embed embed2
  • Sipon, Sakit Ng Katawan At Iba Pang Sintomas Ng Influenza At Paano Ito Maiiwasan

    Sa panahon ngayon, napakahirap magkasakit.
    by Ana Gonzales .
Sipon, Sakit Ng Katawan At Iba Pang Sintomas Ng Influenza At Paano Ito Maiiwasan
PHOTO BY Pexels
  • Napakahirap magkasakit ngayon. Bukod sa napakadelikado na ng panahon, patuloy na ring nagbabago ang mga karamdaman—mahirap maging kampante.

    READ MORE ABOUT INFLUENZA HERE: 

    Kaya naman mahalagang kilalanin mo ang mga karamdaman at alamin mo ang mga sintomas nito. Isa sa mga malimit tumama sa mga tao ay ang influenza o flu.

    Ano ang influenza?

    Ang flu ay isang nakakahawang respiratory illness na dulot ng influenza virus. Maaari nitong maapektuhan ang ilong, lalamunan, at minsan ang baga ng isang tao. Maaari itong magdulot ng mild hanggang severe na karamdaman na maaaring humantong sa kamatayan.

    Ano ang pinagkaiba ng flu sa cold?

    Halos magkapareho ang sintomas ng cold at flu. Ang pinagkaiba ng dalawa ay kung anong virus ang nagdudulot sa kanila.

    Dahil halos kapareho lang ng influenza symptoms ang sa cold, malimit ay napagpapalit ang dalawa. Mas malala ang flu kaysa sa cold. Maaari itong magdulot ng mga delikadong kalagayan tulad ng pneumonia at bacterial infections. Maaari rin itong magdulot ng mga seryosong kumplikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano ang mga sintomas ng influenza?

    • lagnat
    • ubo
    • pananakit ng lalamunan
    • sipon
    • sakit ng ulo
    • matinding pagod

    Maaari rin itong samahan ng pananakit ng katawan, pagsusuka, at pagtatae. Ayon pa sa mga eksperto, hindi lahat ng may flu ay magkakaroon ng lagnat.

    Anu-ano ang mga maaaring maging komplikasyong kaakibat ng flu?

    Malimit na gumagaling ang mga tinamaan ng influenza sa loob ng dalawang linggo o mas mabilis pa. Ngunit mayroong mga taong nakakaranas ng mga kumplikasyon tulad ng pneumonia.

    Maaari ring magdulot ng impeksyon sa sinus at tenga ang flu—ito ay isang halimbawa ng tinatawag na moderate complication. Bukod pa sa mga ito, narito pa ang ibang posibleng maging komplikasyon dulot ng flu:

    • inflammation of the heart, brain, or muscle
    • multi-organ failure kaugnay sa kidney at baga
    • sepsis

    Maaari ring palalain ng flu ang iba pang mga chronic medical problems tulad ng hika at chronic heart disease.

    Sinu-sino ang delikadong makaranas ng influenza?

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Paalala ng mga eksperto, lahat ay maaaring dapuan ng flu at makaranas ng mga influenza symptoms, ngunit mayroong mga taong mas maaaring makaranas ng kumplikasyon. Kabilang dito ang mga sumusunod:

    • mga taong edad 65 pataas
    • mga taong may chronic medical conditions tulad ng hika, diabetes, o sakit sa puso
    • mga babaeng buntis
    • mga batang edad 5 pababa

    Anu-ano ang mga emergency warning signs ng flu?

    Kapag nakita mo ang mga influenza symptoms na ito, siguraduhing lumapit agad sa mga doktor.

    Sa mga bata:

    • hirap sa paghinga
    • pangingitim ng mukha o labi
    • pananakit ng dibdib
    • pananakit ng katawan
    • dehydration (hindi pag-ihi sa loob ng walong oras)
    • seizures
    • lagnat na umaabot nang hanggang 104°F

    Sa mga matatanda:

    • hirap sa paghinga
    • masakit na dibdib
    • pagkahilo
    • panghihina
    • seizures
    • hindi pag-ihi
    • pananakit ng katawan
    • panghihina o panlalambot
    • lagnat
    • ubo

    Paano maiiwasan ang flu?

    Inirerekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang taunang pagbabakuna. Nakakatulong kasi ang flu vaccine para panatilihing mababa ang tsansa na magkaroon ka ng flu.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Taon-taon ang seasonal flu vaccine ay nakakatulong para magbigay proteksyon laban sa tatlo hanggang apat na influenza viruses.

    READ MORE ABOUT INFLUENZA HERE: 

    Makakatulong din ang pagpapalakas ng resistensiya para maiwasan, hindi lang ang flu, kundi ang iba pang mga karamdaman.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close