;
embed embed2
  • Withdrawal, Outercourse, Fertility Awareness, At Iba Pang Natural Birth Control Methods

    Walang gastos at side effects, pero effective ba?
    by Jocelyn Valle .
Withdrawal, Outercourse, Fertility Awareness, At Iba Pang Natural Birth Control Methods
PHOTO BY Pexels/Emma Bauso
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Malaking responsibilidad ang pagbubuo ng pamilya, kaya mainam na paghandaan ito. May mga paraan para maisagawa ang family planning at mga tips para hindi mabuntis. Pero bilin ng mga doktor na dapat pinag-uusapan ito ng mag-asawa o mag-partner.

    Natural birth control methods para hindi mabuntis

    Tinatawag na natural birth control methods ang mga paraan na puwedeng gawin nang walang ginagamit na anumang artifical na bagay. May paliwanag si Dr. Maricar Meollo-Mateo, isang obstetrician-gynecologist, sa nakaraan niyang panayam sa SmartParenting.com.ph. Aniya, walang gastos at walang side effects ang mga ito.

    Abstinence

    Abstinence ang tawag sa pagliliban sa anumang uri ng sex play o intercourse, kaya garantisado na walang magaganap na pagbubuntis at pagkakaroon ng sexually transmitted diseases (STDs). Iyon nga lang, kailangan ng mutual commitment sa ganitong paraan.

    Sabi nga ni Dr. Meollo-Mateo, “Abstinence is a decision. You are the one in control, and you always have the choice to decide to hold off from having a sexual relationship.”

    Withdrawal

    Kilala rin ang withdrawal method sa mga tawag na pullout method at coitus interruptus sa wikang Latin. Nangyayari ito bago ang ejaculation ng lalaki kapag binunot (pull out) niya ang kanyang ari (penis) mula sa ari (vagina) ng kanyang katalik at palayo sa external genitals ng babae.

    Layunin ng withdrawal method na mapigilan ang sperm na makapasok sa vagina nang hindi ito makarating sa egg cell at humantong sa pagbubuntis. Ibayong self-control ang kailangan para maisakatuparan ito, kaya marami ang nagtatanong kung safe ba ang withdrawal method.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Dr. Meollo-Mateo, hindi lubusang maaasahan ang ganitong paraan. Paliwanag niya, “There is greater risk of getting pregnant due to pre-ejaculatory sperm prior to penetration.”

    Fertility Awareness

    Tinatawag na Natural Family Planning ang ganitong paraan dahil base ito sa awareness ng mga kababaihan sa natural na pagkilos ng kanilang katawan, kabilang ang ovulation period, menstrual cycle, at fertile period.

    May dalawang uri ng ganitong paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis: Billings Method at Standard Days Method.

    Sa Billings Method, natututunan ang fertility patterns sa pamamagitan ng pagsusuri sa cervical mucus. Nagbabago kasi ang cervical mucus habang tumatakbo ang reproductive cycle.

    Maoobserbahan ang mucus gamit ang kamay para masuri ang itsura (appearance) at pandama (texture). Kailangan may record kung saan nakasulat ang lahat ng obserbasyon para masubaybayan nang husto ang cycle.

    Sa Standard Days Method naman, kailangan lang umiwas sa unprotected sex sa loob ng 12 na araw ng cycle, lalo na mula sa ika-8 hanggang ika-19 na araw. Iyon kasi ang mga panahon na fertile at malaki ang tyansa na mabuntis.

    Sabi ni Dr. Meollo-Mateo, ang fertility method ang isa sa pinaka-cost effective na paraan para hindi mabuntis. Pero kailangan na maging consistent at perfect ang paggamit ng ganitong paraan para umabot sa 95 hanggang 97% na effectivivity. Kung pumapalya, 78 hanggang 88% lang ang maaabot na effectivity.

    Outercourse

    Outercourse ang tawag sa paraan ng pag-iwas sa sexual act na may penetration sa vagina bilang isa sa tips para hindi mabuntis. Mga halimbawa ng outercourse ang foreplay, kissing, at oral/anal sex, pati na ang paggamit ng mga kamay at sex toys para magkaroon ng stimulation.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bagamat effective ito sa pag-iwas sa pagbubuntis, paalala ni Dr. Meollo-Mateo na wala namang proteksyon laban sa STDs. Paliwanag niya, “There is also a risk of pre-ejaculatory fluids entering near the vagina, which may lead to a pregnancy."

    Continuous breastfeeding

    Tinatawag ang ganitong paraan bilang Lactational Ammenorhea Method. Kapag kasi tuloy-tuloy ang pagpapadede ni mommy kay baby, naaantala ang kanyang ovulation hanggang anim na buwan pagkatapos manganak. Nangyayari ito dahil pinipigilan ng hormone na kailangan sa breastfeeding ang pagpapakawala ng hormone na kailangan naman sa ovulation.

    Puwedeng maging effective ang breastfeeding para maiwasan ang pagbubuntis ulit, sabi ni Dr. Meollo-Mateo, pero hanggang anim na buwan lang. Mahirap daw ito sa mga new mom na kailangang bumalik sa trabaho at hindi makapagpadede ng anim na beses kada araw.

    Basahin dito tungkol sa ibang tips para hindi mabuntis, tulad ng paggamit ng birth control pills o contraceptives.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles