;
embed embed2
Nakagat, May Singaw, At Iba Pang Sanhi Ng Sugat Sa Dila
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May kasabihan na kapag nakagat ang dila, ibig sabihin ay may nakaalala sa iyo. Wala namang problema, basta hindi magkaroon ng sugat sa dila at lumala pa. Kakailanganin na ng gamot para diyan.

    Mga dapat malaman tungkol sa dila

    Ang dila ay binubuo ng muscles at nababalutan ito ng mucous membrane. Sa ibabaw ng likurang bahagi nito, may mga maliliit na umbok na tinatawag na papillae, ayon sa MedlinePlus information resource ng United States National Libray of Medicine.

    Sa pagitan ng papillae, naroroon ang taste buds, na siya namang responsable sa panlasa. Tumutulong ang dila para makanguya at makalulon, pati na sa pagbigkas ng mga salita.

    Bahagi rin ang dila ng oral health, sabi ni Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista na may klinika sa Marikina City. Aniya, "Ito ay dapat ding linisin sapagkat mayroon ding dumidikit na food debris dito. May epekto ang kondisyon ng ating dila sa kalusugan ng ating nga ngipin dahil ito ay nagsisilbing ‘playground’ ng bacteria. Maaaring maipon dito ang bacteria at ma-infect ang ngipin."

    Mga kadalasang sanhi ng sugat sa dila

    "Minsan nakakagat ang dila at nagdudulot ng pagsingaw," lahad ni Dr. Calimlim. "Ang pagsusugat din ng dila ay maaaring senyales ng ibang karamdaman. Mainam na magpunta sa dentista upang masuri ng maigi ang karamdaman."

    Nagbigay ng iba pang dahilan si Dr. Daniel Allan, isang family physician sa Cleveland Clinic. Aniya, maaaring masugatan ang dila mula sa pag kain o di kaya pag-inom ng masyadong maiinit. Dagdag pa diyan ang teeth grinding/clenching, electronic cigarettes, canker sore, at oral cancer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nasugatan ang dila, malaki ang tyansang dumugo ito nang lubusan. Marami kasing blood supply sa parteng iyan ng katawan, sabi ng Health Direct ng Australian Department of Health. Kaya raw aakalain mong malalim ang sugat sa dila. Pero kung totoong malalim ang sugat, dapat daw itong ipatingin sa doktor para matahi.

    Tinatawag ang malalim na sugat sa dila bilang tongue laceration, ayon naman sa medical article sa U.S. National Institues of Health (NIH). Kabilang sa sanhi ng tongue laceration ang seizures, self-harm, blunt force facial trauma, at oral trauma while intubated.

    Mga puwedeng gawin kapag nasugatan ang dila

    Mainam na bigyan ang sarili ng first aid, payo ng Health Direct at sundin ang mga sumusunod:

    • Lagyan ng pressure ang sugat sa dila gamit ang malinis na tela o di kaya cotton pad. Hawakan ito nang hindi mawala sa pagkakadikit.
    • Kung malakas ang pagdugo, maaaring kailanganin ang isa pang wound dressing na pampatong.
    • Kapag nagpatuloy pa rin ang pagdudugo, ituloy lang ang pagbibigay ng pressure. Palitan lang ang pampatong na dressing. Kadalasang tumitigil ang pagdudugo pagkaraan ng 15 minuto nang tuloy-tuloy na pressure.
    • Iwasan na makalunok ng dugo dahil baka masuka at sumama ang pakiramdam. Idura na lamang ang dugo mula sa sugat.
    • Kung hindi nagdudugo ang sugat, hugasan na lang ito gamit ang malinis na tubig.
    • Maaari ka ring uminom ng pain reliever para sa kirot na nararamdaman.

    Payo rin ng mga eksperto na magpatingin sa doktor nang malaman kung kakailanganin na tahiin ang sugat o tongue laceration. Depende raw kasi sa laki ng hiwa o kung gaano ito nakabuka. Kailangan daw munang masuri ito nang lubusan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag napagdesisyunan na tatahiin ang sugat, dadaan muna ito sa inspection para masiguro na walang foreign objects, tulad ng galing sa natapyas o nadurog na ngipin. Pagkatapos, bibigyan ka ng gamot para sa kirot o di kaya local anesthetic. Puwede ring pampatulog (sedation), kung kakailanganin. Kapag kasi malalim ang sugat sa dila, malamang madaming tahi o stitches ang gagawin.

    Basahin dito para sa sugat sa lalamunan at dito para sa sugat sa gilagid.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles