;
embed embed2
  • Hindi Lang Diabetes Ang Dulot Ng Problema Sa Pancreas: 4 Pang Sakit Sa Lapay

    Malaki ang papel ng lapay, o pancreas, sa digestive system.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Lang Diabetes Ang Dulot Ng Problema Sa Pancreas: 4 Pang Sakit Sa Lapay
PHOTO BY Pexels/Andrea Piacquadio
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag sinabing pancreas, na lapay sa wikang Filipino, kaagad itong inuugnay sa diabetes. Pero meron pang ibang sakit sa lapay na kailangan ding bigyan ng pansin.

    Mga dapat malaman sa lapay

    Malaki ang papel na ginagampanan ng lapay o pancreas sa digestive system, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Matatagpuan ang pancreas sa may bandang likuran ng tiyan, at halos kasinglaki ng kamay.

    Pancreatic enzymes

    Habang nangyayari ang proseso ng digestion, gumagawa ang lapay ng katas, o pancreatic juices, na kung tawagin ay enzymes. Ang enzymes ang tumutunaw sa sugars, fats, at starches na mula sa mga kinain. Naglalakbay ang pancreatic enzymes  mula sa lapay, sa pamamagitan ng mga lagusan, hanggang makarating sa itaas na bahagi ng small intestine. Tinatawag itong duodenum.

    Araw-araw, tinatayang 8 ounces ang ginagawa ng lapay na digestive fluid na puno ng enzymes. Narito ang iba-ibang klase ng enzymes:

    Lipase

    Katuwang ng enzyme na ito ang bile, na gawa ng atay (liver) para matunaw ang taba sa kinakain mo. Kapag kulang sa lipase ang iyong katawan, mahihirapan itong sipsipin ang taba (fat) at ang importanteng fat-soluble na vitamins (A, D, E, K). Kabilang sa mga sintomas ng poor fat absoption ang diarrhea at fatty bowel movement.

    Protease

    Tinutunaw ng enzyme na ito ang protina mula sa iyong mga kinakain. Tumutulong din itong labanan ang germs na maaaring nakatira na sa iyong bituka, or intestines. Kabilang diyan ang ilang bacteria at yeast. Kapag hindi natutunaw ang protina, maaaring magdulot ito allergic reaction sa ibang tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Amylase

    Tumutulong ang enzyme na ito para tunawin ang mga starch para maging sugar. Gagamitin ang sugar (glucose) bilang energy ng katawan. Kapag hindi sapat ang amylase, puwede kang magkaroon ng diarrhea mula sa hindi natuwan na carbohydrates.

    Pancreatic hormones

    May dagdag tulong ang lapay sa digestive system galing sa ginawa nitong hormones. Ang hormones ay tinatawag na chemical messagers na naglalakbay sa dugo para magawa ang kanilang tungkulin.

    Tungkulin ng pancreatic hormones ang:

    • Pagbalanse o regulation ng blood sugar levels at appetite, o gana sa pag kain
    • Pasiglahin ang stomach acids
    • Pagsasabi sa tiyan na oras nang magbawas

    Kung ang pancreatic enzymes ay pinapakawalan sa digestive system, pinapakawalan naman sa dugo ang pancreatic hormones. Kabilang sa mga ito ang:

    Insulin

    Ginagawa ang hormone na ito sa cells ng lapay, at tinatawag na beta cells. Tinatayang 75 percent ang beta cells sa kabuuang pancreatic hormone cells. Ang insulin ang hormone na tumutulong sa katawan na gamitin ang sugar (glucose) bilang energy. Kapag hindi sapat ang insulin, tumataas ang sugar levels, na maaaring magdulot ng diabetes.

    Glucagon

    Ang hormone na ito ang ginagawa ng alpha cells na bumubuo sa 20 percent ng kabuuang cells sa lapay. Makakatulong ang glucagon kapag bumaba nang husto ang iyong blood sugar dahil ito ang magsasabi sa atay na magpakawala ng naimbak sa sugar.

    Gastrin and amylin

    Ginagawa ang gastrin sa tinatawag na G cells sa tiyan, pero meron ding ginagawa sa lapay na mismo. Ginagawa naman ang amylin sa beta cells, at tumutulong ito na kontrolin ang gana sa pag kain at pagbabawas ng laban ng tiyan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga sakit sa lapay

    Apektado ang lapay sa mga ganitong problemang pangkalusugan o pancreatic disorders.

    Type 1 diabetes

    Nagkakaroon ng type 1 diabetes kapag wala nang nagagawang insulin. Kadalasang nagsisimula sa pagkabata, kaya tinatawag din itong juvenile diabetes.

    Type 2 diabetes

    Nagkakaroon ng type diabetes hindi nagagamit nang tama ang insulin. (Basahin dito ang mga sintomas ng diabetes.)

    Hyperglycemia

    Resulta ang hyperglycemia sobrang paggawa ng glucagon. Tumataas nang husto ang blood sugar levels. (Basahin dito ang mga sintomas ng mataas ang blood sugar.)

    Hypoglycemia

    Nangyayari ang hypoglycemia kapag kumonti ang nagagawang insulin. Bumababa nang husto ang blood sugar levels.

    Pancreatitis

    Ito ang resulta kapag nagsimulang magtrabaho ang enzymes habang nasa pancreas at hindi pa nakakarating sa destinasyon nila na duodenum. Posibleng dulot ito ng gallstones o labis na pag-inom ng alak.

    May tatlong uri ng pancreatitis, ayon sa The National Pancreas Foundation:

    Acute pancreatitis

    Ito ang biglaang atake na nagreresulta sa pamamaga ng lapay, kaya labis na kumikirot ang itaas na bahagi ng tiyan. Maaaring tumagal ang kirot ng ilang araw at may kasamang pagkahilo, pagsusuka, pamamanas, pagtatae, at pagkakaroon ng lagnat.

    Chronic pancreatitis

    Isa itong progressive disorder sangkot ang pagsira ng lapay. Ibig sabihin, nangyayari ang pagkasira sa loob ng ilang panahon. Mas apektado ang mga kalalakihan, lalo na sa mga edad 30 hanggang 40.

    Maaaring magsimula ang sintomas sa pananakit ng itaas na bahagi ng tiyan at pagtatae. Pero sa paglipas ng panahon, mapapansin ang pagiging malnourished at pagbagsak ng katawan. Kapag tuluyang nasira ang lapay, maaaring magkaroon ng diabetes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hereditary pancreatitis

    Ito ang resulta ng namanang abnormality sa lapay o di kaya sa bituka. Nagsisimula ang pag-atake bago pa tumungtong ng edad 30. Sa pagdaan ng panahon, maaari itong maging chronic pancreatitis.

    Pancreatic cancer

    Sanhi ang ganitong sakit sa lapay ng cancer cells. Maaari itong magamot sa pamamagitan ng operasyon kung maaagapan. Pero sadyang napakahirap nitong madiskubre kaagad, kaya kadalasang nagiging mahirap nang magamot.

    Basahin dito ang sakit sa endocrine system.

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles