;
embed embed2
  • May Kinalaman Ang Mataas Na Creatine Sa Kidney Disease: 8 Sintomas Na Dapat Bantayan

    Kapag buntis, tumataas din ang creatinine, pero temporary lang.
    by Jocelyn Valle .
May Kinalaman Ang Mataas Na Creatine Sa Kidney Disease: 8 Sintomas Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nagpa-check up ka sa doktor para sa hindi pa matukoy na karamdaman, kadalasang isinasama sa mga laboratory test ang creatinine. Mahalaga kasing malaman ang lagay nito sa katawan at baka tumugma sa mga sintomas ng mataas ang creatinine na maaaring nararamdaman mo na.

    Ano ang creatinine?

    Ang creatinine ay waste product ng creatine, na isang chemical sa katawan na nagbibigay ng energy sa muscles, ayon sa Cleveland Clinic.  Kapag daw gumagamit ang muscles ng energy, ang tissue dito ay nahahati-hati sa maliliit na piraso. Sa ganitong natural breakdown ng muscle lumalabas  mula sa creatine ang creatinine para sumama sa dugo o bloodstream.

    Sa normal na kondisyon ng katawan, nasasala ang creatinine pagdating sa mga bato (kidneys). Pagsasala kasi ang trabaho ng kidneys, kaya tinatawag ang pares na ito bilang filters. Dahil sa pagsasala, nalilinis ang dugo. Natatanggal kasi ang nasalang dumi, tulad ng creatinine, kasabay ng ihi. Kung hindi maayos ang lagay ng kidneys, maaaring tumaas ang dami ng creatinine sa dugo.

    Ayon sa mga eksperto, tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng problema sa kidney kung may:

    • Edad 60 pataas
    • Diabetes
    • High blood pressure
    • History ng kidney diseases sa pamilya

    Mga sintomas ng mataas ang creatinine

    Hindi nalalayo ang mga senyales sa pagkakaroon ng kidney disease, sabi ng MedlinePlus na mula sa United States National Library of Medicine. Kabilang diyan ang mga sumusunod na parehong sintomas ng kidney problem

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Madaling mapagod o pagkahapo (fatigue)
    • Pagmamanas, lalo na sa mga paa at bukong-bukong (ankles)
    • Paglobo (puffiness) sa paligid ng mga mata
    • Pagbawas ng ganang kumain
    • Madalas at makirot na pag-ihi
    • Pagkakaroon ng ihi na mabula o di kaya may dugo
    • Pakiramdam ng nahihilo at nasusuka (nausesa)
    • Pangangati ng balat

    Paano malalaman na mataas ang creatine?

    Isa sa mga paraan para matukoy ang problema ay sa pamamagitan ng pagkuha ng creatine clearance test gamit ang iyong ihi at dugo. Kung higit pa sa normal level ng creatinine ang lumabas sa resulta, sabi ng mga eksperto, maaring indikasyon ito ng mga ganitong kondisyon:

    • Kidney disease o iba pang sakit na apektado ang kalagayan ng kidney
    • Autoimmune diseases
    • Bacterial infection sa mga kidney
    • Baradong (blocked) urinary tract
    • Heart failure
    • Kumplikasyon mula sa diabetes

    Paalala ng mga eksperto na may iba pang sanhi ng mataas na creatinine, kung temporary lamang. Kabilang diyan ang:

    • Page-ehersisyo nang todo (intense exercise)
    • Madalas na pag-kain ng karne o red meat
    • Pag-inom ng mga partikular na gamot, na nagpapataas ng creatinine levels bilang side effect
    • Pagbubuntis

    Sa normal na pagbubuntis, paliwanag ng My Health information resource ng Alberta provicial government sa Canada, tumataas talaga ang blood volume at bumibilis and kidney function. Ang nangyayari tuloy, tumataas din ang dami ng creatinine na nasasala ng mga kidney at sumasama sa ihi.

    Nabibilang ang mga nasasalang creatinine sa pamamagitan ng creatinine clearance value. Kapag bumababa ang creatinine clearance value ng buntis, sabi pa ng mga eksperto, maaaring naaapektuhan ang mga kidney ng pregnancy complication na preeclampsia. Ibig sabihin kasi nito kumokonti ang nasasalang creatinine mula sa dugo. Ang nababawas sa creatinine clearance value ang masasabing indikasyon ng pagkasira sa mga kidney.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang creatine clearance value ay nakikita sa pamamagitan ng urine test, ayon sa U. S. National Kidney Foundation. Kaya mahalagang gawin ito bukod pa sa blood test, na kadalasang ginagawa para naman sa tinatawag na serum creatinine. Apektado raw kasi ang serum creatinine ng edad, lahi, kasarian, at laki ng katawan ng pasyente. Kaya mainam na piliin iyong blood test na nasusukat ang glomerular filtration rate (GFR).

    Sa urine test din malalaman ang albumin-to-creatinine ratio (ACR). Ang albumin ay isang uri ng protein, na sinasabing normal ang dami kung hindi hihigit sa 30 mg/g. Kapag mataas ang albumin, mataas din ang panganib ng magiging malala ang kidney disease.

    Bilin ng mga eksperto na ipagpatuloy ang pagkonsulta sa doktor nang mabigyan ng tamang diagnosis at paggamot hindi lang sa mga sintomas ng mataas ang creatinine.

    Para malaman kung paano maiwasan ang sakit sa bato, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles