embed embed2
  • Hindi Lang Hot Flashes Ang Sintomas Ng Menopause

    Menopause period na isang buong taon matapos ang huling menstruation.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Lang Hot Flashes Ang Sintomas Ng Menopause
PHOTO BY Pexels
  • Kabilang sa mga mahahalagang yugto sa buhay ng kababaihan ang pagsisimula ng menstruation, pagtigil pansamantala ng menstruation dahil sa pagbubuntis, at tuluyang pagtatapos ng menstruation.

    Lahat ng mga ito ay may kinalaman sa reproductive system, kung saan sangkot ang parehong hormones. Kaya naman may mga nararanasan sa monthly period at pregnancy na maaari ring symptoms ng menopause.

    Paano malalaman kung menopause ka na?

    Masasabing narating na ang menopause kapag isang buong taon nang hindi dinadatnan ng regla ang isang babae. Ibig sabihin, wala na siyang bleeding o spotting man lang sa sunod-sunod na 12 months. Ngunit bago mangyari ito, dumadaan siya sa transition period na kung tawagin ay perimenopause

    Kadalasang nangyayari ang perimenopause sa pagpasok ng edad 40, pero merong mga kaso na mas maaga o mas huli pa. Sa mga panahong ito, biglang nagbabago ang dami ng paggawa ng ovaries ng mga hormone na estrogen at progesterone.

    Ang nangyayari tuloy, nagiging pabago-bago ang menstruation pattern. Maaaring dumating ang regla dalawang beses sa isang buwan o kada dalawang buwan. May pagkakataong malakas ang pagdudugo at minsan naman ay mahina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Symptoms of menopause 

    Dahil pa rin sa hormonal changes, magkakaroon ng mga sintomas na depende na rin sa bawat babae kung ano ang kanyang mararamdam. Magsisimulang magsulputan ang mga ito sa pagpasok ng perimenopause at magpapatuloy ng ilang taon hanggang marating ang menopause. Pero hindi pa diyan nagtatapos dahil tuloy-tuloy ang symptoms ng menopause kahit sa katapusang parte na tinatawag na postmenopause

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hot flashes at night sweats

    Isa ang hot flashes, o “a hot flush,” sa mga pangkaraniwang sintomas. Ito ang bigla at literal na pag-init ng katawan na tumatagal mula 30 seconds hanggang 10 minutes.

    Ang klase ng init na ito, sabi ng ilang perimenopausal at menopausal women, ay naiibsan lang sa pagligo. May ilan sa kanila ang nagsasabing kumikilos ang init mula ulo, mukha, leeg, dibdib, at likuran habang nakakaramdam sila ng pamumulikat sa mga parteng iyon. 

    Pagdaan ng init at pagpapawis, bigla namang makakaramdam ng panlalamig at saka giginawin. Nangyayari ito kahit sa kalagitnaan ng pagtulog sa gabi, kaya tinatawag na itong night sweats. Ayon pa sa kuwento ng perimenopausal at menopausal women, nagigising sila nang basa sa pawis pero nanginginig sa ginaw. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat hindi na mapipigilan ang pagbabago sa estrogen levels, maaari namang mabawasan ang hot flashes kung aalamin ang mga bagay o gawain na nagti-trigger nito. Ang ilan sa mga paraan ang gawing maaliwalas at komportable ang kapaligiran at pananamit.

    Makakatulong din ang pag-iwas sa maiinit na inumin at maaanghang na pagkain. Dagdag pa dito ang gentle exercise at cool shower bago matulog para presko ang pakiramdam.

    Vaginal dryness

    Kasabay ng pagbaba ng hormone production ang pagkonti ng supply ng moisture sa katawan, mula sa skin (hello, wrinkles!) hanggang sa vagina. Dahil dito, nagiging masakit para sa babae ang sexual intercourse at nawawalan siya ng sex drive.

    Maaari din siyang magkaroon ng vaginal o urinary tract infection. Upang hindi na mairita pa ang maselang parte ng katawan, makakabuti kung huwag gumamit ng perfumed soap o scented feminine wash.

    Frequent urination at incontinence

    Kapag humihina na ang muscles, tulad ng sa bladder, napapadalas ang pagpunta sa banyo dahil parang ang bilis mapuno ng pantog. Problema ito lalo na sa gabi, kaya maraming perimenopausal at menopausal women ang hirap din sa pagtulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam na iwasan ang pag-inom ng caffeinated drinks, gaya ng coffee, tea, at soda. Palakasin din ang pelvic floor muscles sa pamamagitan ng Kegel exercises

    Headache, dizziness, nausea

    Tulad ng mga buntis, may mga perimenopausal at menopausal women ang nagkakaranas ng pagkahilo, pagnanakit ng ulo, at pakiramdam na naduduwal. Pahinga ang mainam na gawin at siguraduhing presko ang paligid.

    Subukan ang essential oils na peppermint at eucalyptus na amuyin o di kaya gamitan ng diffuser para guminhawa ang pakiramdam. Makakabuti din ang pag-inom ng ginger tea para kumalma ang tiyan.

    Mood swings

    Malimit gawing joke ang pagiging bugnutin at mainitin ng ulo ng mga babae base sa kanyang monthly period, pregnancy, o di kaya menopause. Dahil pa rin sa hormonal changes kaya nagiging irritable at sensitive. Ibang kaso pa ang depression na maaaring may kaugnayan sa menopause.

    Sikapin na makatulog nang maayos at mahimbing nang hindi sumama ang mood sa buong araw. Makakatulong din ang exercise para sa release ng endorphins, na kilala bilang “happy hormones.” Idagdag pa ang pagkakaroon ng bonding session sa mga kaibigan at pagsali sa support group.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga nararanasang symptoms ng menopause, may physical changes na hatid ng pagbaba ng estrogen at progesterone levels na posibleng magdulot ng heart diseases at iba pang kondisyon tulad ng osteoporosis. Kaya mainam na regular na magpatingin sa doktor para mabantayan ang kalusugan at pag-usapan ang hormone replacement therapy.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles