Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • C-Section: Lahat ng Dapat Mong Malaman

    Ang Pill ay may hormones at may iba pang pakinabang maliban sa contraception.
    by Rachel Perez .
C-Section: Lahat ng Dapat Mong Malaman
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ang paginom ng contraceptive pills ay hindi nangangahulugan na sadyang iniiwasan ng isang babae ang pagbubuntis. Madalas umiinom sila ng contraceptive pills para sa regla at para na rin masulosyunan ang iba pang isyu o problema sa kanilang reproductive health.

    Bago pa maipasa ang Reproductive Health Law sa Pilipinas, ang mga contraceptive pills ay tinitingnan bilang (o tinuturing ng ibang tao) abortifacients o mga gamot na  pangpa-laglag kahit hindi naman ito talaga ginagamit sa ganoon. Sinisigurado ng  Food and Drug Administration of the Philippines na ang mga contraceptive pills na mabibili sa bansa ay ligtas.

    Kapag ininom ng naayon sa inirekomenda ng doktor, ang mga contraceptive pills ay 98 na porsyento na epektibo sa pagpigil ng pagbubuntis. Ngunit meron din itong ibang kapakipakinabang na gamit maliban sa pagpipigil ng pagbubuntis. Minsan ang mga doktor ay nagrereseta rin ng contraceptive pils sa mga kababaihan kahit na hindi sila aktibo sa pakikipagtalik. Maniwala ka man o hindi, may ibang babae na kailangan uminom ng pills para mabuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano gumagana ang contraceptive pills

    Ang katawan ng tao ay natural na gumagawa ng iba't ibang klase ng hormones na may kanya-kanyang gamit rin. Ang mga contraceptive pills ay mayroong synthetic o artipisyal na hormones na tumutulong magsimula ng mga pagbabago sa iyong katawan na makakapapekto upang hindi ka mabuntis. Ang pill ay may parehong estrogen at progestin (combination pill) o progestin lamang (mini-pill).

    Ang mga hormones ang pumipigil sa obaryo ng babae na maglabas ng itlog. Pinapakapal nito ang cervical mucus na nakapalibot sa cervix na magpapahirap sa sperm na gumalaw o mabuhay sa loob ng reproductive system ng babae. Pinaninipis din nito ang lining sa uterus ng babae upang mapigilan ang embryo implantation.

    Ito ay napatunayang ligtas ngunit hindi sa lahat ng kababaihan dahil na rin sa mga side effects at ang mga panganib na dala nito tulad ng paginom ng kahit anong gamot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano nakakaapekto ang contraceptive pills sa iyong pagreregla

    Maaari mong tawagin ang contraceptive pills para sa regla na birth control pills pero ginagamit din ito para gamutin ang iban't ibang kondisyon na nakakaapekto sa reproductive health ng isang babae. Ito ang ilan sa mga rason kung bakit nirerekomenda ng mga doktor ang contraceptive pills:

    1. Ang contraceptive pill ay maaring maiayos ang regular na pagdating ng iyong buwanang dalaw.

    Karamihan sa mga kababaihan ay may regular na pagreregla. Ibig sabihin ay nireregla sila kada buwan. Karaniwan, ang isang babae ay nireregla pagkatapos ng dalawampu't apat hanggang tatlumpu't walong araw at kadalasan ito ay tumatagal ng dalawa hanggang walong araw.

    Ang ibang babae naman sa kabilang banda ay may mga hindi regular na pagreregla. Nasa labing-apat hanggang labing-walong porsyento ng mga kababaihan na nasa wastong edad na maaaring magdalang-tao ang may hindi regular na pagreregla. Nangangahulugan lamang ito ng tatlong bagay:

    1. Ang pagitan o dami ng araw pagkatapos at bago magkaroon ng buwanang dalaw ay nagbabago kada buwan.
    2. Ang dami ng araw na siya ay may regla ay laging iba-iba.
    3. Ang dami ng dugo na nilalabas ng isang babae sa tuwing siya ay nireregla ay maaaring sobrang dami o sobrang kaunti kumpara sa normal na dami.

    Mahirap kapag hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon ng buwanang dalaw at maaari itong makasagabal sa pagiging produktibo mo o sa mga plano mo sa buhay. Ang mahabang pagitan ng iyong pagreregla ay maaari ring maging sanhi ng abnormal na pagbubuo ng cells sa loob ng iyong sinapupunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagkontrol sa mga hormones sa iyong katawan sa pamamagitan ng paginom ng contraceptive pills ay maaaring makatulong sa mga hindi regular o hindi alam kung kailan darating ang buwanang dalaw na magkaroon ng regla buwan-buwan. Ang mga babae na hindi dinadatnan ng regla (tinatawag na amenorrhea) ay maaaring uminom ng pill para sila ay reglahin.

    More from Smart Parenting

    2. Ang contraceptive pill ay kayang maiayos ang daloy ng iyong regla.

    Kahit regular ang kanilang menstrual cycle, nasa sampung porsyento ng mga kababaihan na nasa watong gulang na maaaring magdalang-tao ang nakakaranas ng mabigat na daloy. Ibig sabihin, sila ay mlakas maglabas ng dugo sa tuwing meron silang buwanang dalaw. Maaari itong tumagal ng lima hanggang walong magkakasunod na araw o higit pa. Ang ibang babae naman ay nireregla ng malakas na umaabot ng ilang linggo. Ang tawag sa kundisyon na ito ay menorrhagia.

    Mabigat ang daloy ng iyong regla kung:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • nagpapalit ka kada oras o wala pang isang oras dahil puno na ang iyong feminine napkin o sanitary pad
    • kailangan mong gumising sa gabi upang magpalit ng sanitary pad
    • Madalas kang magkaroon ng tagos
    • Mayroon kang regla na tumatagal ng higit sa walong araw

    Ang pagkakaroon ng malakas na daloy ng regla ay nangangahulugan na kailangan mong bumili ng espesyal na heavy-flow pads (at malamang marami nito). Maliban sa gatos, ang pagkakaroon ng malakas na daloy ng regla kapag hindi naagapan ay maaaring magresulta sa labis na pagkahilo o maaari siyang himatayin. Ito rin ang minsang nagiging sanhi ng anemia.

    Napapanipis ng pill ang lining sa iyong uterus kaya mas kaunti ang ilalabas mong dugo kapag dumating na ang iyong buwanang dalaw.

    3. Ang birth control pill ay kayang pigilan ang menstrual cramps o pagsakit ng puson.

    Ang dysmenorrhea ay madalas ilarawan bilang masakit na may kasamang kirot mula sa ibabang bahagi ng iyong tiyan at maaariing umabot hanggang likod at mga binti. Lahat ng kababaihan ay pinagdadaanan ito pero iba-iba ang kanilang nararamdaman. Ang paginom ng gamot para sa kirot ay maaaring makatulong sa pagpawi ng menstrual cramps ngunit may mga ibang kababaihan na maliban sa sakit ay nagsusuka, nagtatae at sumasakit ang ulo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano ka nakakaramdam ng kirot o sakit kapag meron kang buwanang dalaw? Ang antas ng dysmenorrhea na nararamdaman mo kapag may regla ka ay depende sa level ng prostaglandin. Ito ay hormone-like na kemikal na nabubuo sa lining ng uterus na nagiging sanhi para ang iyong muscle ay sumikip o tumigas kaya ka makakaramdam ng sakit.

    [The Piill] essentially tricks your body into thinking you're pregnant ([Ang pill] ay parang niloloko ang iyong katawan na ikaw ay buntis),” sabi ni Michael Thomas, M.D., isang propesor, at direktor ngreproductive endocrinology and fertility sa University of Cincinnati College of Medicine.

    Kapag iniisip ng iyong katawan na ikaw ay buntis, ang iyong uterus ay gumagawa ng mas kaunting kemikal na nagiging sanhi ng pulikat.

    Ang mga contraceptive pills na may synthetic na katapat ng hormone na drospirenone ay tumutulong upang mapagaaan ang mga sintomas ng malubhang pulikat dala ng pagkakaroon ng regla o premenstrual dysphoric disorder.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    4. Ang mga birth control pills ay nakakatulong para mas kayanin ang pagkakaroon ng buwanang dalaw.

    Maliban sa dysmenorrhea, ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ay minsan nangangahulugan din na makakaranas ka ng migraine, mood swings, pagkahilo at pamamaga ng suso o dibdib. Ang mga sintomas na ito ay madalas dahil sa hormones at maaaring maagapan sa pamamagitan ng paginom ng contraceptive pills.

    5. Ang contraceptive pill ay kayang pigilan ang iyong buwanang dalaw.

    Ang pagkakaroon ng regla ang paraan ng katawan ng babae na linisin ang kanyang reproductive system ngunit nakakasagabal ito kapag may nararamdaman kang sakit.

    Ang mga contraceptive pills para sa regla ay nakakatulong na mapigilan ang pagkakaroon ng regla mismo lalo na kung may mga nakaplano kang gawain sa mga araw na inaasahan mong darating ang iyong buwanang dalaw. Ang pill na ito ay nakakatulong rin sa ibang kababaihan na huwag magkaroon ng buwanang dalaw para sa buwan na iyon. Ang pagtapos ng menstrual cycle, maging pangsamantala o pangmatagalan man ito ay maaaring makatulong sa iba't ibang menstrual na sintomas tulad ng pagkahilo, mood swings at pagkirot ng kalamnan. Ngunit kailangan mo muna kumunsulta sa iyong doktor bago mo ito gawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano mo iinumin ang pill para lumaktaw sa iyong buwanang dalaw o tumigil ang iyong regla? Ugaliing uminom ng pills na may active ingredients araw-araw. Huwag mo na inumin ang mga placebo pills kung ikaw ay may 28-day na pack. Ang mga placebo pills ay ang huling pitong pills sa iyong pakete. Magsimula ng bagong pack pagkatapos maubos and dalawapu't isang tableta. Gawin mo rin ito kung ikaw ay may 21-day pack na mga pills. Maaari kang magkaroon ng spotting o kaunting pagdurugo pero kapag ginawa mo ito buwan-buwan, maaaring hindi ka na datnan ng buwanang dalaw pagkatapos ng anim na buwan.

    Paano nakakatulong ang contraceptive pills sa reproductive health ng isang babae

    Maaaring malutas ng contraceptive pill ang mga problemang kaugnay ng pagkakaroon ng regla. Meron itong kaparehong sintomas kapag ang isang babae ay may endometriosis at polycystic ovary syndrome (PCOS). Maraming doktor ang nagrereseta ng contraceptive pills para labanan ang sintomas ng dalawang kundisyong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa endometriosis, ang lining ng uterus (endometrium) ay kumakapal sa labas ng bahay-bata at dumidikit sa  fallopian tubes, obaryo, loob ng tiyan, bituka at pantog. Pagdating ng iyong buwanang dalaw, matatanggal ang uterine lining (kung saan hindi naman ito dapat nandoon) at makakaramdam ka ng matinding kirot. Ang pill ay malilimitahan o pansamantalang mapapatigil ang pagkapal ng endometrium at mababawasan ang kirot dala ng malakas na daloy at kirot sa pelvic area. Ang Endometriosis ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog at kasama sa paggamot nito ang pagpapatigil ng iyong regla.

    Ang PCOS ay isang kundisyon na nagdudulot ng hindi regular na pagkakaroon ng regla, acne, labis na buhok sa katawan, ovarian cyst, hirap sa pagbubuntis dahil sa hormonal imbalance. Ang mga kababaihan na may PCOS ay nagkakaroon ng mas mataas kaysa normal na dami ng panglalaking hormone na testosterone at hindi nakakapag-ovulate o hindi nakakapaglabas ng itlog, paliwanag ni Dr. Thomas. Ang pill ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng lebel o dami ng testosterone at makakatulong sa paglaban ng mga sintomas. Tinutulungan rin nito na mabuntis ang mga babaeng may PCOS na gustong magkaanak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Planned Parenthood, ang paginom ng contraceptive pills ay makakatulong rin sa pagpigil ng pagkakaroon ng cyst sa suso at obaryo, endometrial at ovarian na mga kanser, at malubhang impeksiyon sa mga obaryo, fallopian tubes, at uterus.

    Hndi lahat ng babae na umiinom ng contraceptive pills para sa regla ay umiinom nito para hindi mabuntis, ang ibang kababaihan ay kailangang uminom nito para mas maging malusog sila.

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles