embed embed2
Masakit Ang Sikmura Sa Pagitan Ng Dibdib At Pusod? Baka Dahil Sa Ulcer: 13 Posibleng Sanhi
PHOTO BY Pexels/Sora Shimazaki
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    “Naku, nagpalipas ka naman kasi ng gutom. Tiyak n’yan may ulcer ka na!” Ganito ang mga linyang madalas nating marinig kapag nakararanas ka ng masakit na tiyan o mahapding sikmura na kung minsan ay naduduwal ka rin. Bukod pa rito, nakapagdudulot din daw ng ulcer ang sobrang stress. Pero ano nga ba talaga ang sanhi ng ulcer?

    Pagkasugat ng sikmura dulot ng ulcer

    Nangyayari ang ulcer sa tiyan kapag nagsugat o nabutas ang lining ng ating sikmura. Ito ang dahilan kaya nakararamdam tayo ng pananakit sa tiyan. Karaniwang tinatawag itong gastric ulcers.

    Ang gastric ulcer ay uri ng sakit na peptic ulcer, na tumutukoy sa anumang ulcer na nakaapekto sa tiyan at maliliit na bituka sa sikmura. (Basahin dito ang mga sakit sa tiyan at digestive system.)

    Ayon sa Johns Hopkins Medicine, ang ulcer ay isang bukas (open) at masakit (sore) na sugat sa bituka. Nabubuo ang peptic ulcer sa sikmura o sa itaas na bahagi ng maliit na bituka na tinatawag na duodenum. Sa katunayan, pangkaraniwan na raw ang kondisyong ito.

    Lumalabas ang sakit na ito kapag nababawasan ang makapal na layer ng mucus na nagbibigay proteksyon sa tiyan mula sa mga digestive juices. Nakararanas tayo ng pananakit ng tiyan dahil sa nagkakaroon ng sugat o butas ang sikmura.

    Mga posibleng sanhi ng ulcer

    Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang sanhi ng pagkakaroon ng ulcer ay:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Labis na stress
    • Pagkain ng maanghang
    • Pag-inom ng alak

    Pero batay sa mga pag-aaral, napatutunayan ding ang karaniwang pinagmumulan pa ng peptic ulcer ay dahil sa:

    • Impeksyon sa sikmura at itaas na bituka na mula sa paninigarilyo o sa matagal na pag-inom ng gamot

    Gayunpaman, ayon pa sa mga paga-aral, natuklasan ding may isang na partikuar na bakterya na nabubuhay at tumutubo sa sikmura na nagdudulot ng ulcer:

    • Helicobacter plyori, o H. plyori

    Pero may ilang tao na may ganitong impeksyon na hindi halos nakararanas ng ulcer. Kaya paniniwala ng mga eksperto na ito ay maaaring depende rin sa kondisyon ng bawat tao.

    Maaaring ang mga nagkakaroon ng ulcer ay dahil may problema na talaga sa lining ng kanilang bituka o ang iba naman ay talagang natural nang acidic kahit na ano pa ang kanilang kinakain o anumang stress ang nararanasan nila.

    Kung susumahin, masasabing ang ulcer sa tiyan ay may kinalaman sa kombinasyon ng impeksyon na dala ng bakteryang H. plyori at ng lebel ng acid sa sikmura.

    Bukod sa bakteryang H. plyori, ang ilan pa sa posibleng dahilan ng pagkakaroon ng ulcer ay ang mga sumusunod:

    • Matagal na pag-inom ng gamot na mga pain reliever o mga nonsteroidal anti-inflammatory tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin
    • Matagal na pag-inom ng mga gamot na may matataas na dosage sa loob ng matagal na panahon
    • Mataas din ang tiyansa na magkaroon ng ulcer sa paninigarilyo dahil nagdudulot ng pagprodyus ng mas maraming acid sa sikmura ang nikotina mula sa sigarilyo
    • Palagiang pag-inom ng alak, na sa katagalan nagagawa nitong mabutas ang lining ng sikmura at mga bituka
    • Pagkakaroon ng hyperacidity dahil sa pagkain ng maaanghang o mamantika
    • Pagdanas ng matinding stress na emosyonal o pisikal na nakaapekto sa tamang pagkain
    • Pagpapalipas ng gutom o pag-kain nang wala sa tamang oras
    • Pagkakaroon ng history sa pamilya o pagkakaroon ng mga kondisyong maaaring namamana
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mga sintomas ng ulcer

    Ang pananakit sa gitna ng iyong sikmura na nasa pagitan ng dibdib at pusod ang karaniwang sintomas na nararanasan kapag may ulcer. Mas tumitindi rin ang pagsakit nito kapag walang laman ang tiyan. Posibleng tumagal ng ilang minuto hanggang ilang oras din.

    Bukod pa rito, ang iba pang sintomas ng ulcer ay:

    • Kawalan ng gana sa pagkain
    • Biglaang pagkirot ng tiyan
    • Pagkahilo
    • Madalas na pagdighay o pagsinok
    • Pagbaba ng timbang
    • Pagsusuka
    • Pagdumi na may kasamang dugo o di kaya maitim ang dumi

    Bilin ng mga eksperto na kapag nararanasan ang dalawang huling sintomas, lalo na rin ang pagsusuka na may kasamang dugo o di kaya kulay kape ito, agad na magpatingin sa doktor. Ang dalawang huling nabanggit ay mga sintomas na malala ang kondisyon ng iyong ulcer sa tiyan.

    Paano nagagamot ang ulcer

    Nagagamot ang ulcer kapag naagapan ito. May inirereseta ang mga doktro na antibiotic na iinumin sa loob ng 2 linggo para mapatay ang bakterya na H. plyori sa sikmura. Isa pang paraan ang antacids na tumutulong para mabawasan ang acid sa sikmura at matulungang protektahan ang lining ng sikmura.

    Umaabot nang 2 buwan o higit pa ang pag gamot sa ulcer hanggang sa gumaling ang sugat sa sikmura. Nauuwi rin sa mas seryosong kondisyon ang ulcer kapag hindi nagamot nang tama.

    Kapag napabayaan at binalewala ang anumang sintomas na nararanasan, maaaring mauuwi ito sa:

    • Malalang impeksyon sa sikmura
    • Mararanasan ang pagdurugo ng tiyan
    • Pagbara at hirap sa pagtunaw o pag-digest ng pagkain

    Kaya sabi ng mga eksperto na agad na kumonsulta sa iyong doktor kapag nararanasan ang alinman sa mga nabanggit na sintomas nito. Huwag ipagwalang-bahala ang pananakit ng sikmura kahit na bahagya lamang ngunit palagian naman dahil baka humantong pa sa mas mapanganib na sitwasyon. Tandaan na delikado at lubhang mapanganib na kapag may pagdurugo na ng sikmura.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano maiiwasan ang ulcer

    Mahalaga na kumain sa tamang oras para makaiwas sa ulcer. Ang payo ng mga eksperto ay kumain ng lima hanggang anim na maliliit na meals kada araw. Iwasan iyong maramihan na sobrang busog na busog. Bawasan din ang pagkain ng masyadong maanghang at mamantika. (Basahin dito ang mga inuming bawal sa acidic.)

    Bukod pa rito, makaiiwas din sa pagkakaroon ng ulcer ang pagtigil o pag-iwas sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kung makakayanan din, iwasan ang sobrang pag-inom ng mga pain reliever. Higit sa lahat, matutong magrelaks para makaiwas sa anumang emosyonal at pisikal na stress, na isa sa mga sanhi ng cancer.

    ---

    Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

    May Ulcer Ka Ba? Heto Ang Mga Pagkaing Dapat Kainin At Iwasan

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/gamot-sa-ulcer-a1850-20191219

    Ulcers

    https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Ulcers

    Read also: Acid reflux at GERD: Ano ang Pagkakaiba

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close