;
embed embed2
  • 3 Uri Ng Psoriasis Rash, Mga Sintomas, At Paano Ito Mabibigyan Ng Lunas

    Sadyang mahirap magkasakit ng psoriasis, pero kaya itong malampasan basta't alam mo ang mga dapat gawin at dapat iwasan.
    by Anna G. Miranda .
3 Uri Ng Psoriasis Rash, Mga Sintomas, At Paano Ito Mabibigyan Ng Lunas
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Talagang naaapektuhan ang kumpiyansa sa sarili kapag mayroong rashes sa ating katawan. Bukod sa hindi ito kaaya-aya tingnan, makati at masakit din ito kung minsan. Isa ang psoriasis rash sa mga sakit sa balat na karaniwan nating nararanasan.

    Psoriasis at psoriasis rash

    Ang psoriasis ay isang autoimmune disorder, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Isa rin itong chronic skin condition, na kadalasang nagsisimula sa maliit na pantal o rashes. Ang psoriasis rash ay ang pamamaga, pamumula, at pag-umbok ng ilang bahagi ng nangangaliskis na balat sa anit, siko, kamay, mukha, tuhod, at lower back.

    Ang tipikal na psoriasis, o psoriatic, rash ay whitish-silver at nagiging makapal na pulang patches paglaon. Sa mga mayroong darker skin tones, mas nagkukulay purplish at dark brown ito na may pangangaliskis. Kung minsan, nagka-crack din ito at nagdurugo.

    Maaari ding maiugnay ang psoriasis sa arthritis, type 2 diabetes, inflammatory bowel disease, heart disease, anxiety, depression at iba pang mga karamdaman. Tinatayang nasa 7.5 milyong tao sa U.S. ang apektado nito. 

    Ayon sa mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO), ang psoriasis ay  "chronic, noncommunicable, painful, disfiguring and disabling disease for which there is no cure and with great negative impact on patients’ quality of life (QoL)."

    Mga posibleng sanhi ng psoriasis

    Hindi pa malinaw ang mga sanhi o psoriasis cause, ayon sa mga eksperto. Sinasabing nagiging kapansin-pansin ito dahil sa mabilis na pagdami at paglalagas ng skin cells. Nagkakaroon ng paglalagas ng balat kada tatlo hanggang apat na araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Genetic predisposition

    Napag-alaman ng mga eksperto na namamana ang ganitong kondisyon, lalo kung ma-e-expose sa triggers ng psoriasis ang isang tao.

    Immune system

    Ang white blood cells, na kilala rin bilang T-cells, ay bahagi ng immune system ng katawan. Tumutulong ang mga ito upang makaiwas tayo sa mga sakit, na dulot ng mga bakterya at virus. Kapag mayroon kang psoriasis, ang T-cells mo ang umaatake sa iyong skin cells.

    External at internal factors

    Injury, sunburn, at ilang mga gamot, mga impeksyon, stress, alkohol, o tobacco ang ilan sa posibleng mga trigger

    Sabi pa ng mga eksperto, maaari maipamana ng magulang ang pagkakaroon ng psoriasis. Pero hindi nakahahawa ang sakit na ito. Maaari ding magkaroon ng ganitong sakit anoman ang edad. Pinakakaraniwan ito sa mga edad 50–69. Maaari ring bumabalik-balik ang psoriasis rash at maging mas malala pa kaysa sa unang beses na atake.

    Mga uri at sintomas

    May iba-ibang uri ng psoriasis rash, na hindi nalalayo sa types of psoriasis, tulad ng mga sumusunod:

    Plaque psoriasis

    Ang plaque psoriasis ang pinakakaraniwang uri ng ganitong sakit sa balat. 
    Nasa 80-90% ng mga may psoriasis ang may ganitong kondisyon, ayon sa National Psoriasis Foundation sa Estados Unidos.

    Kasama sa sintomas nito ang patches ng namumulang umbok ng balat sa katawan, braso, binti, tuhod, siko, genitals, at anit. Nagkakaroon din ng pagkapal ng mga kuko (basahin dito ang tungkol sa psoriasis nails).

    Guttate psoriasis

    Madalas na mga bata ang naaapektuhan ng ganitong uri ng psoriasis rash. Kasama sa mga sintomas ang maliliit na spots ng namumulang umbok ng balat. Karaniwang may sore throat bago magkaroon ng ganitong kondisyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pustular psoriasis

    Ang pagkakaroon ng maliliit na pustules (pus-containing blisters) sa buong katawan, o sa palad, talampakan, at iba pang bahagi ang palatandaan ng ganitong psoriasis. Ang mga sintomas ng psoriasis ay katulad din ng ibang skin conditions. Makatutulong ang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ng wastong diagnosis.

    Diagnosis at treatment

    Kapag nagkaroon na ng pangangaliskis ng balat, kasunod nito ang pagsuri sa mga kuko at balat ng pasyente. Karaniwan ding nagsasagawa ng skin biopsy upang makumpirma ang diagnosis.

    Ang paggamot sa psoriasis rash ay batay sa sumusunod:

    • Edad
    • Kabuuang kalagayan ng kalusugan
    • Medical history

    Ang iyong tolerance sa ilang mga gamot, procedures, o therapies ay mahalaga ring alamin. Layunin ng treatment ang mabawasan ang pamamaga at mapabagal ang pagdami at paglalagas ng balat. Sa ngayon, wala pang garantisadong gamot para sa psoriasis, pero maaari itong mabigyan ng paunang lunas. 

    Kasama sa pag-manage sa psoriasis ang mga sumusunod:

    • Ointments at creams (para ma-moisturize ang balat)
    • Init ng araw o ultraviolet light exposure
    • Laser treatments
    • Topical steroid creams
    • Vitamin D cream
    • Creams na mayroong salicylic acid o coal tar
    • Anthralin bilang nti-inflammatory drug para sa mas makakapal at mahirap gamutin na patches ng psoriasis
    • Oral o topical retinoids
    • Immunosuppressive medicines (tulad ng cyclosporine o methotrexate)
    • Mas bagong injectable biologic medicines

    Makokontrol ang mga sintomas ng psoriasis rash sa tulong ng wastong gamutan. Kailangan ding panatilihing malinis ang katawan, partikular na ang balat at iwasan ang person-specific psoriasis triggers (tulad ng excessive stress) upang mabawasan ang flare-ups.

    Kapag mayroong moderate o severe psoriasis, o kung tumigil na sa pagtugon ang karamdaman sa ibang treatments, dito na inirerekomenda ng doktor ang oral o injected medication.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakakaraniwang oral at injected medications na ginagamit para sa psoriasis ay ang sumusunod:

    Biologics

    Binabago nito ang immune system at pinipigilan ang interactions sa pagitan ng immune system at inflammatory pathways. Ang medications na ito ay ini-inject o tinuturok at ibinibigay sa pamamagitan ng intravenous (IV) infusion.

    Retinoids

    Nababawasan ang skin cell production sa tulong ng retinoids. Kapag tumigil ka na sa paggamit nito, posibleng bumalik din ang mga sintomas ng psoriasis. Kasama sa side effects ang paglalagas ng buhok at mucosal dryness.

    Ang mga buntis o maaaring mabuntis sa susunod na tatlong taon ay dapat na umiwas sa retinoids dahil sa risk ng posibleng birth defects sa unborn children.

    Cyclosporine

    Nakatutulong ang cyclosporine (Sandimmune) na mabawasan ang response ng immune system. Dahil din sa mas mahinang immune system, posibleng mas dapuan ka ng sakit. Kasama sa potential side effects ang kidney problems at high blood pressure.

    Methotrexate

    Tulad ng cyclosporine, sinu-suppress ng methotrexate ang immune system. Maaaring mas kaunti ang side effects nito kapag paunti-unti lang ang gamit. Posibleng ring makapagdulot ng seryosong side effects kapag pangmatagalan ang paggamit. Kasama rito ang liver damage at reduced production ng red at white blood cells.

    Tulong ng lifestyle changes

    Mayroong limang lifestyle changes na maaaring makatulong upang maibsan ang sintomas ng psoriasis at mabawasan ang flare-ups:

    • Magbawas ng timbang
    • Kumain ng masustansyang pagkain
    • Iwasan ang trigger foods
    • Bawasan ang pag-inom ng alak
    • Uminom ng vitamins

    Nakatutulong ang pagbabawas ng timbang upang maging mas epektibo ang treatments na pagdaraanan upang maibsan ang epekto ng sintomas sa iyong katawan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaang hindi lunas ang pagkain para magamot ang psoriasis, ngunit ang pagsunod sa nutrient-rich diet ay maaaring makabawas sa iyong mga sintomas. Piliin ang heart-healthy diet kaysa sa mga pagkaing mataas sa saturated fats, tulad ng animal products na karne at dairy.

    Nakatutulong din ang pagkain ng lean proteins na mayroong omega-3 fatty acids, tulad ng salmon, sardinas, at hipon. Ang plant sources ng omega-3s ay walnuts, flax seeds, at soybeans.

    Kasama sa trigger foods ang sumusunod:

    • Red meat
    • Refined sugar
    • Highly processed foods
    • Dairy products
    • Alcohol

    Nagiging sanhi rin ng flare-ups ang pag-inom ng alak. Malaking tulong kung mayroon kang treatment plan na aprubado ng iyong doktor sakaling hirap kang mag-quit sa pag-inom ng alak. Ang pag-inom ng vitamins ay malaki rin ang tulong sa pagpapalakas ng immune system.

    Ang pag-iwas sa paninigarilyo, pag-e-ehersisyo, at pagkonsulta sa dermatologists ay ilan pa sa maaaring gawin.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor

    Kapag may napapansing makating rashes, pagbibitak-bitak at pamumula ng patse-patseng balat, agad na kumunsulta sa doktor upang mabigyan ka ng wastong diagnosis.

    Ang pagkakaroon ng psoriasis at psoriasis rash ay sadyang mahirap ngunit kaya naman itong malampasan basta't alam mo kung ano ang kailangan at ang mga dapat iwasan.
    Ang maagang diagnosis at pagkakaroon ng treatment plan ay mahalaga upang hindi ka tuluyang maapektuhan ng ganitong uri ng karamdaman.

    Basahin dito ang iba pang mga paraan bilang gamot sa psoriasis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles