embed embed2
  • Experts Say: Ito Raw Ang 3 Brands Ng Mouthwash Na Maaaring Panlaban Sa COVID-19

    Lumabas ito sa mga pag-aaral ng mga researchers mula sa Cardiff University.
    by Ana Gonzales .
Experts Say: Ito Raw Ang 3 Brands Ng Mouthwash Na Maaaring Panlaban Sa COVID-19
PHOTO BY Shutterstock/Ju Jae-young
  • Kailan lang nga ay natuklasan ng ilang mga eksperto na malaki ang potensyal ng mouthwash para maging mabisang panlaban sa COVID-19.

    Kasalukuyang inaantay pang maaprubahan ng mas maraming eksperto ang pag-aaral. Ngunit sa isinagawa nilang mga test tube experiments, lumalabas na kayang puksain ng mouthwash ang COVID-19 virus.

    Cardiff University researchers ang nagsagawa ng pag-aaral. Ayon sa kanila, ginaya nila ang kondisyon sa likod ng ilong at lalamunan. Saka nila sinubukan kung kakayanin ba ng mga tinatawag na high street mouthwashes na puksain ang virus.

    Tatlong mouthwashes ang nakita nilang kayang pumatay ng live virus sa loob lamang ng 30 segundo. Ito ang Dentyl Dual Action, Dentyl Fresh Protect, at ang Listerine Advanced.

    Ayon sa iba pang mga eksperto, kailangan pang pag-aralan kung mapapatay ba ng mga mouthwash brands na ito ang virus kapag nasa mismong tao na ito.

    Dagdag nila, malaki ang maitutulong ng resulta ng pag-aaral na ito sa pagpigil ng paglaganap ng virus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano nakakatulong ang mouthwash laban sa COVID-19?

    Mayo pa ng taong ito sinimulan ng mga eksperto na pag-aralan kung pwede nga bang ipanglaban sa COVID-19 ang mouthwash.

    May mga nakaraan na kasing pag-aaral na nagpapakitang ang mga common ingredients sa mouthwash tulad ng ethanol, povidone-iodine, at cetylpyridinium ay kayang paghiwalayin ang lipid membranes na bumabalot sa mga viruses tulad ng SARS-CoV-2.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi ni professor Jean-Yves Maillard, marami pang maaaring matutunan ang mga eksperto sa kanilang pag-aaral.

    Kung sakali mang matuklasan na mabisa ang mouthwash laban sa COVID-19, hindi pa rin ito dapat gawing pamalit sa paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.

    Sa halip, dapat itong gamiting dagdag na proteksyon para hindi tamaan ng virus.

    "Overall, antimicrobial mouthwash may help in decreasing viral load in the oropharynx but this should not been viewed as using mouthwash instead of face masks, but instead as a potential combined intervention: use of mouthwash and wearing face masks," paliwanag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "The remaining question is how often one needs to use a mouthwash to really make an impact? This would need to be answered before any recommendations are made."

    Anu-ano pang pag-aaral ang ginagawa ng mga eksperto?

    Sa mga susunod na araw, magsasagawa ang University Hospital of Wales ng 12-week clinical trial. Dito nila susuriing mabuti kung nababawasan nga ba ang viral load sa laway ng isang pasyenteng may COVID-19, kung gagamit siya ng mouthwash.

    "In the human throat, the virus is being produced constantly, so if there is an effect it will be important to see how long it lasts for and whether this could help reduce transmission, for example in dental investigations, mouth/throat examinations by GPs, or short-term contacts with vulnerable patients or other individuals," paliwanag ni Dr. Richard Stanton, ang lead author ng pag-aaral.

    Sa ngayon, hanggat patuloy pa ang kanilang pag-aaral, pinapayuhan ng mga eksperto ang lahat na patuloy sundin ang mga preventive measures na mayroon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa iba pang balita tungkol sa COVID-19, i-click lang ang link na ito: https://www.reportr.world/covid-19

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles