embed embed2
Hirap Ibuka Ang Bibig, Tumutunog Na Buto Sa May Panga, At Ibang Sintomas Ng TMJ Disorder
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung may paninigas sa iyong panga at tila nakakalas ang buto sa parteng ilalim ng tenga, natural na magulat at magtaka. Pero bago tuluyang matakot, alamin muna ang tungkol sa TMJ disorder.

    May kinalaman ito sa temporomandibular joints (TMJ), na siyang tawag sa dalawang kasu-kasuan na kumukonekta sa ibabang parte ng panga (lower jaw) sa bungo (skull). Masasalat mo ang mga ito kapag itinapat mo ang dalawang daliri sa may tenga at ibuka ang bibig.

    Ang mga joints na ito ang gumagalaw na padulas (slide) at paikot (rotate). Kinabibilangan ang mga ito ng mandible, o ang lower jaw, at ng temporal bone, na siyang gilid at ilalim ng bungo.

    Ang TMJs ang pinakakumplikadong kasu-kasuan sa katawan, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Katulong nila ang ibang muscles para makagalaw ang mandible nang paakyat at pababa, patagilid, at paharap at pabalik.

    Kapag ang mandible at joints ay maayos ang pagkapantay, maayos din ang kilos ng muscles sa parteng ito. Kabilang ang kilos sa pagnguya, pagsasalita, paghikab, at paglunok. Pero kapag hindi naman maayos ang pagkapantay ng muscles, ligaments, disk, jaw bone, at temporal bone, o di kaya hindi sila magkasabay ng galaw, magkakaroon ng problema.

    Ano ang TMJ disorder?

    Ang kadalasang tinatawag ng karamihan na TMJ o TMJ disorder ay may medical term na temporomandibular disorders (TMDs). Isa itong grupo na kinabibilangan ng higit sa 30 karamdaman na nagdudulot ng kirot at mali sa jaw joints at muscles na kumokontrol ng paggalaw ng panga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May 3 uri ng TMDs, ayon sa National Institute of Dental and Craniofacial Research:

    1. Mga problema sa kasu-kasuan (disorders of the joints), kabilang ang disc disorders

    2. Mga problema (disorders) sa muscles na ginagamit sa pagnguya (masticatory muscles)

    3. Pananakit ng ulo na may kinalaman sa TMD

    Sa ilalim ng bawa uri ng TMDs, merong iba-iba pang disorders. Maraming kaso ng TMDs ang hindi nagtatagal at kusang nawawala. Pero meron ding mga kaso na pabalik-pabalik (chronic ang tawag dito), o di kaya pangmatagalan.

    Maaaring magkaroon ng TMDs lamang at maaari ring may kasabay ng iba pang kondisyon, tulad ng masakit ang ulo o di kaya masakit ang likod, pati na hindi makatulog, fibromyalgia, at irritable bowel syndrome (IBS). Mas madalas magkaroon ng TMDs ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan, lalo sa iyong may edad 35 hanggang 44.

    Sanhi ng TMJ disorder

    Sa maraming kaso ng problema sa temporomandibular joints, na kilala rin bilang temporomandibular disorders (TMDs), hindi malinaw ang dahilan. Pero, ayon sa mga eksperto, kadalasang may kinalaman ang mga sumusunod:

    • Labis na paggamit ng jaw joints at muscles na kumokontrol sa pagnguya, paglunok, at pagsasalita
    • Pinsala, o injury, sa panga o di kaya temporomandibular joints, pati na sa ulo at leeg
    • Dulot ng medical condition, gaya ng fibromyalgia o di kaya irritable bowel syndrome (IBS)
    • Clinical, psychological, sensory, genetic, at nervous system factors
    • Labis na stress

    Ayon pa sa mga eksperto, hindi suportado ng research ang paniniwalang may kinalaman ang pagkakaroon ng bad bite o di kaya pagsusuot ng orthodontic braces sa TMDs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga sintomas ng TMJ disorder

    Narito ang mga karaniwang sintonas ng tinatawag ding TMDs:

    • Pananakit ng panga, lalo na sa umaga o di kaya sa hapon
    • Pananakit ng ulo
    • Kirot na kumakalat sa likod ng mga mata, pati na sa mukha, balikat, leeg o di kaya sa likod
    • Pananakit ng tenga, na puwede ring may pagtunog pa na hindi dahil sa infection ng inner ear canal
    • Pagtunog sa panga na parang nakakalas ito
    • Pagsasara ng panga (locked jaw)
    • Limitadong galaw ng bibig o di kaya hirap sa pagbukas at pagsara ng bibig
    • Pagkiskis ng mga ngipin (teeth clenching, grinding)
    • Pagkahilo
    • Pagiging sensitibo ng mga ngipin kahit wala sira o anumang problema sa ngipin
    • Pamamanhid o pakiramdam ng natutusok sa mga daliri
    • Pagbabago sa pagkapantay ng mga ngipin sa itaas at sa ibaba

    Anong dapat gawin?

    Bago mataranta, may paalala ang mga eksperto:

    1. Normal lang ang pagtunog ng panga at temporomandibular joints, at maaaring madalas itong mangyari

    2. Kadalasang nawawala nang kusa ang mga sintomas ng TMDs at hindi na kailangang ng gamutan

    3. Hindi rekomendado ang mga paraan na may hatid na permanenteng pagbabago sa jaw joints, pati na sa mga ngipin at kung paano kumagat, o di kaya anumang operasyon

    Subukan na lang muna ang ganitong home remedies:

    • Piliin ang malalambot na pagkain
    • Lapatan ng heat o di kaya cold compress ang apektadong panga
    • Imasahe ang apektadong panga
    • Ihersisyo ang mga panga sa pamamagitan ng pabukas at pagsara ng bibig na tila stretching exercises
    • Uminom ng over-the-counter medications, gaya ng ibuprofen
    • Iwasan ang pagtigas ng panga (jaw clenching), pagnguya ng bubble gum, o di kaya pagkagat ng mga kuko sa daliri (nail biting)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi bumuti ang iyong pakiramdam at lumala pa, mainam na komunsulta sa iyong doktor o di kaya dentista. Wala pang standard test na tutukoy sa TMDs, kaya mahalaga na masuri ka ng healthcare professional.

    Depende sa partikular na kondisyon, maaaring irekomenda ang physical therapy, medications, intraoral appliances, surgery, at iba pang medical o di kaya dental procedures para sa tinatawag ng karamihan na TMJ disorder.

    Read also: Dapat Bang Ikabahala Ang Nakapang Bukol Sa Panga?

     

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles