartum fatigue. Sa sitwasyong ito, nawawalan ng enerhiya at kakayahang magpokus sa mga gawain.

    Nakararanas din ng pagbabago sa mood ang mga bagong panganak. Taas-baba ang kanilang emosyon na tila hindi maintindihan. Ito ay dahil din sa pagbabago ng hormones. Bukod pa rito, nawawalan din ng ganang kumain o hirap sa pagtulog.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ayon sa isang artikulo sa National Library of Medicine, magkakaiba-iba ang mga salik na nakaapekto sa postpartum fatigue (PPF). Nangyayari ito bunsod ng mga salik na nakaapekto sa konteksto ng sitwasyon gaya ng kapaligirang kinabibilangan ng isang bagong panganak.

    Sa kabuuan, kinabibilangan ito ng pagbaba ng pisikal at mental na kakayahan para gawin ang mga gawain pagkatapos manganak kabilang na ang kakulangan sa lakas at kawalan ng konsentrasyon. Hindi ito basta agad napapanumbalik pagkatapos matulog o magpahinga.

    Kadalasan naman na nawawala ang ganitong pakiramdam paglipas ng 10 araw o pagkaraan ng ilang linggo. Pero kung hindi nawala, agad na magpakonsulta sa iyong doktor para mabigyan ka ng tamang pamamahala sa iyong nararanasang postpartum fatigue.

    Mga sintomas ng postpartum fatigue

    Batay sa mga pag-aaral, hindi maiiwasan ang postpartum fatigue at bahagi ito ng unang linggo ng postnatal. Ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ay:

    1. Pakiramdam na nalulungkot
    2. Madalas na pag-iyak o naluluha
    3. Pakiramdam na nababalisa o iritable
    4. Kawalan ng interes sa mga bagay
    5. Kawalan ng ganang kumain
    6. Nanghihina, tinatamad o hindi gustong gumalaw o kumilos
    7. Kawalan ng motibasyon at konsentrasyon
    8. Pakiramdam na walang halaga o kakayahan
    9. Pangangayayat o pagbaba ng timbang
    10. Pakiramdam na walang saysay ang mabuhay
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hahayagaan lamang ang mga sintomas na ito, maaaring lumala ang sitwasyon at maging mapanganib sa isang bagong panganak ang pagkakaroon ng postpartum fatigue.

    RELATED: Kailan Nauuwi Sa Postpartum Depression Ang Baby Blues, Ayon Sa Psychologist

    Tips para labanan ang postpartum fatigue

    Kapag nasa ganitong kalagayan makakaramdam ka ng panghihina, pagod, antok, o pagkahilo. Pakiramdam mong patang-pata ang iyong katawan sa hindi mabilang mong gampanin gaya ng pagpapaligo sa iyong baby, pagpapadede, pagpapalit ng diaper at iba pa. Nakadaragdag ang mga ito sa iyo ng stress at nakaapekto sa relasyon mo sa iyong asawa at anak.

    Sikaping magkaroon ng sapat na pahinga

    Isa sa pinakamahalagang gawin mo ang pagkakaroon ng pahinga para maging komportable ka sa pagkilos at mayroon kang lakas na gawin ang mga dapat mong gawin, gaya sa pagpapadede sa iyong baby. Subukin na umidlip o sabayan ng pagtulog ang iyong baby.

    Hindi naman pangmatagalan ang newborn stage, kaya magbabago rin ang haba ng pagtulog ng iyong baby. Makababawi rin ng mas maraming tulog habang lumalaki ang iyong baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Unahin ang iyong kalusugan

    Para mapalakas ang iyong resistensya at mapanatiling mataas ang iyong energy, kumain sa tamang oras at tinitiyak na sapat at masustansiya ang pagkain. Ipagpatuloy rin ang pag-inom ng iyong post-natal vitamins. Manatili ring hydrated sa pag-inom ng maraming tubig.

    Kung kaya at pinayagan ka ng iyong doktor,  subukin din ang mga simple o magagaang  pag-eehersisyo para makakilos ang iyong katawan gaya ng maikling paglalakad-lakad.

    Maaari mo ring isama ang iyong baby na naka-stroller para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi mo maalagaang mabuti ang iyong baby kung hindi mo aalagaan ang iyong sarili.

    READ: Your Postpartum Diet Plan: What To Eat To Combat Constipation, Fatigue, And Swelling

    Humingi ng tulong

    Hindi madali kung aakuin mo lamang ang lahat ng pag-aasikaso sa iyong baby. Hayaan mong tumulong din ang iyong asawa o hingian din siya ng suporta sa pag-aalaga. Kung may mapagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak na maaaring mapakisuyuan din paminsan-minsan, lalo na pagliligpit o paglilinis ng bahay o pagbabantay kahit sandali sa iyong baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang ipaunawa rin sa iba na hindi mo kaya ang mag-isa, napapagod ka rin, at kailangan mong magpahinga. Kung may sapat na budget, kumuha ng makakasama sa bahay kahit na ito ang gagawa ng mga gawaing bahay na makababawas sa iyong intindihin.

    Panandalian lamang ang postpartum fatigue at may magagawa para malabanan ito. Karaniwang bahagi ito ng mga nararanasan ng mga mommy sa unang linggo pagkatapos nilang manganak.

    Kaya nga laging paalala ng mga ob-gyn pagkapanganak mo, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, tama at balanseng pagkain, manatiling hydrated, at huwag mahiyang humingi ng tulong.

    Higit sa anuman, malaki ang magagawa ng support sytem lalo na mula sa iyong asawa dahil lubos na makatutulong ito sa nararamdamang mong postpartum fatigue.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Factors associated with maternal postpartum fatigue: an observational study

    https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6661702/

    Optimizing Postpartum Care

    https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/committee-opinion/articles/2018/05/optimizing-postpartum-care

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ---

    Basahin dito ang iba pang postpartum health problems.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close