;
embed embed2
Tama O Mali: Dapat Kusutin Ang Mata Kapag Napuwing?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nakaramdam ng iritasyon sa mata, na parang pinasukan ito ng buhangin o iba pang maliit na bagay, kaagad itong kinukusot. Pero may tamang puwing sa mata treatment, ayon sa mga eksperto na dapat ginagawa.

    Mga dapat malaman tungkol sa mata

    Tulong-tulong ang lahat ng mga parte ng mata para makakita ito, sabi ng United States National Eye Institute (NIE). Una, dadaanan ng liwanag ang cornea, o iyong malinaw na harapang layer ng mata. Hugis dome ang cornea at nababali ang liwanag dito para tulungan ang mata na maka-focus.

    Ang ilan sa liwanag ay pumapasok sa mata sa pamamagitan ng lagusan na kilala bilang pupil. Samantala, ang iris, o iyong may kulay na parte ng mata, ang siya namang komokontrol sa dami ng liwanag na pinapayagan ng pupil na makapasok.

    Pagkatapos, dadaan naman ang liwanag sa lens, o iyong malinaw na loobang parte ng mata. Katuwang ng lens ang cornea para i-focus ang liwanag nang tama sa retina, o iyong sensitibo sa liwanag na layer ng tissue sa may likuran ng mata. Kapag kasi tumama ang liwanag sa retina, ang special cells na tinatawag na photoreceptors ay ginawa ang liwanag bilang electrical signals

    Ang electrical signals ay tumatakbo mula sa retina sa pagitan ng optic nerve papunta sa brain. Tungkulin ng brain na gawin ang mga signal bilang mga imahe na siyang nakikita. Kailangan din ng mata ang luha para gumana nang tama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga kadalasang pinsala sa mata

    Sinasabing delikado ang mata kapag napinsala dahil puwede magkaroon ng diperensya sa paningin hanggang tuluyang mabulag. Kaya bilin ng American Academy of Ophthalmology (AAO) na ipatingin ang mata sa espesyalista kahit akala mo minor lang ang pinsala. Iwasan mo raw na bigyan ng sariling lunas ang mata dahil baka lalo lang gumagrabe ang sitwasyon.

    Kabilang sa common injuries sa mata ang mga sumusunod:

    • Suntok
    • Palo mula sa kamay, bola, o iba pang sports equipment
    • Talsik mula sa kemikal
    • Mga lumilipad na bagay mula sa explosion o di kaya industrial work
    • Kahit anong lumilipad na bagay na pumapasok sa mata

    Kapag may pumasok na anumang bagay sa mata, tinatawag ito ng mga Pinoy bilang puwing.

    Mga dapat gawin kapag napuwing

    Hindi maiiwasan na mag-alala kapag may pumasok na buhangin, alikabok, o iba pang bagay dahil mahapdi na parang may bubog sa mata ang pakiramdam. Mapapaisip ka rin na baka mapinsala ang mata.

    Pero, ayon sa AAO, hindi emergency case ang puwing. Sadyang mahusay daw ang mata na tanggalin ang dumi sa tulong ng luha at pagkurap. Kaya hayaan muna gawin ng mata ang tungkulin nito, at saka ka lang daw gumawa ng ibang paraan.

    Paaala lang ng mga eksperto na alamin ang posibleng sanhi ng puwing. Kapag kasi metal, glass, at iba pang man-made na materyales ang sanhi, posibleng seryosong kaso ito. May kakayahan ang mga ito na dumikit at bumaon sa surface ng mata, at saka magdudulot ng iristasyon at dagdag na pinsala.

    Ito ang mga bilin ng mga eksperto bilang puwing sa mata treatment:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Huwag kusutin ang mata
    • Kumurap ng ilang beses at hayaan dumaloy ang luha para matanggal ang sanhi ng puwing
    • Itaas ang talukap ng mata nang makalapit ang mga pilik-mata at mawalis nito ang sanhi ng puwing
    • Gumamit ng eyewash o di kaya saline solution, pero puwede rin ang tubig sa gripo, para mahugasan ang mata

    Kung pakiramdam mo ay hindi matanggal ang sanhi ng puwing, mainam na magpatingin ka na sa doktor. Bantayan mo rin daw ang mga ganitong mga sintomas ng seryosong pinsala sa mata:

    • Pagkirot
    • Hirap makakita
    • May hiwa o sugat ang talukap ng mata
    • Hindi makasabay sa paggalaw ang isang mata
    • Nakausli ang isang mata
    • May kakaibang laki at hugis ang pupil
    • May dugo sa malinaw na parte ng mata
    • Hindi matanggal ang foreign object kahit kumurap at bigyan ng puwing sa mata treatment

    Basahin dito para sa sugat sa mata at dito para sa gamot sa pamamaga ng mata.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles