-
Hindi Na Kaya Ng Suob Ang Sipon O Ubo? Mga Senyales Na Kailangan Na Ng Doktor
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Kinalakihan na ng karamihan ang paggamit ng tuob o suob, na kilala sa English term na steam inhalation. Kapag sinisipon, barado ang ilong, at hirap huminga, nakasanayan na ang paglanghap ng singaw ng kumukulong tubig upang gumaan ang pakiramdam.
Steam inhalation: Gamot sa COVID-19?
Naging popular pa ang tuob/suob nang kumalat ang sabi-sabi kamakailan na nakakagaling at nakakapigil ito ng COVID-19. Mabilis at mariin naman ang tugon ng health officials, mula Department of Health (DOH) hanggang World Health Organization (WHO). Anila, walang pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ito laban sa bagong sakit na sanhi ng novel coronavirus.
Sang-ayon dito ang mga doktor, tulad nila Dr. Earl Louis A. Sempio at Dr. Ronald Panaligan. Pinangunahan nilang dalawa nitong November 19, 2020 sa isang virtual discussion na organisado ng pharmaceutical at healthcare company na Unilab, Inc.
Lahad ni Dr. Sempio, isang pulmonologist at biochemist, na maaaring maging harmful ang steam inhalation sa taong may COVID-19 at sa mga nakapaligid dito.
Hindi raw gagaling ang pasyente dahil lang sa paglanghap ng singaw ng kumukulong tubig — baka mahawaan pa niya ang mga kasama nito. May tendency kasi na sumama ang tubig sa hangin at kumalat ang mga ito, kasama na ang virus, hanggang dumapo at pumasok ang infectious particles sa sistema ng ibang tao.
Paliwanag ni Dr. Panaligan, isa ring pulmonologist, “Ang steam inhalation ay isang remedy o relief. It’s not a cure. Therefore, hindi siya talaga pinag-aralan objectively. Hindi po ito katulad ng pangkaraniwang gamot na dumaan sa sari-saring pag-aaral para mapatunayan ang pagiging mahusay, epektibo, o ligtas.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi gamot na nakakagaling ng sakit ang steam inhalation
Nilinaw naman ni Dr. Sempio na kinikilala nila ang hatid na ginhawa na dulot ng tuob/suob sa mga nakasubok na nito at bumuti ang pakiramdam. Pero dapat din daw malinaw na hanggang doon lang ang naibibigay nito. Para hindi makampante ang pasyente at hindi maantala ang pagtunton sa totoong sakit, maging COVID-19 man ito o hindi.
Aniya, “Kapag nakaramdam ng ginahawa, akala nila ’yon na ang gamot. Ang isang analogy ko diyan eh ’yong pag-ulan. Magpapayong ka. Pero hindi napatigil ng payong ’yong ulan. Umuulan pa rin. Pero ’yong payong mo mismo, napipigilan kang mabasa. So ’yong payong natin, ’yon ang remedy.
“Pero hindi natin mape-predict kung tumigil sandali ang ulan o maging bagyo. So, ’yong remedy o payong na ginagamit natin, hindi siya sagot sa mismong problema. Kung, halimbawa, naniwala ka, nagkamali ka, ‘Uy, nakapayong ako, hindi ako mababasa.’
“At lumabas ka sa full-blown na bagyo. Medyo delikado ’yon. So, hindi natin irerekomenda na ’yong payong, gamitin mo habang bumabagyo at lumabas ka. Ang rekomendasyon natin, siyempre, gusto natin maging safe ang mga tao.”
Supportive therapy para sa flu at viral infection
Dagdag pa ni Dr. Sempio, antibiotics ang tamang gamot para sa mga sakit na sanhi ng bacteria, gaya ng bacterial pneumonia. Kung dulot naman ng virus, tulad ng viral infection at flu, makakabuti kung hayaan ang immune system na labanan ito.
Makakatulong din ang supportive therapy sa flu, viral at bacterial infection, lalo na kung may iba pang sakit ang pasyente. Mainam na gawin ang mga sumusunod:
CONTINUE READING BELOWwatch now- Bigyan ng pagkakataon ang katawan na magpahinga para makalaban ang sarili sa virus.
- Dalasan ang pag-inom ng ng tubig. Nakakalambot ito ng plema at pinaluluwag nito ang daanan ng hangin sa katawan.
- Kumain ng masustansyang pagkain.
- Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Senyales na kailangan na ng doktor
Mahalaga rin na bantayan ang mga sintomas na magsasabing delikado na ang lagay ng pasyente. Ilan sa mga ito, ayon kay Dr. Sempio:
Hingal at mabilis na ang paghinga
Kung lampas sa karaniwang 16 to 20 breaths per minute, mabilis na ang paghinga. Isa na itong sign of distress. Kailangan nang dalhin sa ospital at makita ng doktor.
Biglang bagsak ng blood pressure
Kung may diabetes, cancer o problema sa puso, i-check kung may matinding manifestation ng sakit. Halimbawa, bumagsak ang blood pressure o biglang hindi na makaihi. Nagpapababa ito ng resistensya.
Tumatagal na ubo
Dito sa Pilipinas, kapag lumagpas ng two weeks ang ubo, on and off, nare-relieve man o hindi ng kung ano mang remedy na ginagawa, iisipin kaagad na tuberculosis (TB). Kailangang maeksamen kung TB nga ang sakit.
Paalala ni Dr. Sempio na sintomas lang ang ubo at hindi ito sakit. Kaya kung maibsan man ito sa paggamit ng steam inhalation, hindi ibig sabihin na wala ng sakit. Mainam pa rin na komunsulta sa doktor upang malaman kung ano talaga ang sakit.
What other parents are reading
https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/home-remedy-sa-hirap-huminga-a1278-20200820

- Shares
- Comments