embed embed2
Pwede Ba Uminom Ng Pills Kahit Hindi Pa Dinadatnan?
PHOTO BY Shutterstock/Africa Studio
  • May iba’t ibang uri at gamit ang iniinom na birth control pills. Karaniwan na iniinom ito para hindi mabuntis. Pero pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan?

    Sa maikling salita, oo, pwede mong inumin ang pills pagkakuha mo nito at sigurado ka na hindi ka buntis. Pero may mga dapat tandaan na mababasa sa baba.

    Nakaaapekto sa menstrual cycle ang pag-inom ng pills dahil sa pag-introduce nito ng ibang hormones sa iyong katawan. Maaaring maranasan ang ilang araw na pagreregla o kaya naman hindi ka na talaga datnan.

    Sa pag-inom ng pill, nare-regulate nito ang iyong period sa four-week cycle. Maaaring asahan ang pagdating ng iyong regla tuwing ika-28 araw. Samantala, sa ibang birth control method, maaaring mas madalas ang iyong period, mas madalang, o posibleng hindi ka datnan ng buwang dalaw.

    Pinaiinom ng pill ng mga doktor ang mga babae para maging maayos o ma-regular ang dating ng kanilang regla o kaya naman pag may kinakaharap na medical condition gaya ng hormonal imbalance, polycystic ovarian syndrome at endometriosis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dahilan kung bakit hindi ka dinatnan habang umiinom ng pills

    Nagtataglay ang mga birth control pill ng iba’t ibang hormones na nakakapigil para sa pagbubuntis. Nagagawa ng hormones na ito na mapigilan ang ovulation, mapanipis ang uterine lining para hindi ma-fertilize ang egg, at magdulot ng pagkapal ng cervical mucus para hindi maabot ng sperm ang egg.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring maituturing na dahilan ang sumusnod kung hindi ka pa dinadatnan pero umiinom ka ng pills.

    Stress

    Nakaapekto sa iyong isip at katawan ang labis na stress. Makapagbabago ito sa paggana ng iyong hypothalamus na siya namang bahagi ng iyong utak na nagkokontrol sa hormone regulation.

    Pagbaba ng timbang

    Ang pagbabawas sa pagkain na makaapekto sa mabilisang pagbabago sa timbang ay makaaapekto sa iyong menstrual cycle.

    Exercise

    Ang labis na exercise gaya ng matitindi o mabibigat na training exercise ay makagagambala sa hormone level at makapagpapahinto ng iyong pagregla.

    Pag-inom ng continous birth control

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba’t ibang type ng pills, at isa sa popular ay ang Yaz. Iniinom ang active pills na ito nang tuloy-tuloy sa loob ng tatlong buwan at sinusundan naman ng pag-inom ng inactive pills nang isang linggo.

    Posible na may spotting ka sa pagitan ng mga buwan ngunit maaaring daratnan ka ng iyong period sa panahon ng pag-inom mo ng inactive pills.

    Paano ang tamang pag-inom ng pills

    Bago uminom ng pill, mahalaga na magpa-checkup muna upang malaman ang iyong kondisyon pangkalusugan. Sundin ang anumang ipapayo sa iyo ng doktor sa pag-inom nito. Narito ang ilang bagay na dapat tandaan kapag iinom ng pill:

    • Tiyakin mong hindi ka buntis. Makaaapekto sa baby ang pag-inom ng pill.
    • Pwede inumin mo ang pill sa araw na magkaroon ka.
    • Pwede mong inumin ang pill pagkabili o pagkakuha mo nito. Tandaan lamang na ang ganitong paraan ng pag-inom ay kailangan bigyan ng panahon mag-build ang hormones sa katawan. Baka kailangan ng backup na contraceptive.
    • Pwede ka rin mag-umpisa sa unang limang araw ng period o regla. Hindi ka mabubuntis o safe na kapag nag-umpisa ka sa araw na ito at hindi na dapat pang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik sa iyong asawa.
    • Maraming birth control pills ang naka-package na magsimula sa Linggo. Iinumin mo ang pill sa unang Linggo pagkatapos mong magkaroon ngunit kailangang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik.
    • Tiyakin na nasusunod ang tamang oras ng pag-inom ng pill araw-araw (maging consistent sa oras ng pag-inom). Sundin mabuti ang instructions para sa klase ng pill na iyong iniinom.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na kapag hindi tama ang pag-inom ng pills o kahit isang araw na nakaligtaan mong uminom nito, mawawala ang bisa nito kaya posible kang mabuntis.

    Breastfeeding bilang birth control

    Kung hindi ka pa dinadatnan pagkaraan ng tatlong buwan pagkapanganak, maaaring dahil ito sa iyong pagpapasuso o breastfeeding. Ito ay tinatawag na lactation amenorrhea method (LAM) na isang uri din ng natural family planning.

    Kung ikaw ay exclusive breastfeeding hindi ka agad dadatnan ng iyong period, ito ang magiging proteksyon mo para hindi ka mabuntis. Basahin dito ang mga conditions na kailangan sundin kung gusto mo ng LAM. Kapag may isang condition na hindi mo magagawa, hindi it advisable na birth control method.

    Kung umiinom ka pill pero hindi ka pa dinadatnan ay walang dapat ikabahala basta maayos ang pag-inom mo nito at matapat mong nasusunod ang paraan ng pag-inom.

    Pero kung ibig mong makatiyak at maalis ang pagkabahala at pag-aalala, maaaring gumamit ng pregnancy test para malaman kung buntis. Pakiramdaman din ang iyong sarili sa mga sintomas na mararanasan mo. Tandaan din na nakaapekto sa iyong pagreregla ang pagbabago sa iyong lifestyle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Additional sources: Greatist, Medical News Today

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles